Foshan

Ang Foshan, alternatibong niroromanisado bilang Fatshan, ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Guangdong, Tsina. Ang kabuuang prepektura ay sumasaklaw sa lawak na 3,848.49 km2 (1,485.91 mi kuw) at may populasyong urbano na humigit-kumulang 7.2 milyon noong 2012. Bumubuo itong bahagi ng kanlurang panig ng Sonang Ekonomiko ng Delta ng Ilog Perlas na kinabibilangan ng Guangzhou sa silangan at hilagang-silangan, at Zhongshan sa timog-silangan.

Foshan

佛山市

Fatshan
Antas-prepektura na lungsod
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tanawin ng Distrito ng Gaoming, Templo ng Ninuno ng Foshan, Rebulto ni Guanyin sa tuktok ng Bundok Xiqiao, Kabayanan ng Foshan sa Distrito ng Chancheng
Palayaw: 
(Chan)
Map
Kinaroroonan ng Foshan sa Guangdong
Kinaroroonan ng Foshan sa Guangdong
Mga koordinado: 23°01′0″N 113°07′0″E / 23.01667°N 113.11667°E / 23.01667; 113.11667
Bansa Tsina
LalawiganGuangdong
Luklukan ng munisipyoDistrito ng Chancheng
Pamahalaan
 • Kalihim ng Komite ng CPCLu Yi (鲁毅)
 • AlkaldeZhu Wei (朱伟)
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod3,848.49 km2 (1,485.91 milya kuwadrado)
 • Tubig690 km2 (270 milya kuwadrado)
 • Urban
3,848.49 km2 (1,485.91 milya kuwadrado)
 • Metro
17,572.9 km2 (6,784.9 milya kuwadrado)
Taas
16 m (52 tal)
Populasyon
 (2012)
 • Antas-prepektura na lungsod7,197,394
 • Kapal1,900/km2 (4,800/milya kuwadrado)
 [1]
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Oras ng Tsina)
Kodigong postal
528000
Kodigo ng lugar(0)757
Kodigo ng ISO 3166CN-GD-06
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan粤E
粤Y(for motor vehicles registered in Nanhai before February 2018),
粤X(for motor vehicles registered in Shunde before February 2018)
GDP¥ 701.0 billion (2013)
GDP sa bawat tao[nangangailangan ng paglilinaw]¥ 96,535 (2011)
Websaytfoshan.gov.cn
Foshan
"Foshan" sa mga Tsinong panitik
Tsino佛山
Hanyu PinyinFóshān
Cantonese YaleFahtsàan or Fahtsāan
PostalFatshan
Kahulugang literal"Bundok ng Buddha"

Itinuturing ang Foshan bilang tahanan ng operang Kantones, isang genre ng operang Tsino; Nanquan, isang sining pandigma; at pagsasayaw ng leon.

Noong Nobyembre 2002 isang uri ng Coronavirus ang sumiklab sa lungsod na sanhi ng SARS, Na nakapagtala ng kaso sa Tsina 5,327 at 349 na mga nasawi.

Pangalan

Ang Fóshān ay ang romanisasyong pinyin ng pangalang Tsino ng lungsod 佛山, batay sa pagbigkas ng Mandarin. Ang pagbaybay ng Postal Map na "Fatshan" ay nagmumula sa pampook na Kantonesna pagbigkas ng parehong pangalan. Kasama sa ibang mga romanisasyon ang Fat-shan[2] at Fat-shun.[3] Ang Foshan ay nagngangahulugang "Bundok ng Buddha" na tumutukoy sa isang burol malapit sa sentro ng bayan kung saang natuklasan ang tatlong mga lilok ng Buddha noong AD 628. Hindi ito tumutukoy sa mas-tanyag na estatwa ni Guanyin o Kwanyin sa Bundok Xiqiao, na hindi isang Buddha. Lumaki ang bayan sa paligid ng isang kalapit na monasteryong nawasak noong 1391.[4]

Mga paghahating pang-administratibo

Nangangasiwa ang antas-prepektura na lungsod ng Foshan ng limang mga dibisyong antas-kondado, lahat ay mga distrito.

Chancheng
Nanhai
Shunde
Sanshui
Gaoming
Mga paghahating pampangasiwaan ng Foshan
Kodigong
dibisyon[5]
DibisyonLawak
(km2)[6]
Populasyon
(2010)[7]
LuklukanKodigong
postal
Mga subdibisyon[8]
Mga subdistritoMga bayanMga pamayanang
pamahayan
Mga nayong
pampangasiwaan
440600Foshan (kabuuan)3848.497197394Chancheng5280001121408328
440604Chancheng154.151,101,077Zumiao Subdistrict528000318954
440605Nanhai1073.942,588,844Guicheng Subdistrict5282001618367
440606Shunde806.552,464,784Daliang Subdistrict5283004693108
440607Sanshui874.22622,645Xinan Subdistrict528100252248
440608Gaoming939.64420,044Hecheng Subdistrict528500132151

Ang mga ito ay nahahati pa sa 32 mga dibisyong antas-township, kasama ang 11 mga subdistrito at 21 mga bayan.

Malapit ang Foshan sa Guangzhou at itinuturing na napakahalaga ang ugnayan nito sa Guangzhou. Dahil diyan, ito ay bahagi ng Delta ng Ilog Perlas at metropolis ng Malawakang Pook ng Look ng Guangdong-Hong Kong-Macau na nakasentro sa Guangzhou.

Mga kapatid na lungsod

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

  • Gabay panlakbay sa Foshan mula sa Wikivoyage