Park Geun-hye
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Park.Park Geun-hye박근혜
Ika-11 Pangulo ng Timog Korea Nasa puwesto
25 Pebrero 2013 – 10 Marso 2017Punong Ministro Jung Hong-won Nakaraang sinundan Lee Myung-bak Sinundan ni - Hwang Kyo-ahn (umaakto)
- Moon Jae-in
Pinuno ng Saenuri Party Nasa puwesto
Ika-17 Disyembre 2011 – Ika-15 Mayo 2012Nakaraang sinundan Hong Jun-pyo Sinundan ni Hwang Woo-yea Nasa puwesto
Ika-23 Marso 2004 – Ika-10 Hulyo 2006Nakaraang sinundan Choe Byeong-ryeol Sinundan ni Kang Jae-sup Unang Ginang ng Timog Korea (de facto) Nasa puwesto
Ika-16 Agosto 1974 – Ika-26 Oktubre 1979Pangulo Park Chung-hee Nakaraang sinundan Yuk Young-soo Sinundan ni Hong Gi Kasapi ng Pambansang Asambleya Nasa puwesto
Ika-30 Mayo 2012 – Ika-10 Disyembre 2012Konstityuwensya Proportional Representation No. 11 Nasa puwesto
Ika-3 Abril 1998 – Ika-29 Mayo 2012Nakaraang sinundan Kim Suk-won Sinundan ni Lee Jong-jin Konstityuwensya Dalseong Pansariling detalye Ipinanganak 2 Pebrero 1952
Taegu, Timog KoreaPartidong pampolitika Saenuri Party Alma mater Sogang University Pirma Park Geun-hye Hangul 박근혜 Hanja 朴槿惠 Binagong Romanisasyon Bak Geunhye McCune–Reischauer Pak Kŭnhye Pangalang Dharma Hangul 선덕화[1] Hanja 善德華 Binagong Romanisasyon Seondeokhwa McCune–Reischauer Sŏndŏkhwa Si Park Geun-hye (Hangul: 박근혜; Hanja; 朴槿惠; Pagbabaybay sa Koreano: [pak.k͈ɯnh(j)e]; ipinanganak nong 2 Pebrero 1952) ay ang ika-11 na Pangulo ng Timog Korea mula 2013 hanggang 2017. Siya ang unang babae na nahalal bilang Pangulo ng Timog Korea, at naglilingkod sa ika-18 panahon ng panunungkulan bilang pangulo.[2] Nahalal siyang Pangulo ng Timog Korea noong 19 Disyembre 2012, at nagsimula siyang manungkulan noong 25 Pebrero, 2013.[3] Siya din ang nagsilbing First Lady o "Unang Ginang" habang nanunungkulan ang kaniyang amang si Park Chung-hee bilang pangulo ng Timog Korea.
Bago siya maging pangulo, siya ang chairwoman (tagapangulo) ng konserbatibong Grand National Party (GNP) sa pagitan ng 2004 at 2006 at sa pagitan ng 2011 at 2012 (binago ng GNP ang pangalan nito upang maging "Partidong Saenuri" noong Pebrero 2012). Si Park ay naging kasapi din ng Pambansang Kapulungan ng Timog Korea, at naglingkod sa apat na magkakasunod na mga panahon ng panunungkulang pamparlamento sa pagitan ng 1998 at 2012; na nagsimula sa kaniyang ika-5 termino bilang isang representatibong proporsiyunal mula Hunyo 2012. Ang kaniyang ama ay si Park Chung-hee, na naging Pangulo ng Timog Korea mula 1963 hanggang 1979.[4] Siya ang pangalawang anak na babae ni Park Chung-hee. Sa pangkalahatan, itinuturing siya bilang isa sa pinaka maimpluwensiyang mga politiko sa Korea magmula noong pagkapangulo ng dalawang mga Kim: na sina Kim Young-sam at Kim Dae-jung.[5]
Mga sanggunian
Mga kawing na panlabas
- Park Geunhye (sa Koreano)
- Park Geunhye Naka-arkibo 2006-06-14 sa Wayback Machine. (sa Koreano)
- Park Geunhye[patay na link] (sa Koreano)
- Park Geunhye:facebook (sa Koreano)