Mamona

Tungkol ito sa salitang galing sa Bibliya. Para sa pagkain, pumunta sa Mamon.

Ang mammon o mammona[1] ay isang salitang hinango mula sa Bagong Tipan ng Bibliyang Kristiyano at Talmud[2] ng Hudaismo, na ginamit upang mailarawan ang salapi, kayamanan o, sa partikular, bilang kayamanang materyal, o kaya kasakiman, na kadalasang kinakatawan ng isang diyos o kadiyosang sinasamba ng masasamang mga tao.[3] Isa itong transilerasyon ng salitang Hebreong mammon o מָמוֹן na nangangahulugang "salapi" o "pera".

Ang Ang Pagsamba kay Mamona, na iginuhit ni Evelyn De Morgan noong 1909.

Katumbas ito ng mga salitang kayamuan, abarisya, pagkagahaman, kahidhiran, ugaling-buwaya, pagkaganid, at pagkamapagkamkam.[3]

Nagmula ang salitang ito sa salita o katagang Arameong mamona o mammona, na may ibig sabihing "mga kayamanan", "mga yaman", o "salapi".[1] Matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 6:24) at Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 16:9, Lukas: 16:11, at Lukas: 16:13) sa Bagong Tipan ng Bibliya, na may katuturang "mga kayamanang pinaglaanan ng napakalaking pagpapahalaga".[2]

Mga sanggunian

Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.