Robert Pattinson

Si Robert Pattinson (ipinanganak noong Mayo 13, 1986)[3] ay artista, musikero at modelong Ingles. Siya ay nakilala bilang Edward Cullen sa pelikulang Twilight na hango mula sa nobela ni Stephenie Meyer at bilang Cedric Diggory sa Harry Potter and the Goblet of Fire.

Robert Pattinson
Si Pattinson noong Nobyembre 2009
Kapanganakan
Robert Thomas Pattinson

(1986-05-13) 13 Mayo 1986 (edad 37)
London, England
Ibang pangalanRob, R-Pattz,[1] Spunk Ransom[2] (mga palayaw)
TrabahoArtista, modelo, musikero, prodyuser
Aktibong taon2004–kasalukuyan
Si Robert Pattinson.

Si Pattinson ay isinilang sa Londres, Inglatera. Ang kanyang inang si Clare ay nagtatrabaho sa isang ahensiyang ng pagmomodelo. Ang kanyang amang si Richard ay nag-aangkat ng mga makalumang kotse mula sa Estados Unidos. Pumasok siya sa Tower House School at Harrodian School. Naging aktibo siya sa teatro dahil sa Barnes Theatre Company. Matapos ang karanasan niya ay tumanggap siya ng papel sa pag-arte.

Mga sanggunian


Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pelikula at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.