Pako

Para sa ibang gamit, tingnan ang Pako (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tagabas (paglilinaw).

Ang pako[3], tagabas[4][5], eletso[6], o kaliskis-ahas[7] (fern sa Ingles) ay isang uri ng halaman na nabubuhay sa tabi ng ilog at sapa na may iba't ibang kaurian (sari-sari). Ginagamit sa ngayon ang pangkaraniwang tagabas para sa pag-aayos ng mga bulaklak para sa kasalan at iba pang pagdiriwang. May isang uri ng tagabas na nakakain at kilala rin ito katawagang paku[8] na karaniwang ginagawang ensalada o talbos sa ginataang isada, suso o kuhol sa Pilipinas.[4][9]

Mga pako (Pteridophyta)
Temporal na saklaw: Gitnang Devonian[1] - Kamakailan
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Dibisyon:
Pteridophyta
Mga klase[2]
  • Cladoxylopsida
  • Psilotopsida
  • Equisetopsida (alyas Sphenopsida)
  • Marattiopsida
  • Polypodiopsida (alyas Pteridopsida, Filicopsida)
Isang klase ng lutuin mula sa pako.
Pako sa bundok ng Isarog

Tumutukoy din ang pangalang pako o tagabas sa mga sumusunod na halaman:

  • Pako (Athyrium esculentum)
  • Pakong-alagdan (Blechnum orientale)
  • Pakong-anuanag (Onychium siliculosum), tinatawag ding buhok-birhen, dila-dila
  • Pakong-gubat (Pityrogramma calomelanos), o pakong-kalabaw
  • Pakong-parang (Pteris mutilata)
  • Pakong-roman (Ceratopteris thalictroides)
  • Pakong-tulog (Selaginella tamariscina), o pakong-sipres
  • Pakong-buwaya (Cyathea contaminans)

Maaari ding tumukoy ang ngalang tagabas sa isang hindi-kauri ng mga tunay na pako; ito ang mala-yerbang halamang Kaempferia galanga[10]

Sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.