Multan

Ang Multan (مُلتان ; [mʊltaːn] ( pakinggan)) ay isang lungsod at kabesera ng Dibisyong Multan na matatagpuan sa Punjab, Pakistan. Matatagpuan sa pampang ng Ilog Chenab, ang Multan ay ang ikapitong pinakamalaking lungsod ng Pakistan at ang pangunahing sentrong pangkultura at pang-ekonomiya ng katimugang Punjab.[6][7]

Multan

مُلتان
Metropolis
Paikot pakanan mula sa itaas: Dambana ni Bahauddin Zakariya mula sa ika-13 siglo, Mosque Shahi Eid Gah, Ghanta Ghar, Libingan ni Shah Rukn-e-Alam mula sa ika-14 na siglo, Dambana ni Shamsuddin Sabzwari, Bughaw na tisang libingan ni Shah Gardez
Paikot pakanan mula sa itaas:
Dambana ni Bahauddin Zakariya mula sa ika-13 siglo, Mosque Shahi Eid Gah, Ghanta Ghar, Libingan ni Shah Rukn-e-Alam mula sa ika-14 na siglo, Dambana ni Shamsuddin Sabzwari, Bughaw na tisang libingan ni Shah Gardez
Palayaw: 
Ang Lungsod ng mga Santo
Kamalian ng lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Punjab Pakistan" nor "Template:Location map Punjab Pakistan" exists
Mga koordinado: 30°11′52″N 71°28′11″E / 30.19778°N 71.46972°E / 30.19778; 71.46972
Country Pakistan
ProvincePadron:Country data Punjab
DivisionMultan
DistrictMultan
Autonomous towns6
Union council4
Pamahalaan
 • UriMetropolitanong Korporasyon[1]
 • AlkadleKhawaja Burair Abbas (Pola Baraadri)
 • Katuwang na Alkalde
  • Munawar Ehsan Qurshi
  • Saeed Ahmed
Lawak
 • City286 km2 (110 milya kuwadrado)
 • Metro
3,721 km2 (1,437 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
129 m (423 tal)
Populasyon
 (2017)[5]
 • City1,871,843
 • RanggoIkapito sa Pakistan
 • Kapal6,500/km2 (17,000/milya kuwadrado)
 • Pangalang-turing
Multani
Sona ng orasUTC+05:00 (PST)
Kodigo ng lugar061
Websaytmda.gop.pk

Ang kasaysayan ng Multan ay umaabot hanggang sa sinaunang panahon. Ang sinaunang lungsod ay kinalalagyan ng kilalang Templo sa Araw ng Multan, at kinubkob ni Alejandro ang Dakila habang nasa Kampanyang Malli.[8] Ang Multan ay isa sa pinakamahalagang sentro ng pangangalakal ng medyebal na Islamikong India,[9] at inakit ang maraming mistikong Sufi noong ika-11 at ika-12 siglo, na kinilala ang lungsod sa palayaw na Lungsod ng mga Santo. Ang lungsod, kasama ang kalapit na lungsod ng Uch, ay kilala sa maraming bilang ng dambanang Sufi na nagmula pa sa panahong iyon.

Tanawin

Tanawin ng Multan

Ang tipolohiya ng lungsod ni Multan ay katulad ng ibang sinaunang lungsod sa Timog Asya, tulad ng Peshawar, Lahore, at Delhi–na lahat ay itinatag malapit sa isang pangunahing ilog, at may kasamang isang lumang lungsod na napapalibutan ng pader, pati na rin ang isang maharlikang kuta.[10] Kaiba sa mga lungsod na iyon, wala na ang maharlikang kuta ng Multan, dahil ito ay higit na winasak ng Briton noong 1848, na kung saan ay negatibong nakaapekto sa pagkakahabi ng lungsod.[10]

Ang mga lumang tahanan ng kapitbahayan ni Multan ay nagpapakita ng mga salik ng mga Muslim hinggil sa pagkapribado, at depensa laban sa malupit na klima ng lungsod.[10] Ang morpolohiya ng lunsod ay nailalarawan sa mga maliit at pribadong cul-de-sac na sumasanga sa mga bazaar at mas malalaking mga ugat.[10]

Ang isang natatanging estilo ng arkitekturang Multani ay nagsimulang mag-ugat noong ika-14 na siglo sa pagtatatag ng mga monumento ng libing,[10] at nailalarawan sa pamamagitan ng malalaking pader ng ladrilyo na pinalakas ng mga kahoy na angkla, na may mga paloob na bubong.[10] Ang arkitekturang panlibing ay makikita rin sa mga tirahan ng lungsod, na humiram ng mga elemento ng arkitektura at dekorasyon mula sa mga mausoleo ng Multan.[10]

Mga sanggunian