Twice

Grupong mang-aawit mula sa Timog Korea

Ang Twice (Koreano트와이스; Hapones: トゥワイス) ay isang babaeng grupo mula sa Timog Korea na binuo ng JYP Entertainment sa pamamagitan ng pang realidad na palabas sa telebisyon na 16. Ang grupo ay binubuo ng siyam na miyembro: sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun, Chaeyoung, at Tzuyu. Nag debut ang grupo noong Oktubre 20, 2015, kasama ang extended play (EP) na The Story Begins.

TWICE
Ang Twice noong 2018; mula kaliwa hanggang kanan, pababa: Sana, Dahyun, Chaeyoung, Tzuyu, Nayeon, Momo, Jihyo, Jeongyeon, at Mina
Kabatiran
PinagmulanSeoul, South Korea
Genre
Taong aktibo2015 (2015)–kasalukuyan
Label
  • JYP
  • Warner Japan
  • Republic
  • Columbia Taiwan
  • Sony Taiwan
Miyembro
Websitetwice.jype.com

Nagsimulang sumikat ang Twice sa Timog Korea noong 2016 nang mag-numero uno sa Gaon Digital Chart ang kanilang single na "Cheer Up". Ito ay naging best performing single ng taong iyon at naging "Song of the Year" sa Melon Music Awards at Mnet Asian Music Awards. Ang sumunod nilang single na "TT", mula sa kanilang ikatlong EP na Twicecoaster: Lane 1, ay nanguna rin sa Gaon charts sa loob ng apat na magkakasunod na linggo. Ang Twicecoaster: Lane 1 naman ay ang naging highest selling Korean girl group album ng taong 2016. Sa loob lamang ng 19 na buwan pagkatapos ng kanilang debut ay nakapag benta na sila ng humigit kumulang 1.2 milyong kopya ng kanilang apat na EP at isang espesyal na album. Kasunod ng paglabas ng kanilang ika pitong EP na Fancy You noong 2019 ay 3.75 milyong album na ang kanilang naibenta sa Korea. Noong Disyembre 2020 ay 10 milyong album na ang kanilang naibenta sa Timog Korea at bansang Hapon. Nag debut sila sa bansang Hapon noong Hunyo 28, 2017, sa ilalim ng Warner Music Japan, kasabay ng paglabas ng compilation album nilang #Twice. Pumangalawa sa Oricon Albums Chart ang album at nakakuha ng pinakamataas na benta ng isang K-pop artist sa bansang Hapon sa loob ng dalawang taon para sa una nitong linggo. Sinundan ito ng kanilang unang orihinal na maxi single na Hapon na "One More Time" noong Oktubre 2017. Ang Twice ang kauna unahang babaeng grupo mula sa Timog Korea na nakakuha ng platinong sertipikasyon mula sa Recording Industry Association of Japan (RIAJ) para sa parehong album at CD single noong taong ding iyon. Pumangatlo sila sa Top Artist category ng 2017 Year End Rankings ng Billboard Japan. Sila rin ay ang kauna-unahang babaeng grupo mula sa Timog Korea na makapag-tour sa isang simburyong Hapon.

Karera

Predebut: Ang Sixteen

Noong ika-19 ng Disyembre 2013, nagpahayag ang JYP Entertainment na sila ay magbubuo ng bagong girl group na susunod sa Miss A noong 2010.[1] Noong ika-27 ng Pebrero 2014, sina Lena, Cecilia, Nayeon, Jihyo, Minyoung at Jeongyeon ay napabalitang mga miyembro ng nasabing bagong grupo.[2][3] Ngunit ang grupo ay pansamantalang itinigil matapos ang pag-alis ni Cecilia. Siya naman ay ipinalit ni Sana at nabuo ang grupo sa pangalang 6mix. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, umalis si Lena at aktwal na itinigil ng JYP Entertainment ang mga plano at proyekto para sa grupo sa hinaharap.

