Pamatay-apoy

Ang pamatay-sunog o pamatay-apoy[1] (Ingles: fire extinguisher) ay isang kagamitan sa pag-aapula ng apoy tuwing oras ng sakuna. Hindi ito ginagamit sa mas malaking sunog na kinakailangang gamitan ng ibang kagamitan. Madalas itong nakakabit sa pader ng mga gusali sa madaling mahanap na puwesto.

Pamatay-apoy

Uri at klasipikasyon

Ang pamatay-apoy na may lamang tubig ay ginagamit para sa mga sunog sanhi ng mga papel, kahoy, uling, goma, at solidong plastik. Hindi ito ginagamit sa sunog mula sa kuryente, bakal, at mantika. Ito ang pinakamurang pamatay-apoy.[2] Ginagamit naman ang tuyong kemikal (dry chemical) sa pag-aapula ng apoy na may uri o class A, B, at C. May mga natatanging tuyong kemikal na ginagamit sa pag-aapula ng class D (bakal).[2]

Ayon sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, ang sumusunod na talaan ay ang mga uri ng pamatay-apoy.[3]

UriNakatalagang kulayGamit
Tuyong kemikalPulang katawan na may puting bandaGinagamit sa mga apoy mula sa solidong materyal o solidong nagiging likido, gas, at kagamitang elektrikal
Dioksido de karbonoPulang katawan na may itim na bandaGinagamit sa mga apoy mula sa likidong nasusunog tulad ng gasolina, langis, at mantika
BulaPulang katawan na may bughaw na bandaGinagamit sa mga apoy mula sa solidong materyal at likidong nasusunog tulad ng gasolina, langis, at mantika
Pamalit sa halonMapusyaw na luntiang katawan at puting bandaGinagamit sa mga apoy mula sa mga solidong materyal, likido o solidong nagiging likido, gas at kagamitang elektrikal

Paraan ng paggamit

Sa wikang Ingles, ginagamit ang akronimng PASS upang matandaan ang mga hakbang sa paggamit ng pampatay ng sunog. Ang mga hakbang na ito ay:[2][4]:

  • Pull (Hilahin) - hilahin ang pin o talasok upang matanggal seal o selyo
  • Aim (Itututok) - ituro ang hose o diligan sa sunog
  • Squeeze (Pisilin) - ipitin ang hawakan upang lumabas ang tubig, bula, o tuyong kimikal
  • Sweep (Iwasiwas) - iwasiwas ang tubig, bula, o tuyong kemikal mula sa kaliwa ng sunog hanggang sa kanan ng sunog at pabalik hanggang sa maapula ang apoy

Mga sanggunian