Shinzō Abe

Si Shinzō Abe (安倍 晋三, Abe Shinzō, [abe ɕinzoː]  ( makinig); 21 Setyembre 1954 - 8 Hulyo 2022) ay ang dating Punong Ministro ng Hapon simula 2006 hanggang 2007 at simula 2016 hanggang 2020. Siya ay naging Pangulo ng Partido Liberal Demokratiko (LDP)[1] at chairman ng Oyagaku pangkat propulsiyong parliamentaryo. Si Abe ang ika-90 na Punong Ministro ng Hapon na hinalal sa isang espesyal na sesyon ng Pambansang Diet noong 26 Setyembre 2006. Siya ang pinakabatang punong ministro pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan at ang una na ipinanganak pagkatapos ng digmaan. Siya ay nagsilbing punong ministro na kaunti sa isang taon at nagbitiw noong 12 Setyembre 2007.[2] Siya ay pinalitan ni Yasuo Fukuda na nagpasimula ng mga punong ministr ona hindi nagpanatili ng posisyon sa higit sa isang taon.[3] Noong 26 Setyembre 2012, tinalo ni Abe ang dating Ministro ng Pagtatanggol na si Shigeru Ishiba sa isang botong run-off upang manalo sa halalang pampanguluhan (presidential) ng LDP.[4] Si Abe ay muling naging Punong Ministro pagkatapos ng malaking pagkapanalo ng LDP sa 2012 pangkalahatang halalan noong 26 Disyembre 2012. Siya ang naging pinkamatagal na naglingkod na punong ministro matapos niyang pangunahan ang pagkapanalo ng LDP sa mga eleksyon noong 2014 at 2017. Noong Agosto 2020 ay inanunsyo ni Abe ang kanyang pagbitiw bilang punong ministro dahil sa kanyang kalusugan.[5] Ibinigay niya ang kanyang pagbitiw noong 16 ng Setyembre, siya ay sinundan ni Yoshihide Suga.[6]

Shinzō Abe
安倍 晋三
Punong Ministro ng Hapon
Nasa puwesto
26 Disyembre 2012 – 16 Setyebre 2020
MonarkoAkihito
Naruhito
DiputadoTarō Asō
Nakaraang sinundanYoshihiko Noda
Nasa puwesto
26 Setyembre 2006 – 26 Setyembre 2007
MonarkoAkihito
Nakaraang sinundanJunichiro Koizumi
Sinundan niYasuo Fukuda
Pangulo ng Partidong Demokratikong Liberal ng Hapon
Nasa puwesto
26 Setyembre 2012 – 14 Setyembre 2020
DiputadoMasahiko Kōmura
Nakaraang sinundanSadakazu Tanigaki
Nasa puwesto
20 Setyembre 2006 – 26 Setyembre 2007
Nakaraang sinundanJunichiro Koizumi
Sinundan niYasuo Fukuda
Chief Cabinet Secretary
Nasa puwesto
31 Oktubre 2005 – 26 Setyembre 2006
Punong MinistroJunichiro Koizumi
Nakaraang sinundanHiroyuki Hosoda
Sinundan niYasuhisa Shiozaki
Pansariling detalye
Ipinanganak (1954-09-21) 21 Setyembre 1954 (edad 69)
Nagato, Hapon
Namatay8 Hulyo 2022(2022-07-08) (edad 67)
Kashihara, Nara, Japan
Dahilan ng pagkamatayBlood loss due to gunshot wounds (Assassination)
Partidong pampolitikaLiberal Democratic Party
AsawaAkie Matsuzaki
Alma materSeikei University
University of Southern California

Si Abe ay isang matatag na konserbatibo na inilalarawan ng mga komentarista sa pulitika na bilang isang maka-kanang nasyonalistang Hapon.[7][8][9][10][11]

Napatay si Abe ni Tetsuya Yamagami (isang dating marino ng Japan Maritime Self-Defense Force) noong Hulyo 8, 2022 habang nagbibigay ng kanyang kampanyang pananalita sa Nara.[12]

Asasinasyon ni Shinzō Abe

Sa ika-8 Hulyo 2022, dakong 11:30 JST (UTC+9) ng tanghali sa Nara ay nabaril si Abe habang hinahatid ang kanyang kampanyang pananalita.[13]. Isang 41 taong gulang na suspek na si Yamagami Tetsuya (isang dating marino ng Japan Maritime Self-Defense Force [mula 2002 hanggang 2005]) ang naaresto at umamin sa lokal na kapulisan.[14] Isinugod si Abe sa Nara Medical University Hospital sa Kashihara, dito inanunsyo ang kanyang pagpanaw sa dakong 17:03 JST.[15][16] Siya ay nasa edad na 67 sa kanyang oras ng pagpanaw.

Bilang tugon sa pagbaril at sa kanyang pagpanaw, maraming mga kasalukuyang at dating pinuno ng daigdig ang nagpadala ng kanilang simpatya at suporta para kay Abe.[17][18]

Mga sanggunian

Panlabas na Link

Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kinuha sa "https:https://www.search.com.vn/wiki/index.php?lang=tl&q=Shinzō_Abe&oldid=2087436"
🔥 Top keywords: Unang Digmaang PandaigdigEl filibusterismoNoli Me Tángere (nobela)José RizalIkalawang Digmaang PandaigdigTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereFrancisco BalagtasIbong AdarnaFlorante at LauraNatatangi:MaghanapRebolusyong EDSA ng 1986Batas militarGomburzaUnang PahinaTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePadron:Mga Kabanata ng Noli Me TangereFerdinand MarcosBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosKarapatang pantaoPang-uriAdolf HitlerCorazon AquinoPang-aabusong seksuwalKarapatang sibil at pampolitikaPandiwaPananaliksikPagkamakabansaKoridoNagkakaisang BansaPang-abayKasunduan sa VersaillesTimog-silangang AsyaPagkamamamayanAraw ng KagitinganTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasDemokrasyaPangunang lunasFidel V. RamosArkiduke Franz Ferdinand ng Austriya