Miss Universe 2021

ika-70 edisyon ng Miss Universe

Ang Miss Universe 2021 ay ang ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Universe Dome sa Eilat, Israel noong 13 Disyembre 2021.[1][2][3]

Miss Universe 2021
Harnaaz Sandhu, Miss Universe 2021
Petsa13 Disyembre 2021[a]
HostsSteve Harvey
Entertainment
  • Noa Kirel
  • Jojo
  • Harel Skaat
  • Valerie Hamaty
  • Narkis
PinagdausanUniverse Arena, Eilat, Israel
BrodkasterInternasyonal:
Opisyal:
Yes
Lumahok80
Placements16
Bagong saliBahreyn
Hindi sumali
  • Barbados
  • Belis
  • Indonesya
  • Malaysia
  • Myanmar
  • Urugway
Bumalik
  • Alemanya
  • Gineang Ekwatoriyal
  • Gresya
  • Guwatemala
  • Kenya
  • Maruekos
  • Namibya
  • Niherya
  • Suwesya
  • Turkiya
  • Unggarya
NanaloHarnaaz Sandhu
India Indiya
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanMaristella Okpala
Niherya Niherya
Spirit of CarnivalChantel O'Brian
Bahamas Bahamas
← 2020
2022 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Andrea Meza ng Mehiko si Harnaaz Sandhu ng Indiya bilang Miss Universe 2021. Ito ang pangatlong tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Nadia Ferreira ng Paragway, habang nagtapos bilang second runner-up si Lalela Mswane ng Timog Aprika.[4][5]

Mga kandidata mula sa walumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Bumalik si Steve Harvey bilang host na huling nagsilbi noong Miss Universe 2019.[6] Nagsilbing mga backstage correspondent sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at Carson Kressley. Nagtanghal sina JoJo, Noa Kirel, Harel Skaat, Valerie Hamaty, at Narkis sa edisyong ito.[7][8]

Kasaysayan

Lokasyon at petsa

Port of Eilat, ang lokasyon ng Miss Universe 2021

Nasa proseso ng talakayan diumano ang Miss Universe Organization upang isagawa ang kompetisyon sa Kosta Rika noong Enero 2021.[9] Ang mga talakayan ay kinumpirma ng Ministro ng Turismo ng pamahalaan ng Kosta Rika na si Gustavo Seguera.[10][11]

Subalit, noong ika-20 ng Hulyo 2021, kinumpirma ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay mangyayari sa Eilat, Israel sa Disyembre ng kaparehong taon.[12] Kinumpirma rin ng organisasyon ang pagbabalik ni Steve Harvey bilang host matapos nitong makaligtaan ang nakaraang edisyon na ginanap noong Mayo.[13] Noong ika-27 ng Oktubre 2021, inihayag ng Miss Universe Organization na ang kompetisyon ay gaganapin sa Universe Dome, isang pansamatalang custom-built arena na na-import sa Eilat mula sa Portugal.[14][15]

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa walumpung mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Tatlong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Morocco 2021 na si Kawtar Benhalima bilang kandidata ng Moroko sa Miss Universe matapos na maaksidente ang orihinal na nanalo na si Fatima-Zahra Khayat.[16] Samantala, iniluklok si Debbie Aflalo, first runner-up ng Miss Dominican Republic 2021 upang kumatawan sa Republikang Dominikano matapos na mahawaan ng COVID-19 ang Miss Dominican Republic 2021 na si Andreína Martínez bago ang kaniyang paglipad patungo sa Eilat.[17] Si Martínez ang naatasan upang kumatawan sa Republikang Dominikano sa susunod na edisyon.[18][19]

Si Clémence Botino, Miss France 2020, ay iniluklok upang kumatawan sa bansang Pransiya sa edisyong ito matapos ang pakikipagpalitan kay Amandine Petit, Miss France 2021, na kumatawan sa Pransiya noong Miss Universe 2020 dahil sa posibleng date conflict sa pagitan ng Miss Universe 2021 at Miss France 2022.[20] Kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 si Botino pagdating sa Israel at idinala sa isang government isolation hotel upang magkuwarentenas ng sampung araw. Pagkatapos ng sampung araw, pinahintulutan si Botino na magpatuloy sa kompetisyon.

