Ugnayang Indonesia-Pilipinas

Ang Ugnayang Indonesia–Pilipinas ay tumutukoy sa panlabas na ugnayang bilateral ng pamahalaan ng Republika ng Indonesia at ng Republika ng Pilipinas. Pormal na itinatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa noong Nobyembre 24, 1949,[1] matapos kilalanin ng Pilipinas ang kasarinlan ng Indonesia. Kapwa may pasuguan sa kabisera ng isa't isa ang bawat bansa. Matatagpuan sa Makati (bahagi ng Kalakhang Maynila) ang pasuguan ng Indonesia, habang nasa Jakarta ang pasuguan ng Pilipinas. Liban dito, may konsulado ang Indonesia sa Davao, ang Pilipinas naman ay may konsulado sa Manado at Surabaya.

Ugnayang Indonesia–Pilipinas
Indonesia   Pilipinas
[[Image:{{{4}}} {{{5}}} Locator.png|250px|Mapang ipinapakita ang tagpuan ng Indonesia at Philippines]]

Kasunduan sa hangganan

Pinagsasaluhan ng Indonesia at Pilipinas ang karagatan bilang hangganan, ang karamihan dito ay nasa Dagat Celebes. Bago ang 2014, hindi malinaw ang hangganang pandagat ng dalawang bansa sapagkat inaangkin ng Pilipinas ang kuwadrilateral na hangganang pandagat na itinakda sa Tratado ng Paris na sumasakop sa Pulo ng Palmas, na siya namang iginawad na noong 1932 sa Netherlands na noo'y may sakop pa sa Indonesia (noo'y kilala bilang Netherlands East Indies).

Noong Mayo 23, 2014 nilagdaan sa Maynila ang kasunduan na nagtatakda ng hangganang pandagat ng dalawang bansa. Nilagdaan ang kasunduan sa Palasyo ng Malacañang ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Albert del Rosario at ng kaniyang katumbas sa Indonesia na Minister Panlabas Marty Natalegawa at pangunahing sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas Benigno Aquino III at Pangulo ng Indonesia Susilo Bambang Yudhoyono.

Paghahambing ng Bansa

Opisyal na Pangalan Republika ng Indonesia Republika ng Pilipinas
Katutubong PangalanRepublik Indonesia(Pangalan sa Tagalog)
Eskudo
Watawat
Pambansang SaliwikainBhinneka Tunggal Ika

(Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba)

Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa
Pambansang AwitIndonesia Raya (Dakilang Indonesia)Lupang Hinirang
Populasyon273,221,505108,709,219
Lugar2,098,724 km2 (810,322 sq mi)352,998 km2 (136,293 sq mi)
Densidad ng Populasyon138.61/km2 (359.0/sq mi)351.87/km2 (911.3/sq mi)
Mga Sona ng orasOras ng Kanlurang Indonesia (UTC+07:00)

Oras ng Central Indonesia (UTC+08:00)

Oras ng Silangang Indonesia (UTC+09:00)

Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+08:00)
Kabisera Jakarta Maynila
Pinakamalaking Lungsod Jakarta – 10,770,487

Surabaya – 3,457,409

Lungsod ng Quezon – 2,936,1167

Maynila – 1,780,148

PamahalaanUnitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonalUnitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonal
Itinatag 17 Agosto 1945 (Ipinahayag)

27 Disyembre 1949 (Nakilala)

12 Hunyo 1898 (Ipinahayag)

4 Hulyo 1946 (Ipinagkaloob)

Mga Estado ng NaunaPanahon ng Kolonyal (1512-1949) Imperiyong Majapahit (1293-1517)

Silangang Indies na kolonya ng Portuges (1512-1850 Kumpanya ng Olandes Silangang IndiyaSilangang Indiyong Olandes (1800-1949) Paghintong sandali sa Silangang Indiyong Olandes (1806-1815)

Sinakop ng mga Hapones ang Silangang Indiyong Olandes Republika ng IndonesiaPagkatapos ng Panahon ng Kolonyal (1949–kasalukuyan)Estados Unidos ng Indonesia (1949–1950)Olandes Bagong Guinea (1949–1962) Republika ng Indonesia

  • Panahon ng Liberal na Demokrasya (1950-1957)
  • Pinatnubayang Rehimeng Demokrasya (1957-1965)
  • Panahon ng pagbabago (1965-1966)
  • Bagong Orden ng Rehimen (1966-1998)
  • Pagkatapos ng Panahon ng Suharto (1998-Kasalukuyan)
Panahon ng Kolonyal (1565–1946)

