Palarong Paralimpiko

Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC). Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subali't ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.

Bagama't ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang 'paraplegiko' (dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod) 'Olimpiko',[1] ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará ("katabi") at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.[1]

Kasaysayan

Punong-himpilan ng Paralimpiko ng Estados Unidos sa Colorado Springs.

Ang Palarong Paralimpiko ay mga kaganapang pampalakasan na may mataas na katangian para sa mga manlalaro mula sa mga iba't ibang pangkat na may kapansanan. Sila ay ibinalak upang mabigyang-diin ng mga tagumpay sa palakasan ng mga lumahok, hindi sa kanilang kapansanan.[1]

Sa araw ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 sa Londres, nagsaayos si Dr. Ludwig Guttmann ng Ospital ng Stoke Mandeville ng isang paligsahang pampalakasan para sa mga Britanikong beteranong pasyente ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may pinsala sa gulugod. Ang palaro ay ginanap muli sa parehong lugar noong 1952, at kumatig ang mga Olandes na beterano kaagapay ng mga Britaniko, na naging unang pandaigdigang paligsahan ng ganitong uri. Ang Palarong Stoke Mandeville ay nailarawan bilang mga hudyat ng Palarong Paralimpiko. Kasunod inopisyal ang Paralimpiko bilang pang-apatang taunang kaganapan na nakatali sa Palarong Olimpiko, at ang unang opisyal na Palarong Olimpiko, kung saan hindi na lamang para sa mga beterano sa digmaan, ay ginanap sa Roma noong 1960.[2][3] Sa Palarong Toronto 1976 ang mga ibang pangkat ng mga manlalaro na may iba't ibang kapansanan ay ibinilang.

Ang kilusan ay lumaki nang madulaan mula sa mga unang araw na ito – halimbawa ang bilang ng mga manlalaro na lumahok sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init ay lumaki mula sa 400 manlalaro sa Roma sa humigit ng 4,200 manlalaro mula sa mga 148 bansa sa Beijing noong 2008.

Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap sa parehong taon na katulad sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, ito lamang noong 1988 na ang Palaro ay nakapagganap sa parehong lungsod, na ginagamit ang parehong lugar na pinagdausan. Noong 2001, nilagdaan ng IOC at IPC ang kasunduan na nagtitiyak na ang mga Punong-abalang Lungsod na makikipagkasundo sa pamamahala ng magkatuwang na Palarong Olimpiko at Palarong Paralimpiko na magiging mabisa mula 2012. Sa kasalukuyan, ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC) ay pandaigdigang katawan ng pamamahala ng Kilusang Paralimpiko; nagsasaayos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init at Taglamig; at nagsisilbi rin bilang Pandaigdigang Pederasyon para sa 12 palakasan, na kung saan ito ay nangangasiwa at nakikipagtalastasan ang mga Pandaigdigang Kampeonato at mga iba pang paligsahan.

Palarong Tag-init

Palarong Paralimpiko sa Tag-init
PalaroTaonPunong-abalang LungsodBansaBinuksan niGinanap saKontinenteMulaHanggangSang.
I1960 RomaItalyaCamillo GiardinaStadio OlimpicoEuropa18 Setyembre25 Setyembre
II1964 TokyoHaponYoshiaki KasaiOda FieldAsya3 Nobyembre12 Nobyembre
III1968 Tel AvivIsraelYigal Allon  Hebrew University StadiumEuropa4 Nobyembre13 Nobyembre
IV1972 HeidelbergKanlurang AlemanyaPangulong Gustav HeinemannHeidelberg ThingstätteEuropa2 Agosto11 Agosto
V1976 TorontoKanadaTeniente Gobernador Pauline McGibbonWoodbine Racetrack

Centennial Park Stadium

Hilagang Amerika3 Agosto11 Agosto
VI1980 ArnhemOlandaPrinsesa MargrietNational Sports Centre PapendalEuropa21 Hunyo30 Hunyo
VII1984 Bagong YorkEstados UnidosPangulong Ronald ReaganMitchel Athletic ComplexHilagang Amerika17 Hunyo30 Hunyo
Stoke MandevilleGran BritanyaCharles, Prinsipe ng WalesStoke Mandeville StadiumEuropa22 Hulyo1 Agosto
VIII1988 SeoulTimog KoriyaPangulong Roh Tae-WooJamsil Olympic StadiumAsya15 Oktubre24 Oktubre
IX1992 BarselonaEspanyaReyna Sofía ng EspanyaEstadi Olímpic de MontjuïcEuropa3 Setyembre14 Setyembre
MadridPalacio de Deportes de la Comunidad de Madrid15 September22 September
X1996 AtlantaEstados UnidosIkalawang Pangulong Al GoreCentennial Olympic StadiumHilagang Amerika16 Agosto25 Agosto
XI2000 SidneyAwstralyaGobernador-Heneral Ginoong William DeaneStadium AustraliaOseaniya18 Oktubre29 Oktubre
XII2004 AtenasGresyaPangulong Costis StephanopoulosAthens Olympic StadiumEuropa17 Setyembre28 Setyembre
XIII2008 BeijingTsinaPangulong Hu JintaoBeijing National StadiumAsya6 Setyembre17 Setyembre
XIV2012 LondresGran BritanyaReyna Elizabeth IILondon Olympic StadiumEuropa29 Agosto9 Setyembre
XV2016 Rio de JaneiroBrazilPangulong Michel TemerMaracanã Estádio OlímpicoTimog Amerika7 Setyembre18 Setyembre
XVI2020 TokyoHaponEmperor ng Hapon (inaasahan)New National StadiumAsya25 Agosto6 Setyembre
XVII2024 ParisPransiyaPangulo ng Pransya (inaasahan)Stade de FranceEuropa28 Agosto8 Setyembre
XVIII2028 Los AngelesEstados UnidosPangulo ng Estados Unidos (inaasahan)Los Angeles Memorial Coliseum

