Asian Idol

Ang Asian Idol ay isang malaking bersiyon ng timpalak na Pop Idol kung saan maglalaban-laban ang mga nagwaging Idol mula sa anim na bansa sa Asya na kinabibilangan ng Indiya, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Vietnam. Napanalunan ito ni Hady Mirza, representante ng Singapore Idol, kung saan ginawaran siya ng libreng pagbiyahe sa iba't ibang panig ng mundo at kontratang pangrekording na pang-ibang-bansa, matapos bilangin ang halos dalawang milyong boto.[1][2] Hangad ng timpalak na ito na lalong buksan ang mga karera ng mga representante ng Idol sa Asya.[3] Ginanap ito noong Disyembre 15 at 16, 2007 sa Jakarta, Indonesia.[3][4] Pangunahing himpilan ng patimpalak ang RCTI na siya ring nagpapalabas sa Indonesian Idol. Ipinalabas ito nang "live" sa mga kasaping bansa.[2]

Asian Idol
Logo ng Asian Idol
UriInteraktibong patimpalak sa pag-awit
Gumawa Simon Fuller
Pinangungunahan ni/nina Amelia Natasha
Daniel Mananta
Soo Kui Jien
Indra Lesmana
Anu Malik
Paul Moss
Pilita Corrales
Ken Lim
Siu Black
Bansang pinagmulan Indonesia
Bilang ng kabanata2
Paggawa
Prodyuser Sandra Fulloon
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanRCTI
Orihinal na pagsasapahimpapawid15 Disyembre (2007-12-15) –
16 Disyembre 2007 (2007-12-16)
Website
Opisyal

Produksiyon

Pinasinayangan ito nina Amelia Natasha at Daniel Mananta mula sa Indonesian Idol at ni Soo Kui Jien ng Malaysian Idol. May sariling sistema ang bawat kasaping bansa sa kung papaano nila pipiliin ang kani-kanilang mga representante, lalo na sa mga bansang may higit sa isang nagwagi ng Idol.[5]

Bilang panimula sa Asian Idol, ipinakilala ang anim na kalahok sa pamamagitan ng isang espesyal na pagtatanghal na pinamagatang Road to Asian Idol noong 8 Disyembre 2007, kung saan ipinakita ang pinagmulan ng bawat kalahok at ang kani-kanilang mga karanasan sa kompetisyon.[4] Dalawang beses aawit ang mga kalahok sa mismong gabi ng pagtatanghal, isang awit sa Ingles at isa naman sa kani-kanilang wika.[6] Maliban sa Asian Idol, magsasagawa rin ang RCTI ng isang seryeng pinamagatang Asian Idol Extra mula huling linggo ng Nobyembre hanggang kalagitnaan ng Disyembre.[4]

Nagpadala ng kani-kanilang hurado ang bawat kasaping bansa upang magsilbing mga kritiko ng mga kalahok, ngunit tatlo lang sa kanila ang magkokomento sa bawat pagtanghal ng mga kalahok upang makatipid sa oras.[2] Kabilang sa mga panauhin sina Taylor Hicks na nagwagi sa American Idol, Guy Sebastian na nanalo naman sa Australian Idol, at Alisha Chinai na hurado sa Indian Idol.[7][8][9] Kabilang din sa mga nagtanghal sa Pag-aanunsiyo ng Resulta ay ang Rivermaya, Peterpan, at si Agnes Monica.[9]

Isinagawa ang produksiyon ng Asian Idol sa tulong ng mga taong bahagi ng Australian Idol.[6]

Mga kalahok

  • Indonesian Idol - Mike Mohede, ang nagwagi noong ikalawang season[10]
  • Indian Idol - Abhijeet Sawant, ang nagwagi noong unang season[11]
  • Malaysian Idol - Jaclyn Victor, ang nagwagi noong unang season[12]
  • Philippine Idol - Mau Marcelo, ang nagwagi noong unang season[13]
  • Singapore Idol - Hady Mirza, ang nagwagi noong ikalawang season[14]
  • Vietnam Idol - Phuong Vy, ang nagwagi noong unang season[15]

Kabilang dapat ang SuperStar KZ ng bansang Kazakhstan ngunit hindi nakapagpadala ng representante.[2]

Mga hurado

Mga kasaping estasyong pantelebisyon

  • Indonesia - RCTI
  • Indiya - Sony TV
  • Malaysia - 8TV
  • Philippines - ABC
  • Singapore - MediaCorp TV Channel 5
  • Vietnam - HTV9

Mga paraan ng pagboto

May ilang pagkakaiba sa pagboto at pagbilang ng mga boto sa pagitan ng Asian Idol at sa iba pang palabas na Idol. Di-tulad ng huli na kung saan pipili ng isang kalahok kada boto ang mga manonood, kinakailangang dalawang Idol ang iboboto ng mga manonood sa Asian Idol kung kaya't maaaring makatanggap ang mga kalahok ng mga boto mula sa kani-kanilang mga bansa.[6][20]

Bilang pagkunsidera sa iba't ibang laki ng populasyon ng bawat kalahok na bansa, bibilanging ang mga boto sa pamamagitan ng "Paraang Pantay at Patas na Kumulatibo" kung saan gagawing mga porsiyento ang kabuuang bilang ng mga boto ng bawat bansa.[20][21] Sinasabing ihihirang ang mananalo base sa 50 porsiyento mula sa mga boto at 50 porsiyento mula sa mga iskor ng mga hurado,[22] ngunit hindi ito nakumpirma noong mismong palabas.

Bahaginang resulta

Ayon kay Daniel Hartono, tagapangasiwang pamproyekto ng Asian Idol, si Mohede ang nakakuha ng pinakamaraming aktuwal na boto na halos isang milyon sa kabuuan. Ngunit, dahil manggagaling sa kalahating bilang ng bawat kasaping bansa ang kabuuang bilang ng mga boto, nahati sa kalahati ang mga boto ni Mohede at ibinilang din ang boto mula pa sa ibang mga bansa. Samantala, nanguna naman si Hady sa bilang ng mga ikalawang boto. Sa kabuuan, nakakuha si Hady ng 115% habang si 111% naman ang kay Mohede. Si Victor naman ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto. Hindi na inilahad ang ranggo ng iba pang mga kalahok.[23]

Kontrobersiya

Inireklamo ni Sandeep Acharya, ang nagwagi sa ikalawang season ng Indian Idol, ang pagpili kay Sawant bilang representante ng Indiya sa Asian Idol. Ayon sa kanya, magkakaroon dapat ng patimpalak ang Sony TV India, na siyang nagpapalabas ng Indian Idol, sa pagitan ng tatlong nagsipagwagi. Pakiramdam daw niya na binaypas siya.

Pahayag naman ng mga representante ng estasyon na kahit na mayroon silang opsiyon na mamili ng kanilang sariling representante, pinaplano nila ang pagkakaroon ng patimpalak sa pagitan ng tatlong nagsipagwagi sa Indian Idol—kabilang ang nagwagi noong ikatlong season na si Prashant Tamang. Anila, hindi ito natuloy dahil sa kakulangan sa oras.[24]

Panlabas na kawing

Mga sanggunian

  • Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Asian Idol ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.