Nana Klutse

Pinag-aaralan ni Nana Ama Browne Klutse ang mga dinamiko ng klima sa Kanlurang Aprika. Ang kanyang trabaho nakatuon sa siyensa ng klima at pag-unlad nito partikular sa Aprikanong Balaklaot.[1][2] Siya ay isang senior lecturer sa Departmento ng Pisika sa Unibersidad ng Ghana.[3] Noong nakaraan, pinamahalaan niya ang Remote Sensing and Climate Center.[4] Si Dr Klutse ay isang fellow ng African Institute for Mathematical Sciences[5] at isang nangungunang may-akda na nag-aambag sa IPCC Sixth Assessment Report (AR6). Aktibo rin niyang hinihikayat ang mga batang babae sa Ghana na isaalang-alang ang mga karera sa agham at sinusuportahan ang mga pagpapabuti sa edukasyon sa agham sa bansa.[6]

Propesyonal na trabaho

Nagtrabaho si Dr. Klutse sa Ghana Space Science and Technology Institute ng Ghana Atomic Energy Commission bilang isang nakatataas na siyentista sa pananaliksik mula 2016 hanggang 2018.[3] Bago ito, naging panauhing lektor siya sa West African Science Service Centre on Climate and Adapted Land Use (WASCAL) sa Akure, Nigeria.[7]

Politika

Si Dr Klutse ay aktibo din sa politika bilang isang miyembro ng National Democratic Congress.[3]

Mga Sanggunian