Bukarest

Ang Bucarest (NK /ˌbkəˈrɛst/ BOO--REST, EU /ˈbkərɛst/ --rest; Rumano: București [bukuˈreʃtʲ] ( pakinggan)) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Romania, gayon din ang sentro ng kalinangan, industriya at pananalapi. Matatagpuan ito sa timog-silangan ng bansa, sa pampang ng Ilog Dâmbovița , mababa sa 60 km (37.3 mi) hilaga ng Ilog Danube at ang hangganan nito sa Bulgarya.

Bucharest

București
municipality of Romania, Kabisera, unang antas ng dibisyong pampangasiwaan ng bansa, big city, college town, largest city
Eskudo de armas ng Bucharest
Eskudo de armas
Palayaw: 
Micul Paris, Paris of the Balkans
Map
Mga koordinado: 44°24′N 26°05′E / 44.4°N 26.08°E / 44.4; 26.08
Bansa Romania
LokasyonRomania
Itinatag1459
Pamahalaan
 • Mayor of BucharestNicușor Dan
Lawak
 • Kabuuan226 km2 (87 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Disyembre 2021, Senso)
 • Kabuuan1,716,961
 • Kapal7,600/km2 (20,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
Kodigo ng ISO 3166RO-B
Plaka ng sasakyanB
Websaythttp://www.pmb.ro

Unang nabanggit ang Bucharest sa mga dokumento noong 1459. Naging kabisera ito ng Romania noong 1862 at ito ang sentro ng Romania para sa midya, kultura, at sining. Halo ang arkitektura nito ng makasayayan (Neoklasiko at Art Nouveau), interbellum (Bauhaus, at Art Deco), panahong komunista at makabago. Noong panahon ng dalawang Digmaang Pandaigdig, ang elegante ng arkitektura ng lungsod at pagiging sopistikado ng elitista ay nag-ani sa Bucharest ng palayaw na 'Paris ng Silangan' (Rumano: Parisul Estului) o 'Maliit na Paris' (Rumano: Micul Paris).[1] Bagaman ang mga gusali at distrito sa makasaysayang lungsod ay labis na nawasak ng digmaan, o lindol at kahit sistemisasyong programa ni Nicolae Ceaușescu, na maraming naligtas ay ikinumpuni. Sa kamakailang taon, nakaranas ang lungsod ng isang pag-unlad sa ekononiya at kultura.[2][3] Ito ang isa sa mga mabilis na lumagong mataas-na-teknolohiyang lungsod sa Europa, sang-ayon sa Financial Times, CBRE, TechCrunch, at iba pa.[4][5][6][7][8]

Mga sanggunian