Mga unang pagsali at pag-urong sa kompetisyon

Unang sumali sa edisyong ito ang Bahreyn, at bumalik ang Alemanya, Gineang Ekwatoriyal, Gresya, Guwatemala, Kenya, Moroko, Namibya, Niherya, Suwesya, Turkya, at Unggarya.[21] Huling sumali noong 1978 ang Moroko, noong 2018 ang Gresya, Guwatemala Unggarya,[22] at noong 2019 ang Alemanya, Gineang Ekwatoriyal, Kenya, at Namibya.[23] Hindi sumali ang mga bansang Barbados, Belis, Indonesya, Malaysia, Miyanmar, at Urugway sa edisyong ito.[24][25][26][27] Inaasahang kakalahok sa unang pagkakataon ang Nagkakaisang Arabong Emirato ngunit nakansela ang kompetisyong pambansa nito dahil sa kakulangan sa oras.[28][29]

Mga insidente bago ang kompetisyon

Tinawag ng pamahalaan ng Timog Aprika si Lalela Mswane, Miss South Africa 2021, upang i-boykot ang kompetisyon dahil ito ay gaganapin sa Israel.[30][31] Inanunsyo ng Minister of Sport, Arts and Culture Department ng Timog Aprika na si Nathi Mthethwa na hindi maaaring iugnay ang sarili nito sa pageant dahil sa mga "kalupitang ginawa ng Israel laban sa mga Palestino", at "mahusay na dokumentado ang mga kalupitang ginawa ng Israel laban sa mga Palestino".[32] Bagaman tinawag na ng pamahalaan na i-boykot ang pageant, ipinagpatuloy pa rin ni Mswane ang pagkakalahok sa kompetisyon, dahilan upang alisin ng pamahalaan ng Timog Aprika ang suporta nito kay Mswane.[33][34]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2021 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

PagkakalagayKandidata
Miss Universe 2021
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10
Top 16

§ – Binoto ng mga manonood upang mapabilang sa Top 16

Mga espesyal na parangal

ParangalKandidata
Best National Costume
Spirit of Carnival Award
Social Impact Award

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Ang bilang ng mga semi-finalist ay ibinaba sa labing-anim kumpara sa dalawampu't-isa ng nakaraang taon. Ang mga resulta ng paunang kompetisyon at ng closed-door interview ang nagpasiya sa unang labinlimang mga semi-finalist. Isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals.[39][40] Lumahok sa swimsuit competition ang labing-anim na mga semi-finalist at kalaunan ay pinili ang sampung mga semi-finalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Limang pinalista ang sumabak sa paunang question-and-answer round, at tatlong pinalista naman ang sumabak sa final word at final walk.[41]

Komite sa pagpili

Mga kandidata

Walumpung kandidata ang lumahok para sa titulo.[44][45]

