Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

(Idinirekta mula sa Deklarasyon sa Bangkok)

Ang Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya[2], na kadalasang dinadaglat bílang ASEAN o Asean,[3][4] ay isang kapisanang pangheopolitika, pang-ekonomiya, at pangkultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang Asean ay itinatag noong ika-8 ng Agosto 1967 at binuo ng Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand. Ang mga layunin ng samahang ito ay pagtaguyod ng paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura sa mga kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang pangrehiyon.

Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
Watawat ng ASEAN အရှေ့တောင်အာရှနိုင်ငံများအသင်း (sa Birmano) Hiệp hội các quốc gia Đông Nam Á (sa Biyetnames) Association of Southeast Asian Nations (sa Ingles) Perhimpunan Bangsa-bangsa Asia Tenggara (sa Indones) សមាគមន៏ប្រជាជាតិអាស៊ីអាគ្នេយ (sa Khmer) ສະມາຄົມປະຊາຊາດແຫ່ງອາຊີຕະເວັນອອກສຽງໃຕ້ (sa Lao) Persatuan Negara-negara Asia Tenggara (sa Malay) தென்கிழக்காசிய நாடுகளின் கூட்டமைப்பு (sa Tamil) สมาคมประชาชาติแห่งเอเชียตะวันออกเฉียงใต้ (sa Thai) 东南亚国家联盟 / 東南亞國家聯盟 (sa Tsino)
Watawat
Salawikain: "Isang Pananaw, Isang Pagkakakilanlan, Isang Pamayanan"
"10 Bansa, 1 Pagkakakilanlan"
Awitin: "Ang Paraan ng ASEAN" (The ASEAN Way)
Luklukan ng KalihimanIndonesia Jakarta
Pinakamalaking lungsodIndonesia Jakarta
Wikang panggawainIngles[1]
KatawaganTimog-Silangang Asyano
Bansang-kasapi
PamahalaanKapisanang panrehiyon
• Tagapangulo
Laos Sonexay Siphandone
• Kalihim
Cambodia Kao Kim Hourn
Pagtatag
• Pagpapahayag ng Bangkok
8 Agosto 1967
• Karta
16 Disyembre 2008
Lawak
• Kabuuan
4,464,322 km2 (1,723,684 mi kuw)
Populasyon
• Pagtataya sa 2008
577 milyon
• Densidad
129/km2 (334.1/mi kuw)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2007
• Kabuuan
US$ 3,431.2 bilyon
• Bawat kapita
US$ 5,962
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
US$ 1,505.7 bilyon
• Bawat kapita
$2,609
TKP (2015)0.684
katamtaman
Salapi
Sona ng orasUTC+9 hanggang +6:30 (Asean)
Kodigong pantelepono
Internet TLD
  1. Kung isinaalang-alang bilang isahang entidad.
  2. Napiling susi ng mga batayang tagaturol ng ASEAN
  3. Taunang paglaki 1.6%

Kasaysayan

Deklarasyon ng Bangkok: Ang pagkatatag ng Asean noong 8 Agosto 1967.

Maaaring iguhit ang pagkatatag ng Asean mula sa pagkatatag ng dalawang hiwalay na organisasyon: ang Samahan ng Timog-Silangang Asya, isang alyansa na binubuo ng mga bansang Pilipinas, Malaysia at Thailand na itinatag noong taóng 1960, at ang Maphilindo, isang iminungkahing alyansa na ibubuo ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.

Ang Asean ay itinatag noong 8 Agosto 1967, na ang mga ministro ng ugnayang panlabas ng limang bansa ay nagpulong sa Bangkok at naglagda ng Deklarasyon ng Asean, na kinikilala nang lubos na Deklarasyon ng Bangkok. Ang limang ministro ng ugnayang panlabas – Adam Malik ng Indonesya, Narciso Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singgapore, at Thanat Khoman ng Thailand – ay itinuring na Mga Ama ng Pagkatatag ng Organisasyon.

Naging bahagi ng Asean ang Brunei noong 8 Enero 1984, ang araw pagkatapos ng pagkamit ng kanilang kalayaan nang isang linggo. Ang Brunay ay unang bansa na naging kasapi sa kalunan ng Asean. Noong 28 Hulyo 1995, nagkaroon ng isang bagong kasapi ang Asean nang sumanib ang Vietnam bílang ikapitong kasapi. Pagkatapos ng dalawang taon, sumanib ang mga bansang Laos at Myanmar bílang kasapi ng Asean noong 23 Hulyo 1997. Kasabay dapat ang Cambodia sa araw ng pagsanib na iyon, ngunit ipinagpaliban muna sapagkat lumalaganap pa ang kaguluhang panloob sa politika. Noong 30 Abril 1999, sumanib na sa wakas ang bansang Cambodia at nakabuo ng isang matatag na samahán ang Asean.

Mga Pangunahing layunin ng Asean

Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):

  • Paggalang sa magkabilá ng-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan, katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
  • Karapatan ng bawat estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
  • Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
  • Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
  • Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
  • Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.

Mga kasapi ng Asean

Mga watawat ng 10 kasapi ng Asean
Ang mapa ng Asean na binubuo ng mga bansang-kasapi

Ang mga kasalukuyang bansang-kasapi sa Asean ay mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuling sumapi:

Mga kasaping nagtatag

Itinatag ang organisasyon ng ito sa pamamagitan ng Deklarasyon sa Bangkok noong 8 Agosto 1967.

Mga estadong sumapi sa kalaunan

Timor-Leste

Noong 23 Hulyo 2006, Si José Ramos-Horta, ang kasalukuyang pangulo ng Timor-Leste, ay lumagda ng pormal na pakiusap at inaasahan ang mabilis na paraan ng pagpasok upang maging ganap na kasapi sa loob ng limang taon.

