Kinshasa

Ang Kinshasa (dating Léopoldville) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito may Ilog Congo.

Kinshasa

Ville de Kinshasa
Watawat ng Kinshasa
Watawat
Opisyal na sagisag ng Kinshasa
Sagisag
Palayaw: 
Kin la belle
(Tagalog/Filipino: Kin ang maganda)
Mapa ng Demokratikong Republika ng Congo na nagpapakita ng antas-lalawigan na lungsod ng Kinshasa
Mapa ng Demokratikong Republika ng Congo na nagpapakita ng antas-lalawigan na lungsod ng Kinshasa
Kinshasa is located in Democratic Republic of the Congo
Kinshasa
Kinshasa
Mapa ng Demokratikong Republika ng Congo na nagpapakita ng antas-lalawigan na lungsod ng Kinshasa
Kinshasa is located in Aprika
Kinshasa
Kinshasa
Kinshasa (Aprika)
Mga koordinado: 4°19′30″S 15°19′20″E / 4.32500°S 15.32222°E / -4.32500; 15.32222
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
Itinatag1881
Sentrong pampangasiwaanLa Gombe
Komyun
Pamahalaan
 • UriAsambleyang panlalawigan
 • KonsehoAsambleyang Panlalawigan ng Kinshasa
 • GobernadorGentiny Ngobila Mbala
 • Pangalawang gobernadorNéron Mbungu
Lawak
 • Antas-lalawigan na lungsod9,965 km2 (3,848 milya kuwadrado)
 • Urban600 km2 (200 milya kuwadrado)
Taas
240 m (790 tal)
Populasyon
 (2017)[2]
 • Urban
11,855,000
 • Densidad sa urban20,000/km2 (51,000/milya kuwadrado)
 • Wika
Pranses, Lingala
Sona ng orasGMT+1
Kodigo ng lugar243 + 9
HDI (2017)0.613[3]
medium
Websaytwww.kinshasa.cd

Dati-rati'y isang pamayanang namamalakaya, ang Kinshasa ngayon ay isang lungsod na may populasyon noong 2013 na umaabot ng 9 milyon.[4] Katapat naman ng lungsod ang Brazzaville, ang kabisera ng katabing bansa nitong Republika ng Congo na makikita sa kabilang dako ng malapad na Ilog Congo. Isa ang lungsod ng Kinshasa sa 26 na mga lalawigan ng Congo. At dahil malawak ang nasasakupan ng lungsod–lalawigan na ito, mahigit sa 90% lupain ng lungsod–lalawigan ay kanayunan pa, at ang maliit na bahagi lamang ng lupain nito ay kabayanan na matatagpuan sa malayong kanlurang dulo ng lungsod–lalawigan.[5]

Ang Kinshasa ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Aprika, kasunod ng Cairo at Lagos.[2] Ito rin ang ikalawang pinakamalaking "francophone" na lungsod, kasunod ng Paris, dahil na rin Pranses ang wika ng pamahalaan, mga paaralan, pahayagan, lingkurang–bayan, at high–end na komersiyo sa lungsod, samantala ang wikang Lingala ay ang lingua franca sa kalye.[6] Kung magpapatuloy ang takbo ng demograpiko nito, malalagpasan ng Kinshasa ang Paris sa populasyon bandang 2020.[7] Idinaos sa Kinshasa ang ika-14 na summit ng Francophonie noong Oktubre 2012.[8]

Ang mga naninirahan sa Kinshasa ay tinatawag na Kinois (sa Pranses at minsan sa Ingles) o Kinshasans (sa Ingles). Kabilang sa mga katutubong lipi sa lugar ang mga Humbu at mga Teke.

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Demokratikong Republika ng Congo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.