Ariana Grande

Si Ariana Grande-Butera[1][2] (ipinanganak noong Hunyo 26, 1993),[3][4] na kilala bilang Ariana Grande ay isang Amerikanong aktres, mang-aawit at manunulat ng kanta. Siya ay lumaki sa Boca Raton, Florida kung saan siya pumasok sa North Broward Preparatory School.

Ariana Grande
Grande performing at Madison Square Garden in 2013
Grande performing at Madison Square Garden in 2013
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakAriana Grande-Butera
Kapanganakan (1993-06-26) 26 Hunyo 1993 (edad 30)
Boca Raton, Florida, Estados Unidos
GenrePop, R&B
TrabahoArtista, mang-aawit, kanta
InstrumentoVocals, ng piano
Taong aktibo2008–kasalukuyan
LabelRepublic
Websitearianagrande.com

Noong Enero 21, 2007 sinimulan niyang i-publish ang kanyang musika sa YouTube, at noong Mayo 2023, umabot sa 52.6 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 23.8 bilyong panonood ng video. [5]

Si Grande ay nagkaroon ng kanyang debut sa pag-arte noong 2008 sa papel ng Charlotte sa13 sa Broadway. Mula 2010 hanggang 2013, siya ay lumabas bilang Cat Valentine sa Nickelodeon sitcom Victorious at sa spinoff Sam & Cat.[6]

Noong Marso 2013, si Grande ay nagkamit ng tagumpay sa kanyang single "The Way" mula sa kanyang debut studio album Yours Truly (2013) na naging isang top ten hit sa Billboard Hot 100.[7][8]

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Mang-aawit at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.