James Hutton

Si James Hutton MD FRSE (3 Hunyo 1726 OS (ipinanganak sa Edinburgh noong 14 Hunyo 1726 NS) – namatay noong 26 Marso 1797) ay isang Eskoses na manggagamot, heologo, naturalista, tagapagmanupaktura ng kimikal, at eksperimental na agrikulturalista.[1] Ang kaniyang gawain ay nakatulong sa paglulunsad ng batayan ng modernong heolohiya.[2][3] Ang mga teoriya niya sa heolohiya at panahong heolohiko,[4] na tinatawag ding malalim na panahon,[5] ay napasama sa mga teoriyang tinatawag na plutonismo at unipormitariyanismo. Isinasaalang-alang din siya bilang ang unang siyentipiko na nagpahayag sa madla na ang Mundo ay buhay at dapat na ituring bilang isang super-organismo.[6]

Si James Hutton.

Tumanggap ng kasanayan si Hutton sa larangan ng panggagamot, subalit hindi niya ito ginawang isang karera. Sa halip, nagsagawa siya ng pananaliksik na pang-agham; tumulong siya sa pagsisimula ng isang industriyang pangkimika, at nagsaka sa kaniyang lupain (estado). Isa siya sa mga naging tagapagtatag ng modernong heolohiya.[2][3] Tinanaw niya ang Mundo (Daigdig) bilang isang produkto ng mga puwersang likas (mga puwersa ng kalikasan). Ang mga nakikitang nagaganap sa kasalukuyan, sa loob ng mahabang mga yugto ng panahon, ay maaaring makalikha ng nakikita natin sa mga bato.

Ang kaniyang aklat hinggil sa Teoriya ng Mundo ay naglalahad ng mga teoriya at panahong heolohiko.[4] Sinuportahan ng mga ideyang ito ang mga teoriya ng plutonismo at unipormitariyanismo.

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Eskosya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.