Heograpiyang pantao

Ang heograpiyang pantao (Ingles: human geography), kilala ring antropoheograpiya (Ingles: anthropogeography), ay isang sangay ng heograpiya na pinag-aaralan ang malawak na mga ugnayan sa pagitan ng pantaong pamayanan, kalinangan, mga ekonomiya, at ang kanilang interaksyon sa kapaligiran. Ang halmibawa sa pinag-aaralan sa paaralan ay ang urbanong pagkalat at muling pagsulong urbano.[1] Sinusuri nito ang mga interdependesiya sa pagitan ng mga interaksyong panlipunan at ng kapaligiran, sa pamamatigan ng mga kaparaanang kalidad at kantidad[2][3]

Kasaysayan

Hindi kinikilala ang heograpiya bilang isang pormal na disiplinang akademiko hanggang noong ika-18 dantaon, bagaman maraming iskolar ang nagsagawa ng iskolarsip pangheograpiya sa katagalan, partikular sa pamamagitan ng kartograpiya.

Itinataga ang Royal Geographical Society sa Inglatera noong 1830.[4] Hinirang ang unang propesor ng heograpiya sa Reyno Unido noong 1883,[5] at ang unang pangunahing pangunahing intelektuwal na pangheograpiya na umusbong sa Reino Unido ay si Halford John Mackinder, na hinirang na propesor ng heograpiya sa London School of Economics noong 1922.[5]

Itinatag ang National Geographic Society sa Estados Unidos at nagsimulang ilathala ang magasin na National Geographic, na naging, at patuloy na naging, isang malaking tapagpalaganap ng impormasyong heograpiko.

Mga sanggunian