Malayong Silangan

Para sa ibang gamit, tingnan ang Malayong Silangan (paglilinaw).

Ang Malayong Silangan o Dulong Silangan (Ingles: Far East) ay isang salitang panheograpiya na kadalasang tumutukoy sa Silangang Asya (kasama ang Hilagang-silangang Asya), ang Malayong Silangang Rusya (bahagi ng Hilagang Asya), at Timog-silangang Asya.[1] Minsang isinasama rin ang Timog Asia para sa mga kadahilanang ekonomiko at kalinangan.[2] Unang ginamit ang salitang "Far East" sa wikang Ingles sa mga diskursong heopolitika sa Europa noong ika-12 dantaon. Tinukoy ang Malayong Silangan bilang "pinakamalayo" sa tatlong "mga silangan", sa labas ng Malapit na Silangan (Near East) at ng Gitnang Silangan (Middle East). Gayon din, noong Dinastiyang Qing ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon ang salitang "Tàixī (泰西)" – iyan ay anumang mas-kanluran sa mundong Arabe – ay ginamit upang matukoy ang mga bansang Kanluranin.

Malayong Silangan (Dulong Silangan)
Far East
Kinaroroonan ng Malayong Silangan ayon na rin sa kahulugang heograpiko
Pangalang Tsino
Tradisyunal na Tsino遠東
Pinapayak na Tsino远东
Kahulugang literalMalayong Silangan
Pangalang Burmese
Burmesအရှေ့ဖျား ဒေသ
IPA[ʔəʃḛbjá dèθa̰]
Pangalang Biyetnames
Alpabetong BiyetnamesViễn Đông
Chữ Hán
Pangalang Thai
Thaiตะวันออกไกล
Tawan-oak klai
Pangalang Koreano
Hangul극동
Hanja極東
Pangalang Mongol
Sirilikong MongolAls Dornod
Pangalang Hapones
Kanji極東
Katakanaキョクトウ
Pangalang Malay
Malayتيمور جاوء
Timur Jauh
Pangalang Indones
IndonesTimur Jauh
Pangalang Tagalog
TagalogKasilanganan
Silanganan (poetiko)
Malayong Silangan (literal)
Pangalang Portuges
PortugesExtremo Oriente
Pangalang Ruso
RusoДальний Восток
Pagbigkas sa Ruso: ˈdalʲnʲɪj vɐˈstok
RomanisasyonDál'niy Vostók

Mula noong dekada-1960, ang "Silangang Asya" ay naging pinakakaraniwang tawag sa rehiyon sa pandaigdigang mga outlet ng midyang pangmasa.[3][4]

Pagkakatanyag ng termino

Bago ang panahong kolonyal, tumutukoy ang "Malayong Silangan" sa alinman lugar sa silangan ng Gitnang Silangan. Noong ika-16 na dantaon, tinawag ni Haring Juan III ng Portugal ang India na isang "mayaman at nakapupukaw na bansa sa Malayong Silangan[5] (Extremo Oriente)." Pinatanyag ang salita noong panahon ng Imperyong Britaniko bilang pangkalahatang termino para sa mga lupain sa silangan ng Britanikong India.

Sa heopolitikang Europeo bago ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Malapit na Silangan (Near East) ay tumtukoy sa malalapit na mga lupain ng Imperyong Otomano, ang Gitnang Silangan (Middle East) ay nagpapahiwatig sa hilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya at ng Gitnang Asya, at ang Malayong Silangan (Far East) ay nagngangahulugan sa mga bansang sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko at silangang bahagi ng Karagatang Indiyano. Maraming mga wikang Europeo ay may magkakahawig na mga termino, tulad ng Pranses (Extrême-Orient), Kastila (Lejano Oriente), Portuges (Extremo Oriente), Aleman (Ferner Osten), Italyano (Estremo Oriente), Polako (Daleki Wschód), Noruwego (Det fjerne Østen) at Olandes (Verre Oosten).

Kahulugang pangkalinangan at pangheograpiya

Kapuna-punang pumupukaw ang termino sa pangkalinangan at pangheograpiya na paghihiwalay; hindi lamang malayo ang "Malayong Silangan" ayon sa heograpiya, kung hindi eksotiko ito ayon sa kalinangan. Bilang halimbawa, hindi nito tinutukoy ang makakanluraning bansa ng Australya at New Zealand na mas malayo pa sa Silangang Asya sa silangan ng Europa. Malinaw na inilarawan ni Robert Menzies, isang Punong Ministro ng Australya, ang pinaghalong pangkuktura at pangheograpiyang subdyektibidad na ito. Habang pinagmumuni-muni ang mga kapakanang pangheopolitika ng kaniyang bansa kalakip ng pagsisimula ng digmaan, nagkomento siya na (isinalin sa Tagalog/Filipino):

Iba ang mga suliranin sa Pasipiko. Kung anong tinatawag na Malayong Silangan ng Gran Britanya ay Malapit na Hilaga para sa amin.[6]

Sa pangkaraniwang kahulugan maihahambing ang Malayong Silangan sa mga termino tulad ng "ang Oryente" ("the Orient"), na nagngangahulugang Silangan; ang "Mundong silanganan;" o sa payak "Silangan." Sa papaano man maaaring isama sa Malayong Silangan ang Timog-silangang Asya, ang Malayong Silangan ng Rusya, at kung minsan ang Subkontienteng Indiyano.

