Elektrisidad

Ang elektrisidad ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa presensya at daloy ng karga ng kuryente. Ang elektrisidad ay nagbibigay ng iba't-ibang uri ng mga kilalang epekto tulad ng kidlat, statikong elektrisdad, induksiyong elektromagnetiko at kuryente. Sa karagdagan, ang elektrisidad ay pinapayagang gumawa at tumatanggap ng radiasyong elektromagnetiko gaya ng mga liboy ng radyo.

Multiple lightning strikes on a city at night
Ang pagkidlat ang isa sa pinaka dramatikong mga epekto ng elektrisidad.

Sa elektrisidad, ang mga karga ng kuryente ay lumilikha ng mga elektromagnetikong field na umeepekto sa mga iba pang karga. Ang elektrisidad ay nangyayari dahil sa mga iba't ibang uri ng pisika:

  • Kargang elektriko: isang katangian ng ilang subatomikong partikulo na tumutukoy sa mga interaksiyong elektromagnetiko nito. Ang may kargang elektrikong materya ay naiimpluwensiyahan ng at nalilikha ng mga elektromagnetikong field.
  • Kuryenteng elektriko: ang isang paggalaw o daloy ng may kargang elektrikong mga partikulo na tipikal na sinusukat sa mga ampere.
  • Elektrikong field: isang espesyal na simpleng uri ng elektromagnetikong field na nalilikha ng isang elektrikong karga kahit ito ay hindi gumagalaw(i.e., walang kuryenteng elektriko). Ang elektrikong field ay lumilikha ng isang pwersa sa ibang mga karga sa paligid nito. Ang mga gumagalaw na karga ay karagdagang lumilikha ng isang magnetikong field.
  • Elektrikong potensiyal: ang kapasidad ng isang elektrikong field na gumawa ng isang gawa sa isang kargang elektriko na tipikal na sinusukat sa mga volt.
  • Elektromagnet: ang mga kuryenteng elektriko ay lumilikha ng mga magnetikong field at ang pagbabago ng mga elektrikong field ay lumilikha ng mga elektrikong kuryente.

Sa inhinyeryang elektrikal, ang elektrisidad ay ginagamit para sa:

  • Elektrikong kapangyarihan kung saan ang kuryenteng elektriko ay ginagamit upang bigyang enerhiya ang kasangkapan
  • Elektronika na nauukol sa mga sirkitong elektrikal na sumasangkot sa mga aktibong bahagi gaya ng mga tubong bakyum, mga transistor, mga diodo, at mga integradong sirkito at ang kaugnay na mga pasibong interkoneksiyong teknolohiya.

Ang mga pangyayaring na tungkol sa elektrisidad ay matagal ng napagaralan; bagaman ang pagsulong sa panteoryang pang-unawa nito ay nanatiling mabagal hanggang sa ikalabimpito at ikalabing-walong siglo. Ngunit kahit ang mga aplikasyong praktikal para sa elektrisidad ay kakaunti lamang, nagamit parin ito ng mga inhinyero sa mga industriyal at pantahanang gamit sa mga huling taon ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mabilisang paglawak ng mga teknolohiyang nangangailangan ng elektrisidad ay nakapagpabago sa industriya at lipunan. Ang kapansin-pansin na malawak na kaalaman ng elektrisidad ay nangangahulugan na pwede ito ilagay sa halos walang hanggang pangkat ng mga aplikasyon na ang mga halimbawa ay paglilipat, pagpapainit, pagpapailaw, komunikasyon, at komputasyon. Ang lakas ng dagitab ay isa na ngayong gulugod ng makabagong industriya ng lipunan.[1]

Ang salitang electricity ay mula sa Bagong Latin na ēlectricus, "tulad ng amber"[a] na inimbento noong 1600 mula sa Griyegongήλεκτρον (elektron) na nangangahulugang amber dahil ang mga epektong elektrikal ay klasikong nililikha sa pamamagitan ng pagkukuskos ng amber.

Mga sanggunian