Pambansang Lupong Olimpiko

Ang Pambansang Lupong Olimpiko (NOC) (Pranses: Comité national olympique; Ingles: National Olympic Committee) ay mga pambansang konstituwensiya ng kilusang Olimpiko sa buong daigdig. Sa ilalim ng mga paghawak ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko, sila ay may tungkulin ukol sa pagsasaayos ng kanilang paglalahok ng bansa sa Palarong Olimpiko. Maaari silang magnomina ng mga lungsod sa loob ng kani-kanilang bansa bilang mga kandidato ukol sa Palarong Olimpiko sa kinabukasan. Ang mga NOC ay nagtataguyod ng kaunlaran ng mga manlalaro at pagsasanay ng mga tagasanay at opisyal sa isang pambansang antas sa loob ng kanilang bansa.

Ang mga NOC na pumapangkat sa lupalop

Ang mga NOC ay mga kasapi ng Kapisanan ng mga Pambansang Lupong Olimpiko (ANOC), kung saan hinahati rin sa limang kapisanang panlupalop:

LupalopKapisananMga NOCPinakamatandang NOCPinakabagong NOC
  Amerika
Pan-Amerikanong Organisasyon sa Palakasan42Estados Unidos (1894)Dominika (1993)
San Cristobal at Nieves (1993)
Santa Lucia (1993)
  Aprika
Kapisanan ng mga Pambansang Lupong Olimpiko ng Aprika53Ehipto (1910)Eritrea (1999)
  Asya
Sangguniang Olimpiko ng Asya44Hapon (1912)Silangang Timor (2003)
  Europa
Mga Europeong Lupong Olimpiko49Pransiya (1894)Montenegro (2007)
  Oseanya
Mga Pambansang Lupong Olimpiko ng Oseanya17Australya (1895)Tuvalu (2007)

Tingnan din

Sanggunian