Mga paglilitis sa Nuremberg

Ang Mga Paglilitis sa Nuremberg (The Nuremberg Trials) ay ang sunod-sunod na mga militar na tribunal na isinagawa ng mga nanalong Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kilala sa prosekusyon ng mga prominenteng (kilalang) miyembro ng pampolitika, ekonomiko, at militar na pamumuno ng natalong Partidong Nazi. Sa madaling salita, ang Mga Paglilitis sa Neremberg ay ang mga paglilitis sa mga krimeng pangdigmaan ng mga pinunong Nazi.[1] Ang mga paglilitis ay idinaos sa siyudad ng Nuremberg, Bavaria, Alemanya noong 1945–46 sa Palasyo ng Hustisya. Ang pinakakilala sa mga paglilitis na ito ang Paglilitis ng mga Pangunahing Kriminal ng Digmaan sa harap ng Internasyonal na Militar na Tribunal (IMT) na lumitis sa 24 sa pinakamahalang nahuling mga pinuno ng Alemanyang Nazi bagaman ang mga mahalagang arkitekto ng Nazi gaya ni Adolf Hitler, Heinrich Himmler at Joseph Goebbels ay nagpatiwakal bago magsimula ang paglilitis. Ang inisyal na mga paglilitis ay idinaos mula 20 Nobyembre 1945 hanggang 1 Oktubre 1946. Ang ikalawang hanay ng mga paglilitis ng mas maliliit na kriminal ng digmaan ay isinagawa sa ilalim ng "Kontrol Konsehong Batas Bilang 10" sa Nuremberg Military Tribunals ng Estados Unidos.

Mga kalahok

Mga hukom

  • Major General Iona Nikitchenko (Soviet pangunahin)
  • Lieutenant Colonel Alexander Volchkov (Soviet kahalili)
  • Colonel Sir Geoffrey Lawrence (British pangunahin at pangulo)
  • Sir Norman Birkett (Briton na kahalili)
  • Francis Biddle (American pangunahin)
  • John J. Parker (Amerikanong kahalili)
  • Professor Henri Donnedieu de Vabres (French pangunahin)
  • Robert Falco (Pranses na kahalili)

Mga pangunahing prosekutor (tagapaglitis)

  • United Kingdom Attorney General Sir Hartley Shawcross (United Kingdom)
  • United States Supreme Court Justice Robert H. Jackson (United States)
  • Soviet Union Lieutenant-General Roman Andreyevich Rudenko (Soviet Union)
  • France François de Menthon (France)

Mga isinakdal na miyembro ng Nazi

Pangalan
Bilang
ParusaMga komento
1234
Martin Bormann
IOGGKamatayanKahalili ni Hess bilang kalihim ng Partidong Nazi. Hinatulan ng kamatayan sa absentia. Ang kanyang mga labi ay natagpuan sa Berlin noong 1972 at binigyan ng petsang 1945.[2]
Karl Dönitz
IGGO10 taonPinuno ng Kriegsmarine mula 1943 at humalili kay Raeder. Tagapagpasimula ng kampanyang U-boat. Naging pangulo ng Alemanya sa maikling panahong pagkatapos ng kamatayan ni Adolf Hitler.[3] Hinatulan ng pagsasagawa ng walang restriksiyong pakikidigma gamit ang submarino at paglabag sa 1936 na Ikalawang Kasunduang Pandagat ng London ngunit hindi pinarusahan sa kasong ito dahil ang Estados Unidos ay nakagawa rin ng parehong paglabag.[4] Tagapagtanggol na abogado: Otto Kranzbühler
Hans FrankIOGGKamatayanPinuno ng Batas ng Reichstag mula 1933–1945 at Gobernador-Heneral ng Pangkalahatng Gobyerno ng sinakop na Poland noong 1939-1945. Naghayag ng pagsisi sa kanyang ginawa.[5]

Wilhelm Frick
IGGGKamatayanKalihim panloob ni Hitler mula 1933–1943 at protektor na Reich ng Bohemia-Moravia noong 1943-1945. Lumikha ng Mga batas panglahi ng Nuremberg.[6]
Hans Fritzsche
IIIONapawalang salaKilalang komentador ng radyo. Pinuno ng dibisyong balita ng kagawarang propaganda ng Nazi. Nilitis sa lugar ni Joseph Goebbels.[7]

Walther Funk
IGGGHabang buhay na pagkabilanggoKalihim ng ekonomiks ni Hitler. Humalili kay Schacht bilang pinuno ng Reichsbank. Pinalaya dahil sa sakit noong 16 Mayo 1957.[8] Namatay noong 31 Mayo 1960.
Hermann GöringGGGGKamatayanReichsmarschall o Komander ng Luftwaffe mula 1935–1945, at pinuno ng 4 na taong Plano noong 1936–1945 at orihinal na pinuno ng Gestapo bago ito ipaubaya sa SS noong Abril 1934. Orihinal na itinakdang kahalili ni Hitler at pangalawang pinakamataas na opisyal ng Nazi.[9] Noong mga 1942, ang kanyang kapangyarihan ay humina at nawalan ng pabor sa partidong Nazi at pinalitan ni Himmler. Siya ay nagpakamatay nang gabi bago ang kanyang eksekusyon (pagpatay).[10]
Rudolf HessGGIIHabang buhay na pagkabilanggoDiputadong Führer ni Hitler hanggang sa sa lumipad patungo sa Scotland noong 1941 upang tangkaing mamagitan ng kapayapaan sa Britanya. Pagkatapos ng paglilitis, ikinulong sa Bilangguang Spandau at namatay noong 1987.[11]