SoFi Stadium

Hilagang Amerika22 Agosto3 Setyembre

Palakasang pantag-init

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init:

  • Atletika
  • Balibol (nakaupo)
  • Boksiya
  • Judo
  • Golbol
  • Pag-angat na pabigat
  • Paglalayag
  • Paglalangoy
  • Pagsasagwan
  • Pamamana
  • Pamamaril
  • Pamimisikleta
  • Pangangabayo
  • Pang-upuang-gulong na basketbol
  • Pang-upuang-gulong na eskrima
  • Pang-upuang-gulong na ragbi
  • Pang-upuang-gulong na tenis
  • Pingpong
  • Putbol na panlimahan
  • Putbol na pampituhan

Palarong Taglamig

Palarong Paralimpiko sa Taglamig
PalaroTaonPunong-abalang LungsodBansaBinuksan niGinanap saKontinenteMulaHanggangSang.
I1976 ÖrnsköldsvikSuwesaHari Carl XVI GustafKempehallenEuropa21 February28 February
II1980 GeiloNoruwegaHari Olav VVestia ResortEuropa1 February7 February
III1984 InnsbruckAwstryaPangulong Rudolf KirchschlägerOlympiahalleEuropa14 January20 January
IV1988 InnsbruckAwstryaPangulong Kurt WaldheimOlympiahalleEuropa17 January25 January
V1992 AlbertvillePransiyaPangulong François MitterrandStade LognanEuropa25 March1 April
VI1994 LillehammerNoruwegaReyna SonjaHåkons HallEuropa10 March19 March
VII1998 NaganoHaponTagapagmanang Prinsipeng NaruhitoM-WaveAsya5 March14 March
VIII2002 Lungsod ng Salt LakeEstados UnidosPangulong George W. BushRice-Eccles StadiumHilagang Amerika7 March16 March
IX2006 TurinoItalyaPangulong Carlo Azeglio CiampiStadio OlimpicoEuropa10 March19 March
X2010 VancouverKanadaGobernador General Michaëlle JeanBC PlaceHilagang Amerika12 March21 March
XI2014 SochiRusyaPangulong Vladimir PutinFisht Olympic StadiumEuropa7 March16 March
XII2018 PyeongchangTimog KoreaPangulong Moon Jae-inPyeongchang Olympic StadiumAsya9 March18 March
XIII2022 BeijingTsinaPangulo ng Tsina (inaasahan)Beijing National StadiumAsya4 March13 March
XIV2026 Milan-Cortina d'AmpezzoItalyaPangulo ng Italya (inaasahan)PalaItalia Santa GiuliaEuropa6 March15 March

Palakasang pantaglamig

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Taglamig:

  • Pag-iisking Alpino
  • Pag-iisking Nordiko
    • Biyatlon
    • Pag-iisking pangbagtas
  • Pang-upuang-gulong na kurling
  • Paragos na pangyelo ng haki

Mga kategoryang pangkapansanan

[4]

  • Naputulan: Ang mga manlalaro na may bahagian o kabuuang kawalan ng na hindi bababa sa isang galamay.
  • Lumpong Serebral: Ang mga manlalaro na may pinsala sa utak, halimbawa ay lumpong serebral, traumatikong kapinsalaan sa utak, atake sa utak o mga magkahalintulad na kapansanan na naapektuhan ng kontrol sa kalamnan, tuwasan o pagtutugon-tugon.
  • Kapansanang Intelektuwal: Ang mga manlalaro na may kawatasang pagpapaliit ng kumikilos na pang-intelektuwal at mga maykaugnayang hangganan sa paglalapat na pag-uugali. (Ang kategoryang ito ay kasalukuyang nakabinbin.)
  • Pang-upuang-gulong: Ang mga manlalaro na may mga kapinsalaan sa gulugod at iba pang kapansanan na kinakailangan nilang makipagpaligsahan sa isang upuang-gulong.
  • May Kahinaan sa Paningin: Ang mga manlalaro na may kahinaan sa paningin na umaantas mula bahagiang paningin, sapat na maipasyang bulag nang ligal, sa kabuuang kabulagan.
  • Les Autres: Ang mga manlalaro na may pisikal na kapansanan na hindi bumabagsak nang talangas sa ilalim ng isa ng ibang limang kategorya, tulad ng pagkabansot, maramihang isklerosi, mga pinagkasiputang kapansanan sa katawan ng mga galamay tulad na nagsanhi ng talidomida (ang pangalan ukol sa kategoryang ito ay hango sa wikang Pranses na ibig sabihin "mga iba").

Ang mga kategoryang ito ginagamit sa parehong Paralimpikong tag-init at taglamig.

Tingnan din

Sanggunian

Karagdagang babasahin

  • P. David Howe, The Cultural Politics of the Paralympic Movement. Through an Anthropological Lens, Routledge, 2008, ISBN 978-0-415-28887-3

Mga panlabas na kawing