International Space Station

Ang International Space Station (ISS) ay isang space station o isang tinitirhang artipisyal na satellite sa mababang orbito ng mundo. Ito ang ikasiyam na space station na tinitirhan ng mga tripulante at sumusunod sa mga space station na Salyut, Almaz at Mir ng Sobyet o Ruso at Skylab ng Amerika. Ang IIS ay isang modular na istrukturang ang unang bahagi ay inilunsad noong 1998.[5] Ito ngayon ang pinakamalaking katawang artipisyal sa orbito at kadalasang makikita sa angkop na panahon ng hubad na mata mula sa mundo.[6] Ang ISS ay binubuo ng napresyong mga module, mga panlabas na truss, mga solar array at iba pa. Ang mga bahagi ng ISS ay inilusad ng mga Amerikanong Space Shuttle gayundin ng mga Rusong rocket na Proton at Soyuz rockets.[7] Ang mga limitasyon sa budget ay humantong sa pagsasama ng tatlong mga proyektong space station sa Hapones na module na Kibō at Canadian robotics. Noong 1993 ang ilang bahaging itinayong mga bahagi para sa Sobyet/Rusong space station na Mir-2, ang iminungkahing Amerikanong Freedom at iminungkahing Europeong Columbus ay nagsama sa isang multinasyonal na programme.[7]

International Space Station
Oblique forward view in November 2021
A silhouette of the ISS shown orbiting above the Earth. This image is suspended within an orange and purple shield, with the words 'International Space Station' above the image, and laurel leaves beneath.
ISS insignia
Station statistics
COSPAR ID1998-067A
Call signAlpha
CrewFully crewed 6
Currently aboard 6
(Expedition 37)
Launch1998–2020
Launch padBaikonur 1/5 and 81/23
Kennedy LC-39
Massapproximately 450,000 kg (990,000 lb)
Length72.8 m (239 tal)
Width108.5 m (356 tal)
Heightc. 20 m (c. 66 ft)
nadir–zenith, arrays forward–aft
(27 November 2009)[kailangang isapanahon]
Pressurised volume837 m3 (29,600 cu ft)
(21 March 2011)
Atmospheric pressure101.3 kPa (29.91 inHg, 1 atm)
Perigee415 km (258 mi) AMSL[1]
Apogee419 km (260 mi) AMSL[1]
Orbital inclination51.65 degrees[1]
Average speed7.66 kilometres per second (27,600 km/h; 17,100 mph)[1]
Orbital period92.92 minutes[1]
Orbit epoch19 October 2013[1]
Days in orbit9292
(29 Abril)
Days occupied8579
(29 Abril)
Number of orbits85,394[1]
Orbital decay2 km/month
Statistics as of 9 March 2011
(unless noted otherwise)
References: [1][2][3][4]
Configuration
The components of the ISS in an exploded diagram, with modules on-orbit highlighted in orange, and those still awaiting launch in blue or pink
Station elements magmula noong Hulyo 2021
(exploded view)

Ang ISS ay nagsisilbing microgravity at kapaligirang pangkalawakang laboratoryo ng pananaliksik kung saan nagsasagawa ng mga eksperimento ang mga tripulante nito sa biyolohiya, biyolohiyang pantao, pisika, astronomiya, meteorolohiya at iba pa.[8][9][10] Ang station ay angkop sa pagsubok ng mga sistemang spacecraft at kasangkapan na kailangan para sa mga misyon sa buwan at Mars.[11]

Mga sanggunian