Gideon (hukom)

Para sa ibang gamit, tingnan ang Gideon (paglilinaw).

Si Gideon[1] o Gedeon[2][3] ay isang Israelitang hukom na matatagpuan sa Aklat ng mga Hukom sa Lumang Tipan ng Bibliya. Bumuo at namuno siya ng isang hukbo upang mailigtas ang mga Israelita sa pamamagitan ng paglupig sa mga Madianita[1] (o mga Madian[1]). Inalok siyang maging hari ng kanyang mga mamamayan subalit tinanggihan niya ang tungkuling ito.[4]

Si San Gideon.

Bilang bayani

Isang bayani si Gideon na dumanas ng takot bilang isang pinuno sapagkat isa siyang pangkaraniwan at hindi perpektong tao. Subalit, sa kabila ng mga kakulangan niyang ito, binayaan niyang gamitin siya ng Diyos dahil may awa at pasensiya ang Diyos. Mula sa ganitong uri ng ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng isang pangkaraniwan at may kakulangang tagapaglingkod nagaganap ang mga dakilang bagay. Naging isang kapuna-punang pinuno at pambansang bayani ng mga Israelita si Gideon dahil sa dalawang pangunahing kadahilanan: una, pinili siya ng Diyos; at ikalawa, nais ni Gideon maging kasangkapan siya ng Diyos. Tumugon lamang si Gideon nang mapili siya ng Diyos. Ang pagpayag ni Gideon ay isang pagpapatunay na pangkaraniwang tao lamang ang mga bayaning may kagustuhang lumantad mula sa madla o pangkat ng mga tao upang tumugon sa pagtawag ng Diyos.[5]

Tingnan din

Sanggunian

Panlabas na mga kawing