Nirvana

Ang Nirvāṇa ( /nɪərˈvɑːnə/ neer-VAH-nə, /ʔˈvænə/ -VAN, /nɜːrʔ/ nur-;[1] Sanskrito: निर्वाण nirvāṇa sa; Pali: nibbāna; Prakrit: ṇivvāṇa; literal, "hinipan", tulad ng sa isang ilawang langis[2]) ay isang konsepto sa mga relihiyong Indiyano (Budismo, Hinduismo, Jainismo, at Sikhismo) na kinakatawan ang katapusang pansoteriyolohiko katayuan, ang liberasyon mula sa duḥkha, paghihirap, at saṃsāra, ang siklo ng pagsilang at muling pagsilang.[3][web 1][4]

Si Rishabhanatha, na pinaniniwalaang na nabuhay ng milyong taon na nakalipas, ay ang unang Tirthankara na natamo ang nirvana.

Sa mga relhiyong Indiyano, kasingkahulugan ng nirvana ang moksha at mukti.[tanda 1] Iginiit ng lahat ng mga relihiyong Indiyano na ito ang isang estado ng perpektong katahimikan, kalayaan, pinakamataas na kaligayahan pati na rin ang paglaya mula sa pagkagiliw at makamundong pagdurusa at ang pagwakas ng samsara, ang pag-ikot ng buhay.[6][7] Bagaman, iba ang pagsasalarawan ng mga tradisyong di-Budista at Budista sa mga katawagang ito para sa liberasyon.[8] Sa pilosopiyang Hindu, ito ang pagsasama ng o ang pagsasakatuparan ng pagkakakilanlan ng Atman sa Brahman, depende sa tradisyong Hindu.[9][10][11] Sa Jainismo, ang nirvana ay ang layuning pansoteriyolohiko din, na kinakatawan ang pagkawala ng diwa mula sa karmikong pagkagapos at samsara.[12] Sa kontekstong Budista, tumutukoy ang nirvana sa pag-abandona ng 10 fetter, na minamarkahan ang wakas ng muling pagsilang sa pamamagitan ng pagpatay ng "apoy" na pinapanatili ang proseso ng muling pagsilang na magpatuloy.[8][13][14]

Etimolohiya

Ang mga ideya ng liberasyong espirituwal, kasama ang konsepto ng diwa at Brahman, ay lumitaw sa mga tekstong Vediko at Upanishad, tulad ng nasa talatang 4.4.6 ng Brihadaranyaka Upanishad.[15]

Ang katawagang nirvana sa kahulugang pansoteriyolohiko na "hinipan, pinatay" na estado ng liberasyon ay lumitaw sa maraming lugar sa mga Veda at higit pa sa pagkatapos na Budistang Bhagavata Purana, bagaman hindi nagbibigay ang mga opinyong populista ng kredito sa aliman sa mga Veda o Upanishad. Sinabi ni Collins na "mukhang ang mga Budista ang una na tinawag itong nirvana."[16] Maaaring sinasadya ang paggamit nito ng mga salita sa unang bahagi ng Budismo, sa mungkahi ni Collins, dahil inilarawan ang Atman at Brahman sa mga tekstong Vediko at Upanishad na may imahe ng apoy, bilang isang bagay na mabuti, kanais-nais at mapagpalaya.[17] Sabi ni Collins na ang salitang nirvāṇa ay mula pandiwang ugat na na "hipan" sa anyong nakalipas na pandiwari na vāna na "hinipan", na nilagyan ng unlaping preberbiyong nis. Kaya naman, ang orihinal na kahulugan ng salita ay "hinipan, pinatay". (Binabago sa Sandhi ang tunog: ang 'v' ng vāna ay nagdudulot sa nis na maging nir, at pagkatapos, ang 'r' ng nir ay nagdudulot ng retropleksyon ng sumunod ng 'n': nis+vāna > nirvāṇa).[18] Bagaman, may ibang interpretasyon din ang kahulugan nirvana sa Budista.

Pangkalahatang-ideya

Ang nirvāṇa ay isang katawagan na matatagpuan sa mga teksto ng lahat ng pangunahing mga relihiyong Indiyano – Hinduismo,[19] Jainismo,[20] Budismo,[21] at Sikhismo.[22][23] Tumutukoy ito sa malalim na kapayapaan ng isip na nakukuha sa moksha, pagpapalaya mula sa samsara, o paglaya mula sa isang estado ng pagdurusa, pagkatapos ng kani-kanilang espirituwal na pagsasanay o sādhanā.[tanda 2]

Mga pananda

Mga sanggunian

Mga sanggunian na web