Pandaigdigang Araw ng AIDS

Ang Pandaigdigang Araw ng AIDS (Ingles:World AIDS Day), na ginaganap tuwing ika-1 ng Disyembre bawat taon, ay inihahandog upang palawakin ang kamalayan tungkol sa AIDS na lumalaganap dahil sa inpeksyong HIV. Ginugunita ito ng mga pamahalaan at mga opisyal ng kalusugan, na kadalasang may mga talumpati o pagtitipon patungkol sa AIDS.

Pandaigdigang Araw ng AIDS
Ang pulang laso ay ang pandaigdigang sagisag ng pakikiisa sa mga taong positibo sa HIV at sa AIDS
Ipinagdiriwang ngLahat ng kasapi ng UN
PetsaIka-1 ng Disyembre (simula noong 1988; 36 taon ang nakalipas (1988))
DalasTaunan

Kumitil ng mahigit sa 25 milyong katao ang AIDS sa pagitan ng 1981 at 2007,[1] at tinatayang 33.2 milyong katao sa daigdig ang nabubuhay na may HIV noong 2007,[2] upang maging dahilan para ituring itong isa sa pinakamalalang epidemya sa nakatalang kasaysayan. Sa kabila ng mga bagong pamamaraan ng paggagamot at pangangalaga sa maraming rehiyon sa daigdig, ang epidemya ng AIDS ay kumitil ng tinatayang 2 milyong buhay noong 2007,[3] kung saan 270,000 ay mga bata.[4]


Tema ng Pandaigdigang Araw ng AIDS, 1988–kasalukuyan[5]

Isang malaking pulang laso na nakasabit sa dalawang haligi ng White House para sa Pandaigdigang Araw ng AIDS, 30 Nobyembre 2007
Isang 67 m habang "condom" sa Obelisko of Buenos Aires, Arhentina, bahagi ng kampanyang magbigay kamalayan tungkol sa AIDS noong Pandaigdigang Araw ng AIDS ng 2005
1988Communication
1989Youth
1990Women and AIDS
1991Sharing the Challenge
1992Community Commitment
1993Act
1994AIDS and the Family
1995Shared Rights, Shared Responsibilities
1996One World. One Hope.
1997Children Living in a World with AIDS
1998Force for Change: World AIDS Campaign With Young People
1999Listen, Learn, Live: World AIDS Campaign with Children & Young People
2000AIDS: Men Make a Difference
2001I care. Do you?
2002Stigma and Discrimination
2003Stigma and Discrimination
2004Women, Girls, HIV and AIDS
2005Stop AIDS. Keep the Promise
2006Stop AIDS. Keep the Promise – Accountability
2007Stop AIDS. Keep the Promise – Leadership
2008Stop AIDS. Keep the Promise – Lead – Empower – Deliver[6]
2009Universal Access and Human Rights[7]
2010Universal Access and Human Rights[7]
2011Getting to Zero[8]
2012Getting to Zero[5]
2013Getting to Zero[5]
2014Getting to Zero[5]
2015Getting to Zero[5]

Mga sanggunian

Mga kawing na panlabas