Lungaw

Ang lungaw[1], simboryo[2] o domo[1] ay isang pag-aaring katangiang panggusali sa larangan ng arkitektura na pangkaraniwang kahawig ng pang-itaas na hatì ng isang timbulog o esperong nasa ituktok ng isang gusali. Sa ibang pakahulugan, isa itong bubong na kahugis ng biniyak na bao. Tinatawag din itong langit-langitan, palyo (partikular na ang sa altar), bubida, "limbo", "yungib", o "kuweba".[1]

Lungaw ng Basilika ni San Pedro sa Roma. Mayroon itong koronang tinatawag na kupola[1] (tinatawag ding bubida o linterna).[1] Dinisenyo ito ni Michelangelo, ngunit nakumpleto lamang ang simboryo noong 1590.

Isa itong katangiang-kasangkapan na nagpapahintulot sa maraming mga pampananampalataya at mga pampamahalaang mga gusali upang mamukod-tangi, sapagkat madaling makita at makilala ang isang mahalagang gusali, katulad ng isang palasyo, simbahan, o kaya isang templo. Gayundin, kapag nagsasalita ang isang tao habang nakikipag-usap sa iba pang mga tao habang nasa loob o nasa ilalim ng isang simboryo, nagiging mas malakas ang tunog ng tinig.

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.