Pagganap (sining)

Ang pagganap, pag-akto, o pag-arte (Kastila: actuación, Ingles: acting) ay ang gawain o pagkilos na isinasagawa ng isang aktor o ng isang aktres, na mga taong nasa larangan ng teatro, telebisyon, pelikula, o anumang iba pang mga midya ng pagkukuwento at nagsasalaysay ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan o ng isang tauhan at, sa pangkaraniwan, ay nagsasalita o umaawit ng nakasulat na teksto o dula. Sa mundong Kanluranin, ang karamihan sa maagang mga sanggunian na sumisiyasat sa sining ng pag-arte (Griyego: ὑπόκρισις, hypokrisis) ay tumatalakay nito bilang isang bahagi ng retoriko (karunungan o kasanayan sa pagsasalita).[1]

Propesyonal at Baguhan na Aktor

Angpropesyonal aktor ay isang aktor na binabayaran para sa pag – arte. Hindilahat ng aktor na nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, o teatro ay maypormal na pag – eensayo. Halimbawa nito ay si Bob Hoskins na walang pormal napagsasanay ng pag – arte bago pa niya ito tahakin bilang propesyon. Angbaguhang aktor naman ay isang aktor na hindi kinakailangan ng bayad para sapagtatanghal. Subalit may mga propesyonal aktor na tumatanggap ng trabahongpang – baguhan para sa maraming dahilan. Yung iba ay para sa layuning pang –edukasyon o kaya ay layuning pangkawanggawa.

Kasaysayan

Isa sa mgapinakaunang tagaganap o aktor ay isang sinaunang Griyegong  pinaniniwalaang si Thespis ng Icaria. Ayon saistoryang apocryphal, (teksto odulang hindi nalalaman kung sino ang sumulat) si Thespis ay humiwalay sa korongdithyramb at nagsalaysay bilang isanghiwalay na karakter o tauhan. Bago si Thespis, ang koro ang sumasalaysay. Nang humiwalaysi Thespis sa mga koro (taong 12 BC), siya ay nagsalaysay na parang bang siyayung mismong karakter. Sa pangalan ni Thespis nanggaling ang salitang“thespian.”

Mga sanggunian