Pandaigdigang Araw ng Kabataan

Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan o World Youth Day (WYD) ay binuo ni Papa Juan Pablo II noong 1984 "upang pagsamahin ang mga karaniwang ministeryo ng kabataan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bagong sigla para sa pagsalig, mga layunin na kinakandili ang mas higit pa na pagsangkot at paglahok" (Sulat mula kay Papa Juan Pablo II - Seminar noong WYD 1996).

Layunin

May tatlong layunin ang World Youth Day:

  1. Magkaroon ng tiwala sa kabataan
    • Ang World Youth Day ay isang pagsasama ng mga kabataan mula sa buong mundo at isang malakas na paalala ng kalakasan at tiwala ng Simbahang Katoliko sa kabataan ngayon.
  2. Sama-samang pagtitipon
    • Hindi lamang pagtitipon sa kabataan ang World Youth Day, kundi isang oras na magkaroon ng tiwala sa kabataan ng mundo. Isang pagtawag para sa kabataan ng mundo upang magtipon bilang isa.
  3. Pagpulong ng internasyunal na mundo sa antas ng tao
    • Nakakamangha pa rin ngayong ika-21 siglo na nakapagpalitan sa iba at maging bahagi sa karanasang internasyunal. Nagkakaroon ng lubos na pag-asa ang mga ganitong pangyayaring internasyunal ngunit marami rin takot (pagtaas sa pundamentalismo, nasyonalismo at ibang bagong salungatan). May ginagampanan ang Simbahang Katoliko at mga Kristiyano mismo sa pagpigil ng pagusbong ng mga ganitong takot, at tinutulungan ang bawat tao na maghanap ng mga paraan upang matuklasan ang pag-asa.

Mga pangyayari

Pagdiriwang Pandaigdigan

Internasyunal na Antas ng Pagdiriwang[1]
TaonPetsaLokasyonBilang ng Lumahok1TemaPan-temang Awitin

[Wika]2

Mga Nota
1984Abril 15Roma,
Italya
Santa Missa sa Piazza San Pietro
300,000Banal na Taon ng Pagliligtas: Selebrasyon ng Pag-AsaResta Qui Con Noi

[Italyano]

Ibinigay ni Juan Paulo II ang WYD Cross sa Kabataan ng mundo
1985Marso 31Roma,
Italya
Santa Missa sa Piazza San Pietro
300,000Internasyunal na Taon ng Kabataan
1987Abril 11–12Buenos Aires,
Arhentina
1,000,000Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. (1 Juan 4:16)Un Nuevo Sol

[Espanyol]

Unang WYD sa labas ng Italya at Europa
1989Agosto 15–20Santiago de Compostela,
Espanya
Misang Pang-wakas sa Monte do Gozo
400,000Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. (Juan 14:6)Somos Los Jóvenes

[Espanyol]

1991Agosto 10–15Częstochowa,
Polonya
1,600,000Natanggap ninyo na ang espiritu ng pagiging anak. (Roma 8:15)Abba Ojcze

[Polako Italyano Espanyol]

1993Agosto 10–15Denver,
Nagkakaisang Estado ng Amerika
Misang Pang-wakas sa Cherry Creek State Park
500,000Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay—isang buhay na ganap at kasiya-siya. (Juan 10:10)(We Are) One Body

[Ingles]

Unang WYD sa Hilagang Amerika
1995Enero 10–15Maynila,
Pilipinas
Misang Pang-wakas sa Luneta Park
10,000,000Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo. (Juan 20:21)Tell the World of His Love

[Ingles]

  • Pinakamalaking pagtitipon kasama ang Santo Papa[2]
  • Unang WYD sa Asya
1997Agosto 19–24Paris,
Pransiya
Misang Pang-wakas sa Longchamp Racecourse [3]
1,200,000Guro, saan ka namamahaya? Halikayo at tignan. (cf. Jn 1:38-39)Maître Et Seigneur

[Pranses]

2000Agosto 15–20Roma,
Italya
Misang Pang-wakas sa Tor Vergata
2,000,000Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. (Juan 1:14)Emmanuel

[Italyano Ingles Pranses Espanyol]

Kasama sa selebrasyon ng Dakilang Hubileo
2002Hulyo 23–28Toronto,
Canada
Misang Pang-wakas sa Downsview Park
800,000Kayo’y asin sa mundo...kayo’y ilaw sa sanlibutan (Mateo 5:13-14)Lumière Du Monde/Light Of The World

[Pranses Ingles Espanyol Italyano]

Huling WYD na dinaluhan ni Juan Paulo II
2005Agosto 16–21Cologne,
Alemanya
Misang Pang-wakas sa Marienfeld
1,200,000[4][5]Naparito kami upang sambahin siya (Mateo 2:2)Venimus Adorare Eum

[Aleman Latin Pranses Espanya Ingles Italyano]

2008Hulyo 15–20Sydney,
Australia
Misang Pang-wakas sa Southern Cross Precint
400,000 [6]Tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating ang Banal na Espiritu, at kayo ay magiging testigo ko. (Mga Gawa 1:8)Receive The Power

[Ingles Italyano Espanyol Pranses]

Unang WYD sa Oceania
2011Agosto 16–21Madrid,
Espanya[7]
Misang Pang-wakas sa Cuatro Vientos Airport
1,400,000–2,000,000[8][9][10]Nananatili at Nagpapakatibay kay Krsto, Matatag sa Pananampalataya. (Col 2:7)[11]Firmes en la Fe

[Español Ingles Pranses Italyano Aleman Polako Griego]

  • Maliban sa Batikano at Italya, Espana ang unang bansang naging lokasyon ng WYD higit sa isang pagkakataon.
  • Huling WYD na dinaluhan ni Benedicto XVI
2013Hulyo 23–28Rio de Janeiro,
 Brasil[12]

Misang Pang-wakas sa Dalampasigang Copacabana

3,700,000[13]Humayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa. (Mateo 28: 19)Esperança do Amanhecer
  • Ikalawang WYD sa Timog-Amerika
  • Unang WYD sa bansang Portuges ang wika
  • Huling WYD na ipinahayag ni Benedicto XVI
  • Unang WYD na dinaluhan ni Francisco
  • Unang WYD na pareho ang lokasyon ng pambungad at pang-wakas na Misa
2016Hulyo 26-31Kraków,
Polonya

Misang Pang-wakas sa Kondado ng Brzegi, Wieliczka

3,000,000Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila. (Mateo 5:7) [14]"Błogosławieni miłosierni"
2019Enero 22-27Lungsod ng Panama,
Panama

Misang Pang-wakas sa Metro Park, Juan Díaz, Lungsod ng Panama

700,000[15]Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi. (Lucas 1:38) [16]"Hágase en mí, según tu palabra"
  • Ikatlong 'WYD' sa Timog America
2023Lisboa,
Portugal
Hindi nagtagal at si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa bulubundukin ng Juda. (Lucas 1:39)[17]
  • Ikasampung 'WYD' sa Europa
  • Ikatlong 'WYD' sa Timog-Kanlurang Europa

1Ito ay mula sa websayt ng USCCB Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine. maliban sa may ibang pinagmulan. Ang mga numero ay para sa Misang Pang-wakas kung saan sinasamahan ng maraming lokal na tao ang mga bumyahe para sa WYD.2Inililista dito ang mga wikang ginamit sa pina-unang bersyong internasyunal ng awiting pan-tema. Maaaring may gumawa ng ibang bersyon ng kanta na posibleng gumamit ng ibang wika.

Pagdiriwang Pang-episkupo

Pang-Episkupong Antas ng Pagdiriwang
PetsaTema
23 Marso 1986Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. (1 Pedro 3:15)
27 Marso 1988Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo. (Juan 2:5)
8 Abril 1990Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. (Juan 15:5)
12 Abril 1992Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. (Marcos 16:15)
27 Marso 1994Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo (Juan 20:21)
31 Marso 1996Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. (Juan 6:68)
5 Abril 1998Ang Espirtu Santo ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay (cf Juan 14:26)
28 Marso 1999Iniibig kayo ng Ama. (cf. Juan 16:27)
8 Abril 2001Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. (Lukas 9:23)
13 Abril 2003Narito ang iyong ina. (Juan 19:27)
4 Abril 2004Ibig po naming makita si Hesus. (Juan 12:21)
9 Abril 2006Ang Iyong salita ay lampara sa'king paa at ilaw sa'king daan. (Mga Awit 119:105)
1 Abril 2007Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa't isa. (Juan 13:34)
5 Abril 2009Ang aming pag-asa ay nasa Buhay na Diyos. (1 Timoteo 4:10)[11]
28 Marso 2010Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan? (Marcos 10:17)[11]
1 Abril 2012Magalak kayong lagi sa Panginoon. (Filipos 4:4)
13 Abril 2014Mapalad ang mga aba, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian. (Mateo 5:3)[14]
29 Marso 2015Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. (Mateo 5:8)[14]
05 Abril 2020Binata, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka! (Luka 7:14)[17]
28 Marso 2021Tumayo ka! Nagpakita ako sa iyo upang italaga ka bilang aking lingkod at magpatotoo tungkol sa mga nakita mo. (Gawa 26:16)[17]

Tipikal na talatakdaan ng mga pangyayari

Pandaigdigang Pagdiriwang

Lingo ng Pagdiriwang ng Araw ng Kabataan
Hanggang sa lingo ng pagdiriwangMARTESMIERKULESHUWEBESBIYERNESSABADOLINGO
UMAGAMga Araw sa Episkupo:
  • Sesyong Katetikal sa mga parokya sa loob at malapit sa episkupo
Opisyal na araw ng pagdating ng mga BiyaheroSesyong Katetikal kasama ang ilang obispoBiyaheng paglalakad patungo sa lugar ng bigilSeremonyang pang-wakas:
HAPONSeremonyang PambungadMga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisalOpisyal na pagdating ng Santo Papa kung saan ibinibigay niya ang mensaheng pambungadMga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisalMga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisal sa lugar ng bigil
GABIMga palabas, musika, pagdarasal at pag-kumpisalEstasyon ng KrusBigil kasama ang Santo Papa

Pagdiriwang sa Lokal na Episkupo

Ang mga kaganapan sa Episkupo ay pinaplano ng isang grupo na inatasan ng obispo.

Halos palaging kasabay ng pagdiriwang ang Linggo ng Palaspas, kayat laging kasama sa selebrasyon ang Santa Missa ng Domingo de Ramos - kung saan isinasagunita ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sa kaniyang mga huling araw.

Kasama rin sa pagdiriwang ang musika, pagdarasal, pag-kumpisal, at ang eksposisyon ng Banal na Sacramento.

Tignan Din

Mga sanggunian

Kawing Panlabas