Alfred Jodl
GGGGKamatayanWehrmacht Generaloberst, subordinator ni Keitel at puno ng Operasyong dibisyon ng OKW noong 1938–1945.[12]
Ernst KaltenbrunnerIOGGKamatayanPinakamataas na nakaligtas na pinuno ng SS. Pinuno ng RSHA mula 1943–45 na organong Nazi na binubuo ng mga serbisyong intelehentsiya, Sikretong Pulis ng Estado at may pangkalahatang pangangasiwa sa Einsatzgruppen.[13]

Wilhelm Keitel
GGGGKamatayanPinuno ng Oberkommando der Wehrmacht (OKW) 1938–1945.[14]
Gustav Krupp von Bohlen und Halbach
III----Pinakamalaking industrialista ng Nazi. Hindi nakatayo sa paglilitis dahil sa sakit at namatay noong 16 Enero 1950. Ang mga prosekutor ay nagtangkang ihalili ang anak nitong si Alfried (na nagpatakbo ng Krupp para sa kanyang ama sa kabuuan ng digmaan) ngunit ang mga hukom ay itinanggi ito.[15] Si Alfried ay inilitis sa hiwalay na paglilitis sa kanyang paggamit sa pang-aalipin sa pagtatrabaho. Ito ay nakaligtas sa parusang kamatayan.

Robert Ley
IIII----Pinuno ng DAF ma Alemang Manggagawang Pronta. Nagpatiwakal noong 25 Oktubre 1945 bago magsimula ang paglilitis.

Baron Konstantin von Neurath
GGGG15 taonKalihim ng Kagawarang Pandayuhan mula 1932–1938 at sinundan ni Ribbentrop. Kalaunan ay naging protektor ng Bohemia at Moravia noong 1939–43. Nagbitiw noong 1943 dahil sa pakikipag-alitan kay Adolf Hitler. Pinalaya dahil sa sakit noong 6 Nobyembre 1954 [16] pagkatapos atakihin sa puso. Namatay noong 14 Agosto 1956.

Franz von Papen
IIOONapawalang salaKansilyer ng Alemanya noong 1932 at bise-kansilyer sa ilalim ni Adolf Hitler noong 1933-1934. Naging embahador sa Austriya noong 1934–1938 at embahador sa Turkey noong 1939-1944. Bagaman si von Papen ay napawalang sala sa Nuremberg, si von Papen ay inurign isang kriminal ng digmaan noong 1947 sa korte ng pagsasalis ng Nazi (de-natizification) at hinatulan ng walong taon ng mahirap na trabaho. Siya ay napawalang sala matapos magsilbi sa bilangguan nang 2 taon.[17]

Erich Raeder
GGGOHabang buhay na pagkabilanggoPunong Komander ng Kriegsmarine mula 1928 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1943 at sinundan ni Dönitz. Pinalaya sa dahil sa sakit noong 26 Setyembre 1955.[18] Namatay noong 6 Nobyembre 1960.

Joachim von Ribbentrop
GGGGKamatayanEmbahador na plenipotensiyaryo mula 1935–1936. Embahador sa United Kingdom mula 1936–1938. Kalihim ng Kagawarang Pandayuhan ng Nazi mula 1938–1945.[19]

Alfred Rosenberg
GGGGKamatayanIdeolohista ng Pinunong lahi. Kalaunan ay naging kalihim ng Sinakop na Silangang mga Teritoryo mula 1941–1945.[20]

Fritz Sauckel
IIGGKamatayanGauleiter ng Thuringia mula 1927–1945. Plenipotensiyaryo ng pang-aaliping trabahong programa ng Nazi mula 1942–1945.[21] Tagapagtanggol na abogado: Robert Servatius

Dr. Hjalmar Schacht
IIOONapawalang salaProminenteng bankero at ekonomista. Bago-ang-digmaang pangulo ngReichsbank mula 1923–1930 at 1933–1938 at kalihim ng Ekonomiks mula 1934–1937. Umaming lumabag sa Kasunduang Versailles.[22]
Baldur von SchirachIOOG20 taonPinuno ng Hitlerjugend (Kabataang Hitler) mula 1933 hangang 1940 at Gauleiter ng Vienna mula 1940–1945. Naghayag ng pagsisi.[23]

Arthur Seyss-Inquart
IGGGKamatayanInstrumental sa Anschluss at maikling nagsilbi bilang kansilyer ng Austriya noong 1938. Diputado kay Frank sa Poland mula 1939–1940. Kalaunan ay naging komisyoner ng sinakop na Netherlands mula 1940–1945. Naghayag ng pagsisi.[24]

Albert Speer
IIGG20 taonPinakapaboritong arkitekto ni Hitler at personal na kaibigan. Naging kalihim ng mga Armas mula 1942 hanggang sa wakas ng digmaan. Sa kakayahang ito, siya ay responsable sa paggamit ng mga aliping manggagawa mula sa mga sinakop na teritorya para sa paggawa ng mga armas. Naghayag ng pagsisi.[25]

Julius Streicher
IOOGKamatayanGauleiter ng Franconia mula 1922–1940. Tagapaglimbag ng lingguhang diyaryong Der Stürmer.[26]

Sanggunian