Park Shin-hye

Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Park.

Si Park Shin-hye (Koreano박신혜; Hanja朴信惠, ipinanganak noong Pebrero 18, 1990) ay isang artista at mang-aawit sa Timog Korea. Nakakuha siya ng pagkilala sa paglabasa sa mga Koreanovelang Stairway to Heaven (2003) at Tree of Heaven (2006). Tinuturing na isa sa mga pinaka-produktibong artista sa kanyang edad, natanggap ni Park ang karagdagang pagkilala sa kanyang mga ginampanan sa mga drama sa telebisyon na You're Beautiful (2009), The Heirs (2013), Pinocchio (2014-2015) at Doctors (2016).[1]

Park Shin-hye
Si Park noong Disyembre 2018
Kapanganakan (1990-02-18) 18 Pebrero 1990 (edad 34)
NagtaposChung-Ang University
Trabaho
Aktibong taon2001–kasalukuyan
AhenteS.A.L.T Entertainment
AsawaChoi Tae-joon (k. 2022)
Anak1
Pangalang Koreano
Hangul박신혜
Hanja
Binagong RomanisasyonBak Sin-hye
McCune–ReischauerPak Sinhye

Noong 2015, nakaranggo si Park sa ika-33 puwesto sa listahan ng Forbes Korea Power Celebrity, at ika-12 noong 2017.[2]

Kamusmusan at Edukasyon

Ipinanganak si Park noong Pebrero 18, 1990, sa Gwangju at lumaki sa Distrito ng Songpa, Seoul. Mayroon siyang mas nakakatandang kapatid na lalaki, si Park Shin-won, na isang gitarista at kompositor.[3] Unang lumabas si Park sa musikang bidyo na "Flower" ng mang-aawit na si Lee Seung-hwan,[4] pagkatapos ay sumailalim siya sa pormal na pagsasanay sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.[5]

Pagkatapos mag-hayskul sa Youngpa Girls 'High School, pumasok si Park sa Chung-Ang University. Nag-aral siya doon ng walong taon, pagkatapos ay nagtapos ng isang kurso sa Teatro noong Pebrero 2016.[6][7] Nakatanggap si Park ng isang serbisyong parangal sa seremonya ng pagtitipon para sa kanyang tagumpay bilang isang embahador ng artista para sa unibersidad.[8]

Karera

2003-2008: Simula ng karera

Si Park galing sa Acrofan noong 2008

Dumating ang pambihirang tagumpay kay Park nang gumanap siya bilang ang nakakabatang bersyon ng karakter ni Choi Ji-woo sa sikat na Koreanovela na Stairway to Heaven noong 2003.[9] Bumida din siya sa Tree of Heaven (2006) at tumanggap ng papuri mula sa mga kritiko para sa kanyang pagganap.[10] Umere ang serye sa Hapon na nagbigay daan kay Park na makilala sa ibang bansa.[11]

Unang lumabas sa pelikula si Park sa pelikulang Evil Twin (2007), isang pelikulang katatakutan kung saan gumanap siya ng dalawang pagganap: una ang pangunahing tauhan, at isa naman ay ang multo ng kapatid ng pangunahing tauhan, na minumulto ang kapatid pagkatapos mamatay nito.[12] Siya ay itinampok sa seryeng romansang komedya na Prince Hours, isang spin-off ng Princess Hours (2006).[13][14]

2009-2012: Tumataas na katanyagan

Si Park noong 2012

Nakakuha si Park ng higit pang pagkilala matapos gumanap bilang bidang nagsuot lalaki sa You're Beautiful (2009) kasama si Jang Keun-suk.[15][16] Ang serye ay nakakuha ng cult following o dedikadong mga sumusunod,[17] at nakakuha ng mataas na rating o marka sa Hapon.[18][19] Inilabas niya ang mga kanta na "Lovely Day" at "Without Words" para sa orihinal na soundtrack ng drama.

