Kapisanang pampautangan

Ang kapisanang pampautangan ay isang uri ng kapisanan o kooperatiba na nagsisilbing isang institusyon o panimulaang pampananalapi na sarili o pribadong pag-aari at pinamamahalaan ng mga kasapi o miyembro nito, at pinatatakbo para sa layuning maitaguyod ang pagtitipid, pagpapautang o pagpapahiram ng salapi ayon sa nararapat at abot-kayang interes o tubo, at nakapagbibigay din ng iba pang mga serbisyong may kaugnayan sa pananalapi para sa mga kamiyembro nito.[1] Maraming mga kooperatibang unyon ang itinatatag para mas pagpapaunlad ng komunidad o lipunan[2] o sustinable o pag-alalay at pagtulong sa kaunlarang pandaigdigan na nasa antas na lokal o katutubong pook.[3] Isang halimbawa nito ang mga tinatawag na bangkong pangnayon sa Pilipinas.[4]

Sanggunian

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.