Tungkol naman sa termino, sinulat nina John K. Fairbank at Edwin O. Reischauer, mga propesor ng East Asian Studies sa Unibersidad ng Harvard, sa aklat na East Asia: The Great Tradition na (sa Tagalog/Filipino):

Nang lumakbay ang mga Europeo sa dakong silangan upang maabot ang Cathay, Hapon at Kaindiyahan, likas nilang binigyan ng pangkalahatang pangalan na 'Far East' ang mga malalayong rehiyon na iyon. Maari sanang tinawag ng mga Amerikanong lumayang patungong Tsina, Hapon at Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng Pasipiko ang lugar na iyon na 'Malayong Kanluran,' dahil na rin sa magkatulad na lohika. Ngunit para sa mamamayang nakatira sa bahaging iyon ng mundo, hindi ito 'Silangan' o 'Kanluran' at siguradong hindi 'Malayo.' Ang pangkalahatang mas katanggap-tanggap na termino para sa lugar ay 'Silangang Asya,' na tiyak ayon sa heograpiya at hindi ipinahihiwatig ang lipás nang ideya na ang Europa ay ang sentro ng sibilisadong mundo."[4][7]

Sa kasalukuyan, nananatili ang termino sa mga pangalan ng matagal nang mga institusyon, tulad ng Unibersidad Pederal ng Malayong Silangan [en] sa Vladivostok, Pamantasan ng Dulong Silangan sa Maynila, at ang Unibersidad ng Malayong Silangan (Korea) [en] sa Timog Korea. Bilang karagdagan, dating ginamit ng Nagkakaisang Kaharian at ng Estados Unidos ang Malayong Silangan para sa ilang mga yunit at hukbong militar sa rehiyon, tulad ng Far East Fleet ng Maharlikang Hukbong Dagat [en].

Mga teritoryo at rehiyon na kagawianing sinasama sa terminong Malayong Silangan

Pangalan ng rehiyon[8] at
teritoryo, kasama ang watawat
Lawak
(km²)
Populasyon
Kapal ng populasyon
(per km²)
KabiseraMga uri ng pamahalaanPananalapiMga kinikilalang wika
Hilagang Asya
 Rusya[9]6,952,600[10]8,371,257[10]1.2MoskuPederal na republikang kalahi-pampanguluhanRubloRuso at
27 ibang mga co-opisyal na wika
Timog-silangang Asya
 Brunei5,765417,20072.11Bandar Seri BegawanGanap na Sultanatong IslamikoDolyar ng BruneiMalay at Ingles
 Cambodia181,03516,245,72981.8Phnom PenhMonarkiyang konstitusyonalRielKhmer
 Pulo ng Christmas[11]1351,84310.39Flying Fish CoveTeritoryong panlabas ng AustralyaDolyar ng AustralyaWala[12]
 Kapuluang Cocos (Keeling)[13]1454443.0West IslandTeritoryong panlabas ng AustralyaDolyar ng AustralyaWala[14]
 Indonesya1,904,569261,115,456138.0JakartaRepublikang pampanguluhanRupiahIndones
 Laos237,9556,758,35326.7VientianeSocialist RepublicKipLao
 Malaysia330,80332,049,70092.0Kuala LumpurPederal na monarkiyang konstitusyonal,
Demokrasyang parlamentaryo
RinggitMalay
 Myanmar (Burma)676,57853,582,85576.0NaypyidawPinag-isang pampanguluhang
republikang konstitusyonal
KyatBirmano
 Pilipinas300,000100,981,437336.0MaynilaPinag-isang pampanguluhang
republikang konstitusyonal
PisoFilipino at Ingles
 Singapore722.55,638,7007,804.0SingaporeRepublikang parlamentaryoDolyar ng SingaporeMalay, Ingles,
Mandarin, at Tamil
 Thailand513,12068,863,514132.1BangkokMonarkiyang konstitusyonal,
Demokrasyang parlamentaryo sa ilalim ng military junta
BahtThai
 Silangang Timor (Timor-Leste)15,4101,167,24278.0DiliRepublikang parlamemtaryoDolyar ng Estados Unidos / Mga baryang sentimoTetum at Portuges
 Vietnam331,21294,569,072276.03HanoiIsang-partidong estado,
Republikang sosyalista
đồngBiyetnames
Silangang Asya
 Tsina[15]9,598,094[16]
1,371,821,094[17]145.0BeijingIsang-partidong republikang sosyalistaYuan (Renminbi)Wikang Mandarin[18]
 Hong Kong[19]1,1087,448,9006,777.0Hong KongNatatanging rehiyong pampangasiwaan
ng Republikang Bayan ng Tsina.
Dolyar ng Hong KongTsino,[20]
Ingles
 Hapon377,973126,440,000334.0TokyoDemokrasyang parlamentaryo,
Monarkiyang konstitusyonal
YenWala
(Hindi pa nakakapagpasa ng batas ang Pambansang Diet (lehislatura) ng Hapon na kumikilala sa Hapones bilang opisyal na wika ng bansa.)
 Macau[21]115.3653,10021,340.0MacauNatatanging rehiyong pampangasiwaan
ng Republikang Bayan ng Tsina
PatacaTsino,[22]
Portuges
 Mongolia1,566,0003,081,6771.97UlaanbaatarRepublikang parlamentaryoTögrögMonggol
 Hilagang Korea120,54025,368,620212.0PyongyangPinag-isang diktadurang Juche
Republikang sosyalista
Won ng Hilagang KoreaKoreano
 Timog Korea100,36351,446,201507.0SeoulRepublikang pampanguluhanWon ng Timog KoreaKoreano
 Taiwan[23]36,19723,577,271650.0TaipeiSistemang kalahi-pampanguluhanDolyar ng Bagong TaiwanMandarin

Mga lungsod

Tingnan din

Talababa

Mga sanggunian