Museong Britaniko

51°31′10″N 0°7′37″W / 51.51944°N 0.12694°W / 51.51944; -0.12694

Museong Britaniko
Museong Britaniko is located in Gitnang London
Museong Britaniko
Lokasyon sa loob ng Gitnang London
Itinatag7 Hunyo 1753; 270 taon na'ng nakalipas (1753-06-07)
LokasyonKalyeng Great Russell Street, Londres WC1B 3DG, Inglatera, Reino Unido
Sukat ng Koleksyontinatayang nasa 8 milyong bagay[1]
Mga Dumadalaw1,275,400 (2020)[2]
  • Nakaranggo sa ikatlo sa buong bansa,
DirektorHartwig Fischer
Pampublikong transportasyonLondon Underground Goodge Street; Holborn; Tottenham Court Road; Russell Square;
Sityobritishmuseum.org
Sukat807,000 pi kuw (75,000 m2) sa
94 galerya
Ginawa ang Dakilang Korte noong 2001 at pinapalibot ang orihinal na Silid ng Pababasa.

Ang Museong Britaniko o British Museum ay isang pampublikong museo na nauukol sa kasaysayan ng tao, sining at kultura na matatagpuan sa pook ng Bloomsbury sa London. Naglalaman ito ng 8 milyong mga gawa na isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na umiiral sa mundo.[3] Nagtatala ito ng kultura ng tao mula sa simula ng pag-iral nito hanggang sa kasalukuyan.[a] Ang Museong Britaniko ang unang pampublikong pambansang museo sa buong mundo.[4] Itinatag ito noong 1753 batay sa mga koleksiyon ng doktor na Anglo-Irlandes na si Sir Hans Sloane.[5] Una itong nagbukas sa publiko noong 1759, sa Bahay Montagu sa kasalukuyang gusali. Ang pagpalawig ng museo sa sumunod na 250 taon ay resulta ng kolonisasyong Britaniko na nagdulot sa pagkakalikha ng ilang mga sangay na institusyon gaya ng Museo ng Likas na Kasaysayan noong 1881. Ang museo ay bukas araw-araw mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.[6]

Mga pananda

Mga sanggunian