Taon ng liturhiya

(Idinirekta mula sa Christian holiday)

Ang taon ng liturhiya, na tinatawag ding taong liturhikal o kalendar,[1][2] ay binubuo ng siklo ng mga panahon ng liturhiya sa mga Kristiyanong simbahan na nagtatakda kung kailan ipagdiriwang ang mga pista, kabilang dito ang mga pagdiriwang ng mga santo, at kung aling bahagi ng Kasulatan ang babasahin maging sa taunang siklo o siklo ng ilang taon.[3]

Kanluraning Kristiyanismo

Ang buwan ng Oktubre mula sa kalendaryong liturhikal para sa Abbotsbury Abbey. Ika-13 siglo na manuskrito (British Library, Cotton MS Cleopatra B IX, folio 59r).

Nakabase ang mga kalendaryong lithurhikal sa siklo ng Ritung Romano ng Simbahang Katolika, at sinusundan din ito sa maraming simbahang Protestante, katulad ng Luterano, Anglikano, at iba pang mga tradisyon. Sa pangkalahatan, ang mga panahon sa liturhikal na kanluraning Kristiyanismo ay Adbiyento, Pasko, Karaniwang Panahon (panahon pagkatapos ng Pagpapakita ng Panginoon), Kuwaresma, Pasko ng Muling Pagkabuhay, at Karaniwang Panahon (panahon pagkatapos ng Pentekostes). Hindi sinasama sa ilang tradisyong Protestante ang Karaniwang Panahon: pumapatak ang bawat araw sa denominadong panahon. Tinatanggihan ng mga ibang simbahang Protestante, kagaya ng minorya sa tradisyong Repormada, ang taong liturhikal sa dahilang hindi inutusan ang pamimitagan nito sa kasulatan.[4]

Kalendaryong liturhikal

Adbiyento

Taong lithurhikal ng Ritung Romano

Ang adbiyento (mula sa salitang Latin, adventus, na nangangahulugang "pagdating") ay ang unang panahon sa taong liturhikal. Nagsisimula ito apat na Linggo bago ang Pasko, ang Linggo na pumapatak sa o pinakamalapit sa Nobyembre 30, at nagwawakas sa Bisperas ng Pasko. Kinaugaliang ipagdiriwang bilang "pangilin", nakapokus ito sa paghahanda sa pagdating ni Kristo, hindi lang ang pagdating ng batang Kristo sa Pasko, kundi rin, sa mga unang linggo, sa huling pagdating ni Kristo ayon sa eskatolohiya, anupat ang Adbiyento ay "panahon para sa "madasalin at masayang paghihintay".[5]

Kadalasang minamarkhan ang panahong ito ng Korona ng Adbiyento, isang korona ng dahon na may apat na kandila. Sapagkat ang pangunahing simbolismo ng korona ay pagmamarka ng paggalaw ng oras, nag-uugnay ang maraming simbahan ng tema sa bawat kandila, kadalasan 'pag-asa', 'pananampalataya', 'kagalakan', at 'pagmamahal'. Kabilang sa mga ibang tanyag na debosyon sa Adbiyento ang paggamit ng Kalendaryo ng Adbiyento o Punungkahoy ni Jesse upang bilangin ang araw bago mag-Pasko.

Kulay ng liturhiya: biyoleta o lila;[6] bughaw sa ilang tradisyon, tulad ng Anglikano/Episkopalyano, Metodista, at Luterano.[7][8][9]

Mga sanggunian