Kalye Nicanor Garcia

Ang Kalye Nicanor Garcia (Ingles: Nicanor Garcia Street), na karaniwan ding kilala sa dati nitong pangalan, Kalye Reposo (Reposo Street), ay isang kalye sa Bel-Air Village, Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang hilagang dulo nito ay Abenida J.P. Rizal sa kabayanan ng Makati at ang katimugang dulo nito ay Abenida Gil Puyat. Babagtasin nito ang Abenida Kalayaan at Kalye Jupiter pagdaan nito. Nagsisilbi itong hangganan sa pagitan ng Bel-Air Village at Manila South Cemetery.

Kalye Nicanor Garcia

Kilala ang kalye sa mga galeria ng sining, showroom ng panloob na dibuho, at magagandang kainan pang-hapunan nito.[1] Isang samahan ng mga artista na tinatawag na "Grupo Reposo" at binubuo ng mga may-ari ng mga galeria at tindahan ay nagsasagawa ng taunang pagdiriwang ng sining at kultura sa Kalye Nicanor Garcia. Nilalayon ng grupo na gawing sentro ng sining at pusod ng kultura ng lungsod ang nasabing kalye.[2][3]

Ang kalye ay dating tinawag na Calle Reposo (salitang Kastila na nangangahulugang pahinga o mamahinga). Tinawag rin itong Calle Plesantero (kaiga-igaya, o kalugud-lugod, na lugar) ng mga unang residente nito.[4] Noong dekada-1990, binigyan ito ng bagong pangalan na Nicanor Garcia Street, mula kay Nicanor F. Garcia, ang pinakaunang naihalal na alkalde municipal ng Makati noong 1922–1934 (sa mga panahong iyon, isa pang munisipalidad ang Makati).[5][6]

Tignan din

Mga sanggunian

14°33′54″N 121°01′22″E / 14.56491°N 121.02290°E / 14.56491; 121.02290