Miss World 1968

vAng Miss World 1968 ay ang ika-18 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 14 Nobyembre 1968. Ito ang huling edisyon na naganap ang kompetisyon sa Lyceum Ballroom.

Miss World 1968
Penelope Plummer
Petsa14 Nobyembre 1968
PresentersMichael Aspel
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
BrodkasterBBC
Lumahok53
Placements15
Bagong saliTaylandiya
Hindi sumali
  • Czechoslovakia
  • Gambya
  • Honduras
  • Lupangyelo
  • Libano
  • Panama
  • Portugal
  • Tansaniya
Bumalik
  • Bahamas
  • Indiya
  • Kolombya
  • Liberya
  • Nikaragwa
NanaloPenelope Plummer
Australia Australya
← 1967
1969 →

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Madeleine Hartog-Bel ng Peru si Penelope Plummer ng Australya bilang Miss World 1968.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Australya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Kathleen Winstanley ng Reyno Unido, habang nagtapos bilang second runner-up si Miri Zamir ng Israel.[2][3]

Mga kandidata mula sa limampu't-talong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Michael Aspel ang kompetisyon.

Kasaysayan

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1968

Pagpili ng mga kalahok

Ang mga kalahok mula sa limampu't-tatlong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Mga pagbabago sa mga patakaran

Muling pinayagan ang mga ina na sumali sa Miss World sa edisyong ito, bagay na huling pinayagan noong 1951. Dahil sa pagbabago ng patakarang ito sa Miss World, pinayagan si Miss International Bahamas 1968 Rose Helena Simms-Dauchot na lumahok sa edisyong ito bagama't ito ay kasal na at may isang anak.[4]

Mga pagpalit

Bagama't inanunsyo na ang kandidata ng Pransiya sa edisyong ito ay si Mademoiselle France 1968 Maryvonne Lachaze,[5] siya ay biglaang pinalitan ng first runner-up ng Miss Cinemonde na si Nelly Gallerne dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Luxembourg 1968 na si Irene Siedler na lumahok sa edisyong ito matapos bumitiw sa kompetisyon ang orihinal na nagwagi na si Lucienne Micheline Krier dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Taylandiya. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Nikaragwa na huling sumali noong 1964, Kolombya at Liberya na huling sumali noong 1965, at Bahamas at Indiya na huling sumali noong 1966.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Czechoslovakia, Gambya, Honduras, Lupangyelo, Libano, Panama, Portugal, at Tansaniya sa edisyong ito. Hindi sumali si Jarmila Teplanová ng Czechoslovakia bunsod ng paglusob ng Unyong Sobyetiko, Polonya, Bulgarya, at Unggarya sa Czechoslovakia noong 20 Agosto 1968.[6][7] Hindi sumali sina Lillian Carol Heyer ng Honduras at Helga Jonsdóttir ng Lupangyelo dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[8] Nadiskwalipikado si Lili Bissar ng Libano matapos matuklasan na siya ay labinlimang-taong gulang pa lamang.[9] Bagama't hindi na kasali sa kompetisyon, pinayagan pa rin si Bissar na lumitaw sa parade of nations.[10] Hindi pinahintuluang sumali sa Miss World si Zena Suleiman ng Pamahalaan ng Tansaniya dahil hindi ito naaangkop diumano sa kanilang kultura.

Dapat sanang sasali sa edisyong ito si Maria Amparo Rodrigo Lorenzo ng Espanya, na siyang tumungo na sa Londres para lumahok sa Miss World.[11][12] Gayunpaman, tulad ng kanyang mga hinalinhan, kaagad na bumitiw si Rodrigo sa kompetisyon dahil tutol ito sa paglahok ni Sandra Sanguinetti ng Hibraltar. Matapos ang kanyang pagbitiw sa kompetisyon, kaagad na tumakas sa hotel ng mga kandidata si Lorenzo upang tumungo sa hotel kung nasaan pansamantalang naninirahan ang kanyang siyamnapu't-dalawang kamag-anak.[10][13]

Mga resulta

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1968 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

PaglalagayContestant
Miss World 1968
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Kompetisyon

Pormat ng kompetisyon

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.

