Bibing Peking

nilitsong bibe mula sa Beijing (Peking)

Ang bibing Peking o patong Peking ay isang ulam na bibi mula sa Beijing (Peking)[a] na inihahanda magmula pa noong panahon ng imperyo. Kilala ito dahil sa manipis at malutong na balat, at kapag awtentiko ito, balat ang karamihan ng inihahain, kaunti lamang ang laman, at hinihiwa ng kusinero sa harapan ng mga kumakain. Ang mga bibing sadyang inaalagaan para sa lutuing ito ay kinakatay pagkaraan ng 65 araw at tinitimplahan bago litsunin o hurnuhin sa loob ng hurnuhang sarado o kulong. Kalimitang kinakain ang karne nito na may kasamang dahon ng sibuyas, pipino at sarsang tianmian, at binabalutan ng spring pancake ang mga palaman. Minsan nilalagyan din ito ng inatsarang labanos. Isang baryasyon ng lutuing ito ang kilala bilang xiang su ya (lit. malutong na aromatikong bibi) na sikat sa Reyno Unido.

Bibing Peking
Hiniwang bibing Peking para maipakita
Tradisyunal na Tsino北京烤鴨
Pinapayak na Tsino北京烤鸭
Kahulugang literalinihaw na pato ng Beijing

Kasaysayan

Isang bibing Peking na nililitson sa hurnong may sabit c. 1933

Nililitson ang mga bibe sa Tsina magmula noong mga Dinastiya sa Katimugan at Hilaga.[1] Inihanda ang isang baryasyon ng litsong bibe para sa Emperador ng Tsina sa Dinastiyang Yuan. Nabanggit ang ulam na orihinal na pinangalanang "shāo yāzi" (燒鴨子), sa manwal na Mga Kumpletong Resipi para sa Pagkain at Inumin (飲膳正要) noong 1330 ni Hu Sihui (忽思慧), isang inspektor ng kusinang imperyal.[2][3] Ganap na nilinang ang bibing Peking na kilala natin ngayon sa pahuling bahagi ng Dinastiyang Ming,[1][4][5] at mula noon ay, naging isa ito sa mga pangunahing ulam sa mga menu ng korteng imperyal.[6] Itinatag noong 1416 ang unang restorang nagdalubhasa sa bibing Peking, Bianyifang, sa Xianyukou, malapit sa Qianmen ng Beijing.[7]

Talababa

Talsanggunian