Noong 2010, bumida si Park sa mababang badyet na romantikong komedyang pelikula na Cyrano Agency, na kuwento tungkol sa ahensiya sa dating o ligawan na tinutulungan ang mga parokyano na makuha ang loob ng mga tao na kanilang napupusuan.[20] Ang inaakalag hindi papatok sa takilya ay naging isang kritikal at komersyal na tagumpay, na umaakit sa 2.7 milyong admisyon sa buong bansa, naging ika-8 na pinaka-mabentang pelikula ng taon.[21] Nanalo si Park ng parangal para sa "Pinakasikat na Aktres" sa kategoryang pelikula sa Baeksang Arts Awards.[22][23]

Nang naglaon, bumida si Park sa Koreanovela pangkabataan ng MBC na Heartstrings katambal si Jung Yong-hwa.[24][25] Ang parehong taon, itinampok si Park sa kanyang unang drama sa Taiwan, ang Hayate the Combat Butler, batay sa manga na shōnen sa Hapon na may kaparehong pangalan.[26][27]

Noong 2012, napasama si Park sa ikatlong season ng espesyal na drama ng KBS na Don't Worry, I'm a Ghost na umere noong Hulyo 15.[28] Ang kanyang pagganap sa dramang iyon ay nagdulot ng pagkapanalo niya sa KBS Drama Awards bilang ang Pinakamahusay na Isahang-Arte ng Natatanging Artista.[29]

2013–2015: Pambihirang tagumpay

Noong 2013, bumida si Park sa ikatlong bahagi ng "Flower Boy" na serye ng tvN na pinamagatang Flower Boys Next Door kasama ang aktor na si Yoon Shi-yoon.[30] Pagkatapos ay itinanghal siya sa dramang pampamilya na Miracle in Cell No. 7.[31] Ang mga benta ng tiket ng pelikula ay umabot sa 12.32 milyon, na naging isa sa mga pinakamabentang pelikulang Koreano.[32] Nang naglaon, nanalo siya bilang ang "Pinakamahusay na Pang-suportang Aktres" sa 33rd Korean Association of Film Critics Awards.[33]

Upang ipagdiwang ang kanyang ika-10 anibersaryo bilang isang artista, ginanap ang "2013 Park Shin Hye Asia Tour: Kiss Of Angel" na paglilibot ni Park sa apat na bansa sa Asya, at naging unang artista lumibot sa ibayo ng Asya.[34][35] Lumabas siya sa musikang bidyo ng "Eraser" ng artista at mang-aawit na si So Ji-sub para sa kanyang album na Two'clock ... Playground, kasama ang dating batang aktor na si Yoo Seung-ho.[36]

Sa parehong taon, lumabas si Park kasama si Lee Min-ho sa The Heirs, isang dramang pang-kabataan na isinulat ni Kim Eun-sook.[37] Ang The Heirs ay may napakalawak na katanyagan sa parehong lokal, na may pinakamataas na marka na 28.6%, at internasyunal, na mayroong higit sa isang bilyong pinagsamang manonood sa websayt na streaming sa Tsina na iQiyi.[38][39] Nakaranas si Park ng pagtaas ng popularidad sa loob ng Korea at internasyonal, at naging bituin na Hallyu.[40][41][42] Pinarangalan siya bilang ang "Popular na Banyagang Aktes" sa 2013 Anhui TV Drama Awards.[43]

Noong 2014, gumanap si Park bilang ang Reyna sa makasaysayang pelikula na The Royal Tailor.[44][45] Sa parehong taon, bumida si Park sa Pinocchio katambal ang aktor na si Lee Jong-suk, na gumanap bilang ang bida ng drama na may malubhang sintomas na tinatawag na "Pinocchio complex", na nagdudulot ng marahas na pagsinok kapag nagsasabi siya ng mga kasinungalingan. [46] Ang Pinocchio ay naging isang tagumpay,[47] na tinatayang kumita ng $ 5.62 milyon para sa mga karapatan sa pagsasahimpapawid sa loob lamang ng isang taon.[48]

Sa pagtatapos ng The Heirs noong 2013 at Pinocchio noong 2014, napasama siya sa tala ng Forbes Korea na Korea Power Celebrity kung saan siya ay nasa ika-33 puwesto.[49] Sa parehong taon, tinawag siya ng Section TV Entertainment Relay ng MBC bilang ang "Maliit na Kapatid na Babae ng Bansa."[50] Tinanggap din ni Park ang Komendasyon ng Punong Ministro sa Korea Popular Culture Awards para sa kanyang kontribusyon sa Hallyu.[51][52]

2016-kasalukuyan: Patuloy na tagumpay

Noong 2016, bumalik si Park sa telebisyon at bumida sa medikal na drama na Doctors ng SBS, kung saan ginampanan niya ang isang nababagabag na tinedyer na kalaunan ay naging isang matagumpay na doktor.[53] Ang drama ay isang tagumpay at nangunguna sa mga marka o rating ng manonood at mga tsart ng katanyagan sa loob ng 10 linggo na pag-ere nito.[54][55] Pagkatapos ay itinanghal siya sa komedya na My Annoying Brother, kasama ang artista na si Jo Jung-suk at Do Kyung-soo ng Exo.[56][57] Sa parehong taon, napili si Park bilang Pinakapaborang Koreanang Aktres ng mga tagahanga ng Korean Wave sa Estados Unidos.[58]

Noong 2017, bumida si Park sa pelikulang crime thriller na Heart Blackened, isang Koreanong remake ng pelikula sa Hong Kong na Silent Witness, kasama si Choi Min-sik.[59][60][61]

Noong 2018, bumida si Park sa dramang pantasya ng tvN na Memories of the Alhambra kasama si Hyun Bin, na gumanap ng isang gitarista at may-ari ng hostel.[62]

Personal na buhay

Noong Marso 7, 2018, nakumpirma na si Park ay may relasyon sa aktor na si Choi Tae-joon mula noong huling bahagi 2017.[63][64][65]

Noong Nobyembre 23, 2021, inihayag na si Park ay buntis at naghahanda para sa kasal kasama si Choi.[66] Ikinasal sila noong Enero 22, 2022, sa presensya ng mga kaibigan at pamilya sa isang seremonya ng simbahan sa Seoul.[67] Ipinanganak niya ang kanilang unang anak, isang lalaki, noong Mayo 31, 2022.[68]

Pilmograpiya

Pelikula

TaonPamagatGinampananMga tandaSanggunian
2006Love PhobiaByeon-ja
2007Evil TwinSo-yeon / Hyo-jin[69]
2010Cyrano AgencyMin-yeong[70]
Green Days: Dinosaur and IOh Yi-rang (voice)[71]
2012Waiting for Jang Joon-hwanShin-hyeMaikling pelikula[72]
2013Miracle in Cell No. 7Ye-seung (adult)[73]
One Perfect DayEun-heeMaikling pelikula[74]
2014The Royal TailorQueen[75]
2015The Beauty InsideWoo-jinKameyo[76]
2016My Annoying BrotherLee Soo-hyun[77]
2017Heart BlackenedChoi Hee-jung[78]

Telebisyon

TaonPamagatGinampananHimpilanMga tandaSanggunian
2003Stairway to HeavenHan Jung-suh (bata)SBS[79]
2004Nonstop 4Shin-hyeMBCKameyo, Kabanata 73
If Wait for the Next Train AgainRan-ui (bata)KBS2Natatanging drama
Not AloneAhn Shin-hyeSBS
Very Merry ChristmasSi-eunMBCNatatanging drama[80]
2005The New Dad is Twenty-NineSong Dae-inKBS2[81]
Cute or CrazyPark Shin-hyeSBS
One Fine DayHee-kyungMBCNatatanging drama[82]
Daddy Long LegsSeo-kyungKBS2[83]
2006Seoul 1945Choi Geum-heeBisita, Kabanata 2–4
Tree of HeavenHanaSBS[84]
Rainbow RomanceShin-hyeMBCKameyo, Kabanata 117[85]
2007Prince HoursShin Sae-ryung[86]
Several Questions That Make Us HappyHyun-jiKBS2Bahagi: Family[87]
Kimcheed Radish CubesJang Sa-yaMBC[88]
2008BicheonmuA Li Shui (Arisu)SBS[89]
2009You're BeautifulGo Mi-nam / Go Mi-nyeo[90][91]
2010My Girlfriend Is a Nine-Tailed FoxGo Mi-nyeoKameyo, Kabanata 6[92]
High Kick Through the Rooffuture Hae-riMBCKameyo, Kabanata 119[93]
2011HeartstringsLee Gyu-won[94]
Hayate the Combat ButlerXiao Zhi / Sanqianyuan ZhiFTVNatatanging drama[95]
2012Don't Worry, I'm a GhostYeon-hwaKBS2Natatanging drama[96]
The King of DramasPangunahing Aktres ng Graceful RevengeSBSKameyo, Kabanata 1[97]
2013Flower Boys Next DoorGo Dok-mitvN[98]
Fabulous BoysGo Mi-nyeoFTV / GTVKameyo, Kabanata 1[99]
The HeirsCha Eun-sangSBS[100]
2014–2015PinocchioChoi In-ha[101]
2016EntertainerAssistant Manager ParkKameyo, Kabanata 3[102]
Gogh, The Starry NightKahera sa tindahanSohu / SBSKameyo, Kabanata 8[103]
DoctorsYoo Hye-jungSBS[104]
2017Temperature of LoveKameyo, Kabanata 21[105]
2018Memories of the AlhambraJung Hee-jootvN[106]
2018Little Cabin in the WoodstvNGumanap kasama si So Ji-sub[107]

Dokumentaryo

TaonPamagatHimpilanMga tandaSanggunian
2009It City Park Shin Hye in New Caledonia: Take It ParadiseO'live TV
2011STOP HUNGERMBCKawanggawa sa Ghana
2012It City Park Shin Hye Healing Trip to Hong KongO'live TV
2013Photo Camping LogOnStylekasama si Park Se-young[108]

Pag-host

TaonPamagatHimpilanMga tandaSanggunian
2007–2008Fantastic PartnerMBC
2009Melon Music Awards(Di-nauugnay)kasama si Jang Keun-suk
SBS Gayo DaejeonSBSkasama sina Jung Yong-hwa & Kim Heechul[109]
2011Hallyu Dream Concert(Di-nauugnay)kasama sina Ok Taecyeon & Choi Minho
Melon Music AwardsMBC Every 1kasama sina Leeteuk & Yoon Doo-joon[110]
2012Kpop Collection Okinawa(Di-nauugnay)kasama si Lee Seung-gi[111]
2014 SBS Drama AwardsSBSkasama sina Lee Hwi-jae at Park Seo-joon[112]

Diskograpiya

Mga single

TaonPamagat / SubaybayanAlbumMga tandaSanggunian
2006"Love Rain"Tree of Heaven OST
2007"Jingle Ha-Day"Jingle Ha-Daytinatampok si Lee Seung-hwan
2009"Lovely Day"You're Beautiful OST
"Without a Word"
2010"It Was You"Cyrano Agency OSTkasama si Lee Min-jung
2011"우주에서"Green Days: Dinosaur and I OSTkasama si Song Chang-eui
"The Day We Fall In Love"Heartstrings OST[113]
"I Will Forget You"bersyon niya ng awit ng CN Blue na may kaparehong pangalan na mula sa album na Bluetory
2012"I Think of You"Music and Lyrics OSTwith Yoon Gun[114]
"Memories"Don’t Worry, I’m a Ghost OST[115]
2013"Pitch Black"Flower Boys Next Door OST
"Story"The Heirs OST[116]
"Break Up For You,
Not Yet For Me"
Break Up For You,
Not Yet For Me
tinatampok si Hwasa ng Mamamoo; remake ng Standing Egg[117]
2014"Arm Pillow"Arm Pillow[118]
"My Dear"My Dear

kasama siYong Jun-hyung

[119]
"Love Is Like Snow"Pinocchio OST[120]
2015"Dreaming a Dream"
"Perfect"PerfectSALTNPAPER tinatampok si Park Shin-hye[121]

Musikang bidyo

TaonPangalan ng kantaArtistSanggunian
2003"Flower"Lee Seung-hwan[9]
2004"I Ask Myself"
"Fake Love Song"
2006"Letter"Kim Jong-kook
2008"Saechimtteki"45RPM
2009"Call Me"Taegoon
"Super Star"
2012"Alone in Love"Lee Seung-gi
"Aren’t We Friends"
2013"Eraser"So Ji-sub[36]
2014"My Dear"Kanyang sarili[119]
"You Are So Beautiful"Kanyang sariali kasama sina Super Junior, EXO, atbp.[122]
2015"Insensible"Lee Hong-gi[123]
2017“Wish”Jung Joon-il[124]

Mga sanggunian

Mga panlabas na link