Bansang makapangyarihan

Bansa na may malawak na impluwensiyang politikal, panlipunan, at pang-ekonomiya

Ang bansang makapangyarihan o bansang may dakilang kapangyarihan (Ingles: great power, powerful country, powerful nation, powerful state) ay isang bansa, nasyon, o estadong may kakayahang magbigay ng impluwensiya sa iba pang mga bansa, nasyon, at estado sa karamihan ng mga bahagi ng mundo, kaya't binabansagang bilang dakilang kapangyarihan o pangunahing kapangyarihan sa kadalasan. Posible ito sapagkat mayroon itong malakas na malakas o matatag na matatag na puwersang pang-ekonomiya, pampolitika, at militar. Ang mga opinyon ng mga bansang ito ay isinasaalang-alang ng iba pang mga bansa bago gumawa ng kilos na diplomatiko o pangmilitar. Bilang katangian, mayroon ang mga bansang ito ng kakayahang mamagitan sa pamamagitan ng militar halos saan mang pook, at mayroon din silang banayad na kapangyarihan pangkultura, na kadalasang nasa anyo ng pamumuhunang pang-ekonomiya sa hindi gaanong mauunlad na mga bahagi ng daigdig.

Mga bansang makapangyarihan

Sa ngayon, itinuturing na kabilang sa mga bansang makapangyarihan ang mga sumusunod:

Tingnan din

  • G8 - isang pangkat ng walong makapangyarihang mga bansa

Mga sanggunian