Noong ika-11 ng Pebrero 2015, napabalitang gagawa ng programang pantelebisyon na Sixteen ang JYP Entertainment sa Mnet Channel, kung saan ang mga mananalo ay gagawing isang buong grupo.[2][3] Sa isang press conference, naisabi ni Park Jinyoung, ang presidente ng JYP Entertainment, na ang mga mananalong kontestants "have the Wonder Girls' and miss A's natural, healthy feel, with an edgier and wilder side. I want to upgrade (them) by adding elements like hip-hop and rap."[4]

Nagsimula ang programa noong Mayo 2015 at ang mga nanalo ay sina Nayeon, Jeongyeon, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun at Chaeyoung. Ngunit sa isang surpresa, idinagdag ang si Tzuyu, dahil siya ay "audience's pick." Isinali rin ang eliminated kontestant na si Momo, sapagkat siya ay kinakailangan ng grupo at siya ay ipinili ng JYP crew.[5] Naging kontrobersyal ito dahil sa desisyong ipinabalik at isinali ang isang eliminated kontestant.[5]

Noong ika-10 ng Hulyo 2015, gumawa ng opisyal na Instagram account ang grupo kung saan ang unang post ay ang picture nilang lahat.[6] Ang JYP Entertainment ay naglabas ng isang web-series na Twice TV kung saan ipinakita ang personal na buhay ng mga miyembro.[7]

Ang Twice ay opisyal na nag-debut noong ika-25 ng Oktobre 2015.[8][9]

2015—kasalukuyan

Noong ika-7 ng Oktobre 2015, nagpahayag ang JYP Entertainment na ang grupo ay magkakaroon ng mini-album na tinatawag na The Story Begins. Ang kantang Like Ooh-Ahh ay ang "main soundtrack" ng mini-album at nasabing ito ay isang "color-pop" na ipinaghalo ang elementong "hip-hop" at "R&B."[10] Ang mga kompositor ng mini-album ay ang Black Eyed Pilseung, na kilala bilang kompositor rin sa mga kanta ng Miss A.[11][12]

Noong ika-20 ng Oktobre 2015, nailabas ang opisyal na music video ng kantang Like Ooh-Ahh sa Youtube.[13] Sa araw ring iyon, ang Twice ay nag-perform ng kanilang kanta sa isang live showcase.[14][15] Ang music video ay may kasalukuyang 50 Million views. Ito ay naging "most-viewed debut music video" sa isang K-pop group.[16][17][18]

Diskograpiya

Mga album

List of studio albums, with selected details and chart positions
PamagatDetalye ng albumPeak chart positionsSales
KOR
[19]
JPN
[20]
TW
Five
[21]
US
Heat.
[22]
US
World
[23]
Twicetagram
  • Inilabas: October 30, 2017 (KOR)
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, digital download
171101

Extended plays (EP)

TituloDetalye ng albumPeak chart positionsSales
KOR
[27]
JPN
[28]
TW
[29]
US World
[30]
The Story Begins
  • Inilabas: Oktobre 20, 2015
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, Digital download
346115
  • KOR: 67,149+[31]
  • JPN: 11,804+
Page Two
  • Inilabas: Abril 25, 2016
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, digital download
22116
Twicecoaster: Lane 1
  • Inilabas: October 24, 2016 (KOR)
  • Re-packaged: Disyembre 19, 2016
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, digital download
11013
Twicecoaster: Lane 2
  • Inilabas: February 20, 2017 (KOR)
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, Digital download
11314
  • KOR: 273,372
  • JPN: 47,116
What's Twice?[36]
  • Inilabas: Pebrero 24, 2017 (JPN)
  • Tatak: Warner Music Japan
  • Mga pormat: Digital download
Signal
  • Inilabas: Mayo 15, 2017 (JPN)
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga pormat: CD, Digital download
11113
  • JPN: 9,597
  • US: 1,000
Merry & Happy
  • Inilabas: Disyembre 11, 2017 (KOR)
  • Tatak: JYP Entertainment
  • Mga Pormat: CD, Digital download
181-
  • KOR: 165,347
  • JPN: 63,651 (phy.)
  • JPN: 940 (dig.)
What Is Love?
  • Inilabas: Abril 9, 2018 (KOR)
  • Tatak: JYP Entertainment, IRIVER
  • Mga Pormat: CD, digital download
2213
"—" denotes releases that did not chart or were not released in that region.

Mga kanta

TituloTaonPeak chart positionsSalesAlbum na kinabibilangan
KOR
[40]
JPN
[41]
US
World
[42]
"Like Ooh-Ahh" (Ooh-Ahh하게)201510886The Story Begins
"Cheer Up"20161323Page Two
"TT"1152Twicecoaster: Lane 1
"Knock Knock"20171155Twicecoaster: Lane 2
"Signal"143
  • KOR: 1,104,919
  • JPN: 8,374
Signal
"One More Time"-18
  • JPN: 248,059
Non-album single
"Likey"1-1
  • KOR: 693,538
  • US: 5,000
Twicetagram
"Heartshaker"1-2
  • KOR: 376,885
  • JPN: 9,249
Merry & Happy
"Candy Pop"2018-1-
  • JPN: 328,740
Non-album single
"What Is Love?"1-3What Is Love?
"Wake Me Up"-1-
  • JPN: 229,896 (Phy.)[51]
  • JPN: 5,939 (Dig.)[52]
Non-album single

Iba pang mga kanta

TituloTaonPeak chart positionsSalesAlbum na kinabibilangan
KOR
[53]
"Do It Again" (다시 해줘)2015127The Story Begins
"Going Crazy" (미쳤나봐)164
"Truth"207
"Like a Fool"243
"Candy Boy"268
"Precious Love" (소중한 사랑)201673Page Two
"Touchdown"86
"Woohoo"108
"Tuk Tok" (툭하면 톡)112
"My Headphones On" (Headphone )133
"1 to 10"35Twicecoaster: Lane 1
"One in a Million"55
"Ponytail"67
"Jelly Jelly"68
"Pit-A-Pat"75
"Next Page"78
"Ice Cream" (녹아요)201719Twicecoaster: Lane 2
"Only You" (Only 너)56Signal
"Three Times a Day" (하루에 세번)57
"Someone Like Me"78
"Hold Me Tight"80
"Eye Eye Eyes"82
"Luv Me"One More Time - EP
"Turtle" (거북이)26Twicetagram
"Missing U"46
"Wow"86
"24/7"95
"FFW"97
"You in My Heart" (널 내게 담아)-
"Look at Me" (날 바라바라봐)
"Love Line"
"Ding Dong"
"Don't Give Up" (힘내!)
"Jaljayo Good Night" (잘자요 굿나잇)
"Rollin'"
"Merry & Happy"24
  • KOR: 100,322
Merry & Happy
"Brand New Girl"2018Candy Pop EP
"Sweet Talker"What is Love?
"Ho!"
"—" denotes a recording that did not chart or was not released in that territory.

Pilmograpiya

Mga DVDs

  • Page Two Monograph
  • 2017 Season's Greetings
  • Twicecoaster: Lane 1 Monograph
  • Twice 1st Photo Book "One in a Million"
  • Twice Super Event
  • Twicezine: Jeju Island Edition
  • Signal Monograph
  • Twice Debut Showcase "Touchdown in Japan"
  • 2018 Season's Greetings "First Love"
  • Twiceland – The Opening
  • Twicetagram Monograph
  • Merry & Happy Monograph

Reyalidad/Barayeti shows

TaonTituloNetwork
2015SixteenMnet
2015–presentTwice TV
TV2
TV3
TV4
TV4 Roommates
Special
TV6: Twice in Singapore
TV 2018
Naver TV Cast, Naver V Live
2016Twice's Private LifeMnet
Twice TV BeginsNaver V Live
Beautiful Twice
Twice TV School Meal Club's Great Adventure
Cheerful Twice
2016–2017Twice TV Melody Project
2017Twice TV5: Twice in SwitzerlandNaver V Live, MBC Every 1, MBC Music [60]
Twice – Lost: TimeJTBC, Naver V Live

Talababa

Mga sanggunian

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.