Nagarjuna

Si Nāgārjuna (c. 150 – c. 250 CE; Tsinong pinapayak: 龙树; Tsinong tradisyonal: 龍樹; pinyin: Lóngshù; Tibetano: མགོན་པོ་ཀླུ་སྒྲུབ་, Wylie: mGon po Klu sgrub) ay isang Indiyanong mangingisip, iskolar-santo at pilosopong Budistang Mahayana. Karaniwan siyang itinatagurian bilang isa sa pinakamahalagang mga pilosopong Budista.[2] Dagdag pa, ayon kay Jan Westerhoff, siya rin ay "isa sa pinakadakilang mga mangingisip sa kasaysayan ng pilosopiyang Asyano."[3]

Nāgārjuna
Isang pagpipintura ni Nagarjuna mula sa Shingon Hassozō, isang serye ng mga balumbon na iniakda ng paaralang Shingon ng Budismo. Hapon, Panahong Kamakura (ika-13-14 siglo)
Kapanganakanc. 150 CE
Timog India[1]
Kamatayanc. 250 CE
India
TrabahoBudistang guro, monghe, at pilosopo
Kilala saPinaniniwalaang nagtatag ng paaralang Madhyamaka ng Budismong Mahāyāna

Karaniwang itinatagurian si Nāgārjuna bilang ang tagapagtatag ng paaralang madhyamaka (sentrismo, middle-way) ng pilosopiyang Budista at isang tagapagtaguyod ng kilusang Mahāyāna.[2][4] Ang kanyang Mūlamadhyamakakārikā (Root Verses on Madhyamaka, MMK) ay ang pinakamahalagang teksto sa pilosopiyang madhyamaka ng kawalan. Nagbigay-inspirasyon ang MMK sa maraming mga komentaryo sa Sanskrito, Tsino, Tibetano, Koreano at Hapones at patuloy pa ring pinag-aaralan ngayon.[5]

Mga sanggunian

Mga pinagsipian

Mga pinagkunan