Komite sa pagpili

  • Lady Elizabeth Anson, CVO
  • Stanley Baker – Ingles na aktor
  • Reita Faria – Miss World 1966 mula sa Indiya[14]
  • Peter Dimmock – Isang executive mula sa BBC
  • Graham Hill – Ingles na nagwagi sa Formula One[14]
  • John Hore – Ingles na manlalaro ng putbol
  • Istvan Kertesz – Unggarong konduktor
  • Anthony Seth – High Commissioner ng Gana sa Reyno Unido
  • Richard Todd – Irlandes na aktor

Mga kandidata

Limampu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.[15]

Bansa/TeritoryoKandidataEdad[a]Bayan
AlemanyaMargot Schmalzriedt22Stuttgart
ArhentinaViviana Roldán[16]25Esperanza
AustralyaPenelope Plummer[17]18Sydney
AustryaBrigitte Krüger[18]24Viena
Bagong SilandiyaChristine Antunovic[19]18Auckland
BahamasRose Helena Simms-Dauchot[20]25Nassau
BelhikaSonja Doumen[21]20Dilsen-Stokkem
BeneswelaCherry Núñez[22]18Caracas
BrasilÂngela Stecca[23]18Minas Gerais
CeylonNilanthi Wijesinghe[24]22Colombo
DinamarkaYet SchaufussCopenhague
EkwadorMarcia Virginia Ramos20Guayaquil
Estados UnidosJohnine Avery[25]22Olympia
GanaLovell Wordie[26]19Accra
GresyaLia Malta21Atenas
 GuyanaAdrienne Harris[27]20Georgetown
HamaykaKarlene Waddell[28]18Kingston
HaponRyoko Miyoshi[29]20Hokkaidō
HibraltarSandra Sanguinetti[30]18Hibraltar
IndiyaJane Coelho24New Delhi
IrlandaJune MacMahon24Dublin
IsraelMiri Zamir[31]18Haifa
ItalyaMaria Pia Giamporcaro[32]18Palermo
KanadaNancy Wilson[33]19Chatham
 KenyaJosephine Moikobu[34]23Nairobi
KolombyaBeatriz Sierra González[35]20Cartagena
Kosta RikaPatricia Diers[36]23San José
LiberyaWilhelmina Nadieh BrownellMonrovia
LuksemburgoIrene Siedler18Esch-sur-Alzette
 MaltaUrsulina Grech17Gozo
MehikoAna María Magaña17Lungsod ng Mehiko
MorokoZakia Chamouch17Casablanca
NiheryaFoluke Ogundipe[37]21Lagos
NikaragwaMargine Davidson[38]20Matagalpa
NoruwegaHedda Lie21Stokke
OlandaAlida Grootenboer[39]20Amersfoort
 PeruAna Rosa Berninzon18Lima
PilipinasArene Cecilia Amabuyok[40]17Makati
PinlandiyaLeena Sipilä24Helsinki
PransiyaNelly Gallerne[41]22Paris
Republikang DominikanoIngrid García17Santo Domingo
Reyno UnidoKathleen Winstanley[42]22Wigan
SuwesyaGunilla Friden[43]19Estokolmo
SuwisaJeanette Biffiger[44]19Zürich
TaylandiyaPinnarut Tananchai[45]19Chiang Mai
Timog AprikaMitsianna Stander[46]19Johannesburg
Timog KoreaLee Ji-eun[47]21Daegu
TsileCarmen Smith[48]Santiago
TsipreDiana Dimitropoulou[49]19Nicosia
TunisyaZohra Boufaden20Tunis
TurkiyaMine Kurkcuoglu[50]17Istanbul
UgandaJoy Lehai[51]22Kampala
YugoslaviaIvona Puhlera[52]17Dubrovnik

 Mga tala

Mga sanggunian

Panlabas na kawing