Bayan ng Tondo (900 – 1589) Espanyol Silangang Indies (1565-1898) Pananakop ng mga Ingles sa Maynila (1762–1764)

Republika ng Katagalugan (1896-1897)Republika ng Biak-na-Bato (1897) Pamahalaang Militar ng Estados Unidos (1898-1902)  Republika ng Pilipinas (1899-1902) Pamahalaang Insular ng Estados Unidos (1902–1935) Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946)

 Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng HaponPagkatapos ng Panahon ng Kolonyal (1946–kasalukuyan) Republika ng Pilipinas

Unang (mga) Pinuno Sukarno

Mohammad Hatta

Emilio Aguinaldo

Manuel Luis Quezon

Kasalukuyang (mga) Pinuno Pangulo: Joko Widodo (PDI-P)

Pangalawang Pangulo: Ma'ruf Amin (Nagsasarili)

Pangulo: Ferdinand R. Marcos Jr. (Partido Federal ng Pilipinas)

Pangalawang Pangulo: Sara Duterte (Lakas-CMD)

Mambabatas Pagtitipon Konsulta ng Bayan

Konseho ng Kinatawan ng RehiyonTagapagsalita: La Nyalla Mattalitti (Nagsasarili)

Sangguniang Kinatawan ng BayanTagapagsalita: Puan Maharani (PDI–P)

Kongreso

SenadoPangulo: Juan Miguel Zubiri

Kapulungan ng mga KinatawanTagapagsalita: Lord Allan Velasco

Hudikatura Kataas-taasang Hukuman

Punong Mahistrado: Muhammad Syarifuddin Hukumang Konstitusyonal

Punong Mahistrado: Anwar Usman

Kataas-taasang Hukuman

Punong Mahistrado: Alexander G. Gesmundo Hukuman sa paghahabol

Namumunong Hustisya: Remedios Salazar-Fernando

Militar Pambansang Sandatahang Lakas ng Indonesia (TNI)

Kumander: Andika Perkasa Hukbong Indonesian (TNI-AD) Hukbong Panghimpapawid ng Indonesia (TNI-AU) Hukbong Dagat ng Indonesia (TNI-AL)

  • Hukbong Kawal Pandagat ng Indonesia (KORMAR)
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP)

Tagapangulo: Andres Centino Hukbong Pilipino (HP)

Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas (HPP) Hukbong Dagat ng Pilipinas (HDP)

Ahensya ng Pagpapatupad ng Batas Pambansang Pulisya ng Indonesia (POLRI)

Tagapangulo: Idham Azis

Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PPP)

Tagapangulo: Dionardo Carlos

Relihiyon Islam: 87.2%

Protestantismo: 7.0% Katolika: 2.9%

Hinduismo: 1.7%Iba pa: 1.3%

Katolika: 80.6%

Protestantismo: 8.2% Islam: 5.6

| Antiismo:Iba pa: 5.1%

Mga pangkat etnikoMga Habanes: 42.6%

Mga Sunda: 15.6%Mga Malay na Indones: 3.7Mga Batak: 3.6%Mga Madurese: 3.0%Iba pa: 60.7%

Mga Tagalog: 24.4%

Mga Cebuano: 21.3%Mga Ilokano: 8.8%Mga Hiligaynon: 8.4%Mga Bikolano: 6.8%Iba pa: 30.2

Opisyal (mga) WikaIndonesian (Malay)Pilipino (Tagalog), Ingles (Diyalekto ng Pilipinas)
GDP (nominal)US$1.25 trillion ($4,538 Per Capita)US$433.180 billion ($$3,858 Per Capita)
GDP (PPP)US$ 3.84 trillion ( $13,981 Per Capita)US$1.110.810 trillion ($9,893 Per Capita)
Paglago ng GDP5.94% (2022)5.6% (2021)
SalapiRupiah ng Indonesia (Rp/IDR)Piso ng PIlipinas (₱/PHP)
Mga pangunahing industriyaPalm oil, karbon, petrolyo, tela, pagmimina, industriya ng sementoPagpupulong ng elektroniko, kalawakan, pag-outsource, tela, kasuotan, paggawa ng pagkain
Lakas paggawa69,000,00064,100,000
TKP0.718 (Mataas)0.718 (Mataas)