Jisoo

Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Kim.

Si Kim Ji-soo (Koreano김지수, ipinanganak Enero 3, 1995), mas kilala bilang Jisoo (Koreano지수), ay aktres at mang-aawit na mula sa Timog Korea. Siya rin ay miyembro ng grupong Black Pink.[3] Sinasabing siya ang pinaka kapansin-pansin sa mga kasapi ng Black Pink dahil nakakahawig niya si Dara ng 2NE1.[4]

Jisoo
지수
Si Jisoo nung Marso 2022
Kapanganakan
Kim Ji-soo

(1995-01-03) 3 Enero 1995 (edad 29)
Nasyonalidadkoreana
Ibang pangalan
  • Jichu
  • Chi Choo
EdukasyonSeoul of Performing Arts High School[1]
Trabaho
Karera sa musika
PinagmulanSeoul, Timog Korea
Genre
InstrumentoVocals
Taong aktibo2016–kasalukuyan
Label
Miyembro ng
Pangalang Koreano
Hangul김지수니
Binagong RomanisasyonGim Ji-su
McCune–ReischauerKim Chisu
Pirma

Talambuhay

1995-2015: Kamusmusan at mga unang pagsabak sa karera

Si Kim Ji-soo ay ipinanganak noong Enero 3, 1995 sa Gunpo, Gyeonggi-do, Timog Korea.[5] Siya ay may dalawang nakatatandang kapatid na lalaki at babae.[6][7] Siya ay naging isang trainee sa ilalim ng YG Entertainment noong 2011 sa edad na 16 taong gulang.[8]

Ipinakilala siya ng YG entertainment sa publiko sa pamamagitan ng kanyang teaser na litarto noong 2012 at muli noong 2013. Siya ay nagsiwalat bilang bahagi ng panghuling line-up sa 2016.[9]

Pumasok siya sa grupong Blackpink noong Hunyo 15, 2016. Bago nito, lumabas na siya sa ilang mga musikang bidyo kasama ang mga mang-aawit sa YG Entertainment. Nagtrabaho din siya bilang modelo sa ilang mga tatak at may natatanging paglabas sa seryeng pantelebisyon na The Producers.[4]

Noong Pebrero 1, 2017, ipinapahayag ng SBS na si Jisoo ang bagong MC (nagtatanghal ng palabas) para sa Inkigayo, kasama si Jinyoung ng GOT7 at Doyoung ng NCT.[10][11]

Pilmograpiya

Mga musikang bidyo

TaonPamagatUmawit
2014«스포일러» (Spoiler)Epik High
2014I'm DifferentHi Suhyun
2016«붐바야» (Boombayah)BLACKPINK
2016«휘파람» (Hwiparam; Whistle)
2016«불장난» (Buljangnan; Playing With Fire)
2016«Stay»
2017«마지막처럼» (As if it's your last)
2018Ddu-Du Ddu-Du

Mga variety show

TaonPamagatHimpilanMga tanda
2016Running ManSBSInvitada, (kabanta 330)
2017King of Mask SingerMBCJueza Invitada, (kabanata 121-122)
InkigayoSBSKabatana 898-945
2018Unexpected QMBCBisita, (kabanata 11)
Running ManSBSBisita (kabanata 495)

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas