Sana (mang-aawit)

Mang-aawit mula sa Hapon
Minatozaki Sana ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.

Si Sana Minatozaki (Hapones: 湊崎 紗夏, Hepburn: Minatozaki Sana, ipinanganak noong Disyembre 29, 1996)[1] O mas kilala sa kanyang palayaw na Sana (Koreano: 사나; Hapones: サナ), Ay isang mang-aawit mula sa bansang Hapon. Siya ay isang miyembro ng Korean music group na TWICE na binuo ng JYP Entertainment noong 2015.[2][3]

Sana
サナ
Si Sana noong Agosto 2023
Kapanganakan
Sana Minatozaki

(1996-12-29) 29 Disyembre 1996 (edad 27)
Tennōji-ku, Osaka, Japan
Nasyonalidad Hapon
Trabaho
Tangkad168 cm (5 tal 6 pul)
Karera sa musika
PinagmulanSeoul, Timog Korea
Genre
InstrumentoVocals
Taong aktibo2015–kasalukuyan
Label
  • JYP
  • Warner Japan
Miyembro ng
Pangalang Koreano
Hangul사나
Binagong RomanisasyonSana
McCune–ReischauerSana
Sana
Pangalang Hapones
Kanji湊﨑 紗夏
Hiraganaみなとざき さな
Pirma

Talambuhay

Si Sana ay ipinanganak noong Disyembre 29, 1996[4] sa Tennōji-ku, Osaka, sa bansang Hapon.[5] Siya ay isang unika iha.[6]

Ipinahayag ni Sana na gusto niyang maging mang-aawit at mananayaw noong bata pa lamang siya at naging inspirasyon niya ang mga K-pop group gaya ng Girls Generation. Bukod sa kinalakihan niyang wikang hapon mahusay rin siya sa wikang koreano.[7]

Karera

Pre-debute

Si Sana ay nag-sanay sa EXPG (isang Japanese entertainment na kompanya) sa Osaka noong 2009, noong una ang orihinal niyang mithiin ay maging mang-aawit sa Japan kysa sa Timog Korea.[8]

Noong highschool siya, ay na-scout siya ng isang empleyado ng JYP Entertainment (JYPE) sa isang shopping mall at inanyayahan na lumahok sa taunang audition ng JYP Japan na magaganap kinabukasan.[9] Pumasa si Sana sa audition at sumali sa JYPE trainee program sa Timog Korea noong Abril 2012.[10][11] Nagsanay siya ng mahigit tatlong taon bago ang kanyang kalauanang debut sa Twice.[10] Nung sa isang pagkakataon, siya ay inaasahan na maging isang miyembro ng isang bagong JYPE girl group; gayunpaman, nakansela ang proyektong ito.[12]

2015–kasalukyan: Sixteen, Twice, at mga solong actibidad

Noong 2015, lumahok si Sana sa music survival show na Sixteen, isang reality serye sa telebisyon upang matukoy ang mga miyembro ng TWICE.[3][13] Sa labing-anim na mga kalahok, napili si Sana bilang isa sa siyam na miyembro ng bagong tatag na girl group.[14] Opisyal siyang nag-debut sa Twice noong Oktubre 2015 na may pamagat na kanta na "Like Ooh-Ahh" mula sa kanilang debut extended play na The Story Begins.[15] Kilala sa kanyang masigla at masayahing personalidad,[5][6][16] nakatanggap siya ng pagkilala sa Timog Korea at sa ibang bansa, at ang kanyang katanyagan ay na-kredito sa pagtulong upang mapabuti ang relasyon sa pagitan ng Japan at Timog Korea.[17] Sa taunang music poll ng Gallup Korea para sa 2018, ibinoto si Sana bilang ika-17 pinakasikat na idolo sa Timog Korea, ang pinakamataas na ranggo na Hapones sa indibidwal sa poll.[18] Siya ay nagraranggo sa ika-15 sa 2019 sa parehong poll.[19][20] Noong 2019, niranggo din si Sana bilang pinakasikat na babaeng K-pop idol sa isang survey ng mga sundalong kumukumpleto ng mandatoryong serbisyo militar sa Timog Korea.[21]

Noong Pebrero 2021, si Sana ang naging unang miyembro ng Twice na naglabas ng solong single pagkatapos niyang i-cover ang "Sotsugyou", isang 2020 single ng Japanese band na Kobukuro (isang ring mang-aawit mula sa bansang Hapon).[22] Ang cover sa nasabing kanta, ay may kasamang a cappella na bersyon, at ipinalabas bilang digital single sa pamamagitan ng Warner Music Japan.[23]Naglabas siya ng bersyon kasama si Kobukuro mismo noong Marso 2021.[24]

Sanggunain

Mga panlabas na Link