Kateri Tekakwitha
Si Santa Kateri Tekakwitha, na bininyagan bilang Catherine Tekakwitha[2][3] at impormal na nakikilala bilang Liryo ng mga Mohawk (1656 – Abril 17, 1680), ay isang santong Katoliko Romano, na isang Algonquino-Mohawk na pangkaraniwang babaeng birhen at makapananampalataya. Siya ay ipinanganak sa kinaroroonan ng pangkasalukuyang New York, nakaligtas siya mula sa bulutong at naulila habang bata pa lamang, at pagkaraan ay nabinyagan bilang isang Katoliko Romano at sa mga huling taon ay humintil sa misyong Heswita na nasa nayon ng Kahnawake, na nasa timog ng Montréal ng Bagong Pransiya, na pangkasalukuyang Canada.
Santa Catherine Tekakwitha | |
---|---|
Virgin;[1] Penitenteng Relihiyosong Karaniwang Babaeng Tao | |
Ipinanganak | 1656 Ossernenon, Kumpederasyang Iroquois (Bagong Pransiya hanggang 1763, modernong Auriesville, New York) |
Namatay | Abril 17, 1680 Kahnawake (malapit sa Montréal), Quebec, Canada |
Benerasyon sa | Simbahang Katoliko Romano |
Beatipikasyon | Hunyo 22, 1980, Lungsod Batikano ni Papa Juan Pablo II |
Kanonisasyon | Oktubre 21, 2012, Lungsod Batikano ni Papa Benedicto XVI |
Pangunahing dambana | Simbahan ng San Francisco Javier, Kahnawake, Quebec, Canada |
Kapistahan | Hulyo 14 (Estados Unidos), Abril 17 (Canada) |
Katangian | Liryo; Pagong; Rosaryo |
Patron | ekologo, ekolohiya, kapaligiran, enbironmentalismo, mga enbironmentalista, pagka-ulila, mga taong pinalayas mula sa sariling tahanang pook, mga taong nilibak dahil sa kanilang pagkabanal, mga Amerikanong Katutubo, mga Igorot, Cordilleras, mga Tomasito, Hilagang Luzon, Diyosesis ng Bangued, Kabikaryuhan ng Tabuk, Kabikaryuhan ng Bontoc-Lagawe, Diyosesis ng Baguio, Pilipinas |
Kontrobersiya | Pinangilagan at napalayas dahil sa kaniyang mga paniniwalang Katoliko Romano |
Naging tapat si Tekakwitha sa kaniyang pangako na manatiling birhen hanggang sa kaniyang kamatayan sa edad na 24. Nakikilala dahil sa kaniyang pagpapahalaga sa kalinisang-puri at pangkatawan na pagpapakasakit ng kalamnan, pati na ang pagiging pinangingilagan (iniilagan) ng kaniyang tribo dahil sa kaniyang paglipat ng pananampalataya upang maging isang Katoliko. Siya ang ikaapat na Katutubong Amerikano na pinipintuho sa Simbahang Katoliko Romano (pagkaraan ni Juan Diego, ang Indiyanong Mehikano ng mga paglitaw ng Birhen ng Guadalupe, at ng dalawang iba pang mga Indiyanong Oaxacano).[4] Siya ay nabeatipika ni Pinagpalang Papa Juan Pablo II noong 1980, at nakanonisa ni Papa Benedicto XVI sa Basilika ni San Pedro noong Oktubre 21, 2012.[4][5] Sari-saring mga himala at mga kaganapang sobrenatural ang ipinapalagay na dulot ng kaniyang pamamagitan.