Kasinungalingan

Sadyang pagsabi ng maling pahayag ng isang tao o grupo sa kabila ng kaalaman sa katotohanan

Ang isang kasinungalingan ay ang pagpapalagay na pinaniniwalaang walang katotohanan, at tipikal na ginagamit sa layuning linlangin ang iba.[1][2][3][4] Ang tawag sa pagsasanay ng pakikipagtalastasan ng kasinungalingan ay pagsisinungaling. Ang taong nakikipagtalastas ng isang kasinungalingan ay tinatawag na sinungaling. Maaring magsilbi ang kasinungalingan bilang instrumental, interpersonal, o pansikolohiyang kaparaanan para sa mga indibiduwal na gumagamit nito. Pangkalahatan, nagdudulot ang katagang "kasinungalingan" ng isang negatibong konotasyon, at depende sa konteksto ng isang tao na nagsasabi ng isang kasinungalingan, maari itong maging sanhi ng kaparusahang panlipunan, ligal, panrelihiyon o kriminal.

Si Pinocchio, isang simbolo ng kasinungalingan

Mga sanggunian