Zaragoza

Ang Zaragoza[a] (tinatawag ding Saragossa[b] sa Ingles)[2] ay ang kabiserang lungsod ng Lalawigan ng Zaragoza at ng awtonomong komunidad ng Aragón, Espanya. Ito ay nasa Ilog Ebro at mga sangay nito, ang Huerva at ang Gállego, bahagyang nasa gitna nh kapuwang Aragón at limasang Ebro. Nasa taas itong 199 metro (653 talampakan) sa ibabaw ng lebel ng dagat.

Zaragoza

Zaragoza
Zaragoza
munisipalidad ng Espanya
Watawat ng Zaragoza
Watawat
Eskudo de armas ng Zaragoza
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 41°39′00″N 0°53′00″W / 41.65°N 0.8833333°W / 41.65; -0.8833333
Bansa Espanya
LokasyonZaragoza Comarca, Zaragoza Province, Aragón, Espanya
KabiseraZaragoza City
Pamahalaan
 • mayor of ZaragozaJorge Azcón
Lawak
 • Kabuuan973,780,000 km2 (375,980,000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2023)
 • Kabuuan682,513
 • Kapal0.00070/km2 (0.0018/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00
Plaka ng sasakyanZ
Websaythttps://www.zaragoza.es/

Noong Enero 1, 2019 may 706,904 katao ang lungsod ng Zaragoza,[3] sa loob ng teritoryong administratibo nito na sumasakop sa 1,062.64 kilometro kuwadrado (410.29 milya kuwadrado), kaya panlimang pinakamalaki ito sa Espanya. Ito ay pantatlumpu't-dalawang pinakamataong munisipalidad sa Unyong Europeo. Ang tinatayang populasyon ng kalakhang pook nito ay 783,763 katao noong 2006. Tahanan ang munisipalidad ng higit sa 50 porsyento ng kabuoang populasyon ng Aragón.

Idinaos sa Zaragoza ang Expo 2008 noong tag-init ng 2008, isang pandaigdigang pagtatanghal sa tubig at sustenableng pagpapaunlad. Kalahok din ito sa Kabiserang Europeo ng Kalinangan noong 2012.

Tanyag ang lungsod sa kanilang mga alamat, pampook na gastronomiya, at mga palatandaang-pook tulad ng Katedral-Basilika ng Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza, Katedral ng La Seo at ang Palasyo ng Aljafería. Kasama ang La Seo at ang Aljafería, bumubuong bahagi ang ilan pang ibang mga gusali sa Mudéjar Arkitektura ng Aragón na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Ang Fiestas del Pilar ay kabilang sa pinaka-ipinagdiriwang na mga pista sa Espanya.

Etimolohiya

Ang lungsod ay binansagang Caesaraugusta ng sinaunang mga Romano, at nagmula rito ang kasalukuyang pangalan nito. Ang bayang Iberian na umiral bago ang pananakop ng mga Romano ay tinawag na Salduie.[4]

Demograpiya

Historical population
TaonPop.±%
1991 594,394—    
1996 601,674+1.2%
2001 610,976+1.5%
2006 649,181+6.3%
2011 674,725+3.9%
2016 661,108−2.0%
Datos ng populasyon: National Statistics Institute of Spain (INE)

Klima

Malak ng kapanahunan sa Paliparan ng Zaragoza, taas 263 metro (1981-2010 para sa mga karaniwan)
BuwanEnePebMarAbrMayHunHulAgoSetOktNobDisTaunan
Sukdulang taas °S (°P)20.6
(69.1)
25.5
(77.9)
28.3
(82.9)
32.4
(90.3)
36.5
(97.7)
41.0
(105.8)
44.5
(112.1)
42.8
(109)
39.2
(102.6)
32.0
(89.6)
28.4
(83.1)
22.0
(71.6)
44.5
(112.1)
Balasaking taas °S (°P)10.5
(50.9)
13.1
(55.6)
17.3
(63.1)
19.6
(67.3)
24.1
(75.4)
29.3
(84.7)
32.4
(90.3)
31.7
(89.1)
27.1
(80.8)
21.4
(70.5)
14.8
(58.6)
10.8
(51.4)
21.01
(69.81)
Arawang tamtaman °S (°P)6.6
(43.9)
8.2
(46.8)
11.6
(52.9)
13.8
(56.8)
18.0
(64.4)
22.6
(72.7)
25.3
(77.5)
25.0
(77)
21.2
(70.2)
16.2
(61.2)
10.6
(51.1)
7.0
(44.6)
15.51
(59.93)
Balasaking baba °S (°P)2.7
(36.9)
3.3
(37.9)
5.8
(42.4)
7.9
(46.2)
11.8
(53.2)
15.8
(60.4)
18.3
(64.9)
18.3
(64.9)
15.2
(59.4)
11.0
(51.8)
6.3
(43.3)
3.2
(37.8)
9.97
(49.92)
Sukdulang baba °S (°P)−10.4
(13.3)
−11.4
(11.5)
−6.3
(20.7)
−2.4
(27.7)
0.5
(32.9)
1.6
(34.9)
8.0
(46.4)
8.4
(47.1)
4.8
(40.6)
0.6
(33.1)
−5.6
(21.9)
−9.5
(14.9)
−11.4
(11.5)
Balasaking kadanligan mm (dali)21.0
(0.827)
21.5
(0.846)
19.1
(0.752)
39.3
(1.547)
43.7
(1.72)
26.4
(1.039)
17.3
(0.681)
16.6
(0.654)
29.5
(1.161)
36.4
(1.433)
29.8
(1.173)
21.4
(0.843)
322
(12.676)
Araw ng balasaking kadanligan (≥ 1 mm)4.03.93.75.76.44.02.62.33.25.45.14.851.1
Araw ng balasaking pag-niyebe0.70.40.20.00.00.00.00.00.00.00.10.52.4
Balasaking halumigmig na matungay (%)75675957544947515767737661
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw1311652172262743073483152431951481242,693
Sanggunian: Agencia Estatal de Meteorología[5]

Kambal at kapatid na mga lungsod

Magkakambal ang Zaragoza sa:[6][7]

Ang Zaragoza ay may natatanging bilateral na mga kasunduang pagtutulungan sa mga sumusunod na lungsod:

Talababa

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Gabay panlakbay sa Zaragoza mula sa Wikivoyage