Bansa/TeritoryoKandidataEdad[b]Bayan
AlbanyaIna Dajci[46]27Tirana
AlemanyaHannah Seifer[47]19Dusseldorf
ArhentinaJulieta García[48]22Bahía Blanca
ArmenyaNane Avetisyan[49]24Ereban
ArubaThessaly Zimmerman[50]27Oranjestad
AustralyaDaria Varlamova[51]27Melbourne
 BahamasChantel O'Brian[52]27Nassau
BahreynManar Nadeem Deyani[53]25Riffa
BelhikaKedist Deltour[54]24Nazareth
BeneswelaLuiseth Materán[55]25Los Teques
BiyetnamNguyễn Huỳnh Kim Duyên[56]25Cần Thơ
 BrasilTeresa Santos[57]23Maranguape
BulgaryaElena Danova[58]21Krichim
BulibyaNahemi Uequin[59]20Santa Cruz
CuraçaoShariëngela Cijntje[60]27Willemstad
DinamarkaSara Langtved[61]26Copenhague
EkwadorSusy Sacoto[62]24Portoviejo
El SalvadorAlejandra Gavidia[63]25San Salvador
EslobakyaVeronika Ščepánková[64]26Bratislava
EspanyaSarah Loinaz[65]23San Sebastián
 Estados UnidosElle Smith[66]23Louisville
GanaNaa Morkor Commodore[67]26Accra
Gineang EkwatoriyalChelsea Mituy[68]19Ebibeyin
Gran BritanyaEmma Collingridge[69]23Suffolk
GresyaSofia Arapogianni[70]22Ithaca
GuwatemalaDannia Guevara[71]24Ayutla
HamaykaDaena Soares[72]22Mona
 HaponJuri Watanabe[73]25Tokyo
HaytiPascale Bélony[74]28Cap-Haïtien
HondurasRose Meléndez[75]27Limón
IndiyaHarnaaz Sandhu[76]21Chandigarh
IrlandaKatharine Walker[77]26Belfast
 IsraelNoa Cochva[78]22Bnei Atarot
 ItalyaCaterina Di Fuccia[79]23Marcianise
KambodyaNgin Marady[80]22Nom Pen
KamerunMichèle Ange Minkata[81]27Yaoundé
KanadaTamara Jemuovic[82]27Toronto
Kapuluang Birheng BritanikoXaria Penn[83]18Tortola
Kapuluang KaymanGeorgina Kerford[84]18George Town
KasakistanAziza Tokashova[85]27Almaty
 KenyaRoshanara Ebrahim[86]28Nairobi
KolombyaValeria Ayos[87]27Cartagena
KosoboTuti Sejdiu[88]19Gjilan
Kosta RikaValeria Rees[89]28Heredia
KroasyaOra Ivanišević[90]20Dubrovnik
 LaosTonkham Phonchanhueang[91]26Vientiane
LupangyeloElísa Gróa Steinþórsdóttir[92]22Garðabær
 MaltaJade Cini[93]26Valletta
MawrisyoAnne Murielle Ravina[94]26Rodrigues
MehikoDébora Hallal[95]25Las Mochis
MorokoKawtar Benhalima[16]22Marrakesh
NamibyaChelsi Shikongo[96]24Walvis Bay
 NepalSujita Basnet[97]28Katmandu
NiheryaMaristella Okpala[98]28Anambra
NikaragwaAllison Wassmer[99]26Managua
NoruwegaNora Nakken[100]23Trondheim
OlandaJulia Sinning[101]24Amsterdam
 PanamaBrenda Smith[102]27Lungsod ng Panama
ParagwayNadia Ferreira[103]22Villarrica
 PeruYely Rivera[104]27Arequipa
PilipinasBeatrice Luigi Gomez[105]26Lungsod ng Cebu
PinlandiyaEssi Unkuri[106]23Vaasa
PolonyaAgata Wdowiak[107]25Łódź
Porto RikoMichelle Colón[108]21Loíza
 PortugalOrícia Domínguez[109]27Lisboa
 PransiyaClemence Botino[20]24Baie-Mahault
Republikang DominikanoDebbie Aflalo[17]27Azua
Republikang TsekoKarolína Kokešová[110]25Praga
RumaniyaCarmina Cotfas[111]21Cluj-Napoca
RusyaRalina Arabova[112]22Kazan
SingapuraNandita Banna[113]21Singapore
SuwesyaMoa Sandberg[114]25Estokolmo
TaylandiyaAnchilee Scott-Kemmis[115]22Chacheongsao
Timog AprikaLalela Mswane[116]24Richards Bay
Timog KoreaJisu Kim[117]23Seoul
TsileAntonia Figueroa[118]26La Serena
 TsinaShi Yin Yang[119]20Beijing
TurkyaCemrenaz Turhan[120]23Istanbul
UkranyaAnna Neplyakh[121]27Dnipro
UnggariaJázmin Viktória[122]20Budapest

Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing