Qahedjet

Ang Qahedjet (o Hor-Qahedjet) ang pangalang Horus ng paraon na maaaring namuno sa Ikatlong dinastiyang ng Ehipto. Dahil ang tanging artipaktong naglalarawan sa pinunong ito at ang kanyang pangalan ay isang maliit na setla na ginawa sa batong apog, ang kanyang posisyong kronolohikal.

Pagkakakilanlan

Itinuturing ng mga Ehiptolong sina Jürgen von Beckerath, Rainer Stadelmann at Dietrich Wildung na si Qahedjet ay namuno sa wakas ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto. Ang pagpapalagay na ito ay batay sa stilistikong pagkakamukha ng mukha ni Qahedjet sa haring Djoser sa mga kontemporaryong relief.[4][3] Sina Toby A.H. Wilkinson, Ian Shaw at Jacques Vandier ay nagmungkahi ng pagkakakilanlan kay Qahedjet sa haring si Huni na huling pinuno ng Ikatlong dinastiya. Kanilang pinagpapalagay na ang “Hor-Qahedjet” ang pangalang serekh ni Huni ngunit ang pagpapalagay na ito ay batay sa nawawalang pangalang Horus ni Huni(ang pangalang Huni ay sinusuportahan bilang pangalang cartouche lamang) at ang kanilang teoriya ay hindi karaniwang tinatanggap ng mga Ehiptologo. [5][6]

Mga sanggunian