Papua New Guinea

Ang bansang Papua New Guinea ay kasalukuyang nasa katayuang tagamasid mula 1976.

Pagtitipon ng Asean

██ Mga likas na kasapi ng Asean
██ Mga tagamasid sa Asean
██ Mga kandidatong-kasapi ng Asean
Asean Dagdag Tatlo
Pagtitipon ng Silangang Asya
Porong Panrehiyon ng Asean

Nagdadaos ng mga pagpupulong ang Asean na nakilalang Pagtitipon ng Asean (Asean Summit), kung saan nagpupulong ang mga punò ng pamahalaan ng bawat kasapi upang pag-usapan at pasyahan ang mga isyung panrehiyon, gayundin sa pagdaraos ng ibang pagpupulong kung saan kasáma ang mga bansa na nasa labas ng hanay na may hangaring magtaguyod ng mga ugnayang panlabas.

Mga Pagtitipong Pormal ng Asean
PetsaBansaPunung-abala
Ika-1Pebrero 23–24, 1976  IndonesiaJakarta
Ika-2Agosto 4–5, 1977  MalaysiaKuala Lumpur
Ika-3Disyembre 14–15, 1987  PilipinasMaynila
Ika-4Enero 27–29, 1992  SingaporeSingapore
Ika-5Disyembre 14–15, 1995  ThailandBangkok
Ika-6Disyembre 15–16, 1998  VietnamHanoi
Ika-7Nobyembre 5–6, 2001  Brunei Bandar Seri Begawan
Ika-8Nobyembre 4–5, 2002  CambodiaPhnom Penh
Ika-9Oktubre 7–8, 2003  IndonesiaBali
Ika-10Nobyembre 29–30, 2004  LaosVientiane
Ika-11Disyembre 12–14, 2005  MalaysiaKuala Lumpur
Ika-12Enero 11–14, 20071  PilipinasCebu
Ika-13Nobyembre 18–22, 2007  SingaporeSingapore
Ika-14327 Pebrero – 1 Marso 2009
10–11 Abril 2009
 ThailandCha Am, Hua Hin
Pattaya
Ika-1523 Oktubre 2009  ThailandCha Am, Hua Hin
Ika-168–9 Abril 2010  VietnamHanoi
Ika-172010  Indonesia4Manado
1 Ipinagpaliban mula Disyembre 10–14, 2006.
2 Nagpunong-abala ng pagtitipon nang lumiban ang Myanmar.
3 Ang pagtitipon ay binubuo ng dalawang bahagi.
Ang unang bahagi ay nalipat mula 12–17 Disyembre 2008 dahil sa krisis pampolitika ng Thailand 2008.
Ang ikalawang bahagi ay napigil noong Abril 11 dahil sa pagpasok ng mga demonstrador sa lugar ng pagdaraos ng pagtitipon.
4 Nagmungkahi ang bansang  Indonesia sa bansang  Brunei ng palitan na magpupunong-abala sila sa APEC (at malamang ang pagpupulong ng G20) sa 2013.

Habang nagdaraos ang ikalimang Pagtitipon sa Bangkok, nagpasiya ang mga pinúnò na magpulong nang "di-pormal" sa pagitan ng bawat pagtitipon:

Mga Pagtitipong Di-pormal ng Asean
PetsaBansaPunung-abala
Ika-130 Nobyembre 1996  IndonesiaJakarta
Ika-214–16 Disyembre 1997  MalaysiaKuala Lumpur
Ika-327–28 Nobyembre 1999  PilipinasMaynila
Ika-422–25 Nobyembre 2000  SingaporeSingapore

Ang paghahambing ng mga hanay sa mga malalaking bansa

OrganisasyonLawak
km²
PopulasyonGDP (PPP)
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita

sa EU$
Mga bansang-
kasapi
UE3.977.487456,285,83911,064,75224,24925
Asean4,400,000553,900,0002,172,0004,04410
CSN17,715,335366,669,9752,635,3497,18712
NAFTA21,588,638430,495,03912,889,90029,9423
AU29,797,500850,000,0001,515,0001,89653
Malalaking
bansa
Hati ng
politika
India3,287,5901,102,600,0003,433,0003,10035
Tsina9,596,9601,306,847,6247,249,0005,20033
EU19,631,418296,900,57111,190,00039,10050
Canada19,984,67032,507,874958,70029,80013
Russia17,075,200143,782,3381,282,0008,90089

Sa taong 2003. Bughaw-puti para sa pinakamalaking halaga, lunting-puti para sa pinakamaliit, sa mga hanay na pinaghahambingan.
Pinagkunan: CIA World Factbook 2004, IMF WEO Database
1 Mga kasapi ng NAFTA

Katayuan ng ekonomiya

Ang talahanayang GDP ay nakabatay sa PPP na pinagkunan ng IMF noong Setyembre 2004.

BansaGDP (PPP)
angaw
sa EU$
GDP (PPP)
bawat kapita
sa EU$
 Indonesia820,5433,661 (6)
 Thailand514,2367,851 (4)
 Pilipinas191.84924,652
 Malaysia271,16710,449 (3)
 Vietnam222,3452,685 (7)
 Singapore111,50725,384 (1)
 Myanmar81,2831,466 (10)
 Cambodia25,6481,775 (9)
 Laos11,8321,972 (8)
 Brunei5.65815.171 (2)

Mga Lider ng ASEAN

10 Kasapi kasama ang Kalihim-Heneral

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas