Pamantasang Princeton

Ang Pamantasang Princeton (Ingles: Princeton University) ay isang pribadong Ivy League na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Princeton, New Jersey, Estados Unidos.

Nassau Hall (1756) sa larawan noong 1903, ang pinakalumang gusali ng unibersidad, ang orihinal na tahanan ng Lehislatura ng New Jersey, at ang kabisera ng Estados Unidos sa tag-init ng 1783
Ang Art Museum
McCosh 50, ang pinakamalaking lecture hall sa kampus

Itinatag noong 1746 sa Elizabeth bilang College of New Jersey, ang Princeton ay ang ikaapat na institusyon ng mas mataas na edukasyon na nabigyan ng tsarter sa Labintatlong Kolonya[1][a] at isa sa siyam na mga kolonyal na kolehiyo na itinatag bago ang Rebolusyong Amerikano. Ang institusyon ay inilipat sa Newark noong 1747, pagkatapos ay sa kasalukuyang sayt siyam na taon pagkalipas, kung saan ito ay pinangalanan bilang Unibersidad ng Princeton noong 1896.[6]

Ang Princeton ay naghahain ng mga undergraduate at graduate na instruksyon sa humanidades, agham panlipunan, natural na agham, at inhinyeriya.[7] Ito ay nag-aalok ng propesyonal na digri sa pamamagitan ng Woodrow Wilson School of Public and International Affairs, School of Engineering and Applied Science, School of Architecture at Bendheim Center for Finance. Ang university ay may hugpong sa Institute for Advanced Study, Princeton Theological Seminary, at Westminster Choir College ng Universidad ng Rider.[b] Ang Princeton ang may pinakamalaking kaloob (endowment) kada mag-aaral sa Estados Unidos.[8]

Ang university ay nakapagpatapos ng maraming tanyag na alumni, kabilang na ang mga nagwagi ng 44 Nobel prize, 21 National Medal of Science, 14 Fields Medal, ang pinakamaraming nagwagi ng Abel Prize (sa lahat ng unibersidad), 10 Turing Award, limang National Humanities Medal, 209 Rhodes Scholars, at 126 Marshall Scholars.[9] Dalawang Pangulo ng US at 12 hukom ng Kataas-taasang Hukuman ay nabibilang sa alumni ng Princeton. Ang Princeton ay nakapagpatapos din ng maraming mga miyembro ng Kongreso ng Estados Unidos at Gabinete, kabilang ang walong Kalihim ng Estado, tatlong Kalihim ng Pagtatanggol, at dalawa sa apat na nakaraang Pinuno ng Federal Reserve.

Mga tala

Mga sanggunian

40°20′43″N 74°39′22″W / 40.3453°N 74.6561°W / 40